Zatara's
Agad namang tumayo si Zee at naglakad papunta sa direksyon nina Megan at Hyuck. Nakangisi parin si Megan sa amin. Aminado naman akong uminit talaga yung ulo ko sa nakita ko pero mas mabuti na ang kalma kesa pikon. Pero si mamc kasi! Agad ko naman siyang hinabol at hinawakan sa kamay.
"Zee, ano na naman bang binabalak mo?"
Hinawi niya ang kamay ko at tinaasan ng kilay si Megan. "Nananadya ka ba?" tanong nito. Tinaasan rin siya ng kilay ni Megan. "Ano bang sinasabi mo?"
Zee slammed her hand on the table kaya napatili si Megan. "Akala mo ba hindi namin nakikita yang pag-ngisi mo samin sa tuwing nag-uusap kayo ni Hyuck?! Ano kami bulag?! Ha?!" nakita ko naman ang takot sa mukha ni Megan. Tsk, wag niyo nga kasing ginagalit tong si Zee. Nagiging tigre kasi to pag galit eh.
"Mamc tama na. Sorry sa istobro. Aalis na kami." sabi ko at akmang hihilahin na sana si Zee palabas ng cafeteria pero muli pa itong nagsalita. "Wag na wag mo nang ipapakita yang mukha na yan sakin ah? Wag ka na ring ngumisi, di bagay sayo. Tandaan mo, si Ree parin ang nauna. Walang sayo." huling sabi ni Mamc saka nauna nang lumabas ng cafeteria.
Nag bow naman ako. "Sorry talaga sa inasta ni Zee. Mainit lang talaga ang ulo non palagi." sabi ko saka sinundan si Zee papalabas. Ni hindi manlang ako tiningnan ni Hyuck. Hays.
BINABASA MO ANG
𝙄𝙉𝙏𝙍𝙊𝙑𝙀𝙍𝙏 | 𝙡𝙙𝙝
Short Story❝pansinin mo naman ako oh? nagmumukha na akong tanga dito sa pagpapapansin sayo.❞ LEE DONGHYUCK EPISTOLARY + NARRATION started: 06/10/19