034 | narration

473 11 53
                                    



CHAPTER THEME: Star Blossom by Doyoung and Sejeong



Zatara's



I smiled and snuggled into my pillow. Ang bango ng unan ko mygash. Pero bakit ang tigas ata? Naramdaman ko naman na gumalaw ito kaya mabilis akong bumangon at nakita si Hyuck na natutulog. Napasapo naman ako sa noo ko. Ay pucha, na-lock pala kami sa loob ng classroom. I checked the time and it was 2 o'clock na ng madaling araw. So kanina pa ako natutulog sa dibdib ni Hyuck? Hala nakakahiya!

Paano kung nag snore ako? Paano kung tumulo yung laway ko? Paano kung nag sleep talk ako? ANONG MUKHA ANG IHAHARAP KO SA KANYA?!

To make sure, chineck ko naman ang polo ni Hyuck at wala namang bakas ng laway ko dun. Aalis na sana ako mula sa pagkakalapit ko sa kanya pero nasipa ko ang upuan sa likod ko at nahiga ako sa dibdib ni Hyuck.

Idinilat niya naman ang mata niya. "Luh? Ire-rape mo sana ako noh?"

"FEELING KA! AT BAKIT NAMAN KITA IRERAPE HA?" umalis naman ako mula sa pagkakapatong ko sa kanya saka iniwas ang tingin ko. Narinig ko siyang tumawa. "May hd ka pala sakin ah."

"Uyyy si Zatara may Hd sakin ayiiieeeee." pang-aasar nito. Nilingon ko naman siya. "Hoy fyi wala kaya! Ano ka pogi?"

Ngumisi naman siya saka inilapit ang mukha niya sa mukha ko kaya napaatras agad ako. "Hindi ba?"

Naiwan akong tulala habang nakatingin sa mukha niya. Oo na! Pogi ka na! Nakakainis, para siyang anghel. Ngumiti naman siya saka hinalikan ang tungki ng ilong ko. "Speechless ka kaagad, Ree. Napapaghalataan na kita ah. Gusto mo na ba ako?"

"Siguro." mahinang bulong ko. "Huh? Ano yon?" tanong naman ni Hyuck.

"Pfft, asa." pagdedeny ko. Sumimangot naman siya. "Dun muna ako sa bintana ah?" pagpapaalam ko kaya tumango siya. Binuksan ko naman ang bintana at agad kong naramdaman ang malamig na hangin na tumatama sa mukha ko kaya napangiti ako. Favorite time of the day ko kasi ang daybreak. Meaning, nasa 12-4 am.

Naramdaman ko namang tumabi si Hyuck sakin. "Ano bang nangyari sa inyo ni Renjun? Bakit hindi kayo nag work?"

Nilingon ko naman siya at nakita ko kung gaano kaseryoso ang ekspresyon niya. "Nag work naman kami pero nanloko siya eh. Naghanap siya ng iba." he hummed and nodded. "Kung sakaling maka-get over ka na kay Renjun, papayag ka ba na ligawan kita?"

Natulala naman ako. Seryoso? Sa pangalawang pagkakataon, na speechless na naman ako. Napaka-straightforward niyang magsalita. Hindi nga niya ako binigyan ng pagkakataong ihanda ang sarili ko sa mga tanong niya.

"Ree."

"Oh?"

"I asked you to date me para maka move on ka kay Renjun kasi ayokong madala mo yung trauma na naramdaman mo papunta sa kasalukuyan. You deserve to be happy.  "

"Bakit mo ba ginagawa to? Kahit wala kang assurance na mabibigyan kita ng chance, bakit nagpapatuloy ka parin?"

He smiled and caressed my cheeks. "Gagawin ko naman lahat para mapasaya ka eh. Kahit na alam kong talo parin ako, atleast I've made a mark in your heart. Sapat na yun para sakin."

Napansin kong lumiwanag naman ang paligid kaya sabay kaming napalingon sa labas ng bintana. White streaks of light started falling from the sky at alam ko na kaagad kung ano yun.

"Hala Hyuck tingnan mo! Nagme-meteor shower!"



3rd person's


"Hala Hyuck tingnan mo! Nagme-meteor shower!" sabi ni Zatara. Napa-'woah' naman ang dalaga habang pinagmamasdan ang mga meteorites na nagsisipag-bagsakan mula sa langit.

Tiningnan niya naman ang mga meteorites bago lumipat kay Zatara. His heart was full of glee. Hindi niya alam kung anong nagawa niya sa past life niya para ma-deserve itong perfect moment na ito kasama ang babaeng gusto niya.

Yet indeed, the meteor shower was really beautiful, but Zatara was breathtaking. She was not pretty, nor beautiful. She was majestically mesmerizing. At si Zatara lang ang tanging babaeng nagpabaliw kay Haechan ng ganito. Parang malalagutan na siya ng hininga dahil sa bilis ng tibok ng puso niya. Parang mapupunit na ang kanyang labi dahil sa laki ng ngiti niya habang tinitingnan ang dalaga.

Inakbayan niya naman si Zatara saka ipinatong ang ulo niya sa ulo ng dalaga. He wished she would never let go.

"Kung ganito naman pala ang feeling na ma-lock sa classroom, edi magpapalock na ako palagi kasama ka."



kim_joyce095 patay ka saken mamc HAHAHAHAHAHAHAHA



𝙄𝙉𝙏𝙍𝙊𝙑𝙀𝙍𝙏 | 𝙡𝙙𝙝Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon