035 | narration

422 9 13
                                    



3rd person's


Naidilat ni Hyuck ang mata niya dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. He looked down on the sleeping angel whose head is on top of his chest. Napangiti naman si Hyuck dahil dito pero mas lumapad pa ang ngiti niya nang mas isiniksik pa ni Zatara ang ulo niya sa kanyang dibdib. Narinig naman niya ang pag unlock ng pinto ng classroom kaya mabilis but careful niyang ginising si Zatara.

"Ree, ree, gising na. Bukas na yung pinto ng room."

"Ree, wake up."

"Ree, ree, ree."

"Ree, nandito si Renjun."

Mabilis namang bumangon si Zatara saka inayos ang buhok niya. "Ha? Asan? Asan?" tanong ni Ree saka inilibot ang tingin sa room ngunit wala siyang nakitang kahit anino ng Renjun. "Wala naman ah!"

Sumimangot naman si Hyuck dahil dun. Si Renjun lang pala ang katapat ni Ree. Nagsisisi na siya kung bakit binanggit niya pa ang pangalan ni Renjun. Tyaka bakit niya pa hinahanap si Renjun eh nandito naman siya?

"Naniwala ka naman. Pag nandito si Renjun, nabubuhay yung dugo mo. Akala ko ba magmomove on kana?" pagdadabog ni Hyuck saka tumayo na mula sa pagkakasandal niya sa pader. Kumunot naman ang noo ni Zatara saka napakamot sa ulo. "Galit ka na naman ba?"

"At bakit naman ako magagalit? Pake ko dun sa kumag na yon."

Natatawa si Ree sa reaksyon ni Hyuck at sa pagiging denial niya kaya napagdesisyunan niyang mas asarin siya.

"Talaga ba? Kung ganoon edi tigilan nalang natin tong 'date me' thing na to. Mahal ko pa ata si Renjun eh."

Zatara was pinned to the wall in seconds. Sobra siyang nagulat sa ginawa ni Hyuck, makikita mo naman sa mata niya.

"H-Hyuck...."

"At sino nagsabing titigil ako?"

"Joke lang naman yun eh. Pikon ka naman kaagad."

"Hindi naman ako napikon ah―"

Naputol naman ang pagsasalita ni Hyuck nang may grupo ng estudyante na pumasok sa room. Nanlaki naman ang mga mata nila sa nakita.

"H-Heol, sa dami ng lugar dito pa talaga sila gagawa ng milagro?" narinig ni Zatara na bulong ng isang estudyante sa kaibigan niya. Nandidiri naman silang tiningnan ng mga ito. "Kaya nga eh. Mga Seniors talaga ngayon, ew. Buti pa tayong mga freshmen."

"Mukhang wala silang balak umalis oh."

Halos mangiyak-iyak naman si Zatara na napayuko at nagmadaling umalis ng room. Tumakbo lang siya ng tumakbo hanggang sa makarating siya sa gate at nagpara ng taxi.




𝙄𝙉𝙏𝙍𝙊𝙑𝙀𝙍𝙏 | 𝙡𝙙𝙝Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon