050 | narration

405 6 9
                                    



Zatara's



"Baliw ka talaga noh? Ano bang napasok diyan sa utak mo at nagsapakan kayo sa school grounds?" sabi ko habang nililinis ang sugat ni Hyuck. "Aray, dahan-dahan naman oh." he hissed. "Wag mo akong tarayan ah." pagbabanta ko kay Hyuck kaya napatahimik siya.

"Masakit pa ba?" tanong ko nang matapos kong lagyan ng band aid ang kanang noo niya. Tumango naman siya. Tiningnan ko ng maigi ang mukha niya. Inexpect kong magiging sabog siya tingnan pero bakit mas naging hot siya pag may mga pasa? Omg!

"Wag mo nang uulitin yon ah?"

Umiling naman siya. "I can take all the punches just to protect you from that bastard." sinimangutan ko naman siya. "Hindi bastard si Felix."

"Tsk, hindi mo kasi alam."

"Na ano?"

"They're playing a bet on you. I overheard last time. Now you can thank me."

Hindi naman ako makapagsalita. Ang dami na niyang nagawa para sakin. How am I supposed to pay it all back? Hayyy.

"Salamat ah. Sorry narin kasi hindi ako nakinig sayo." nginitian naman ako ni Hyuck. "Patatawarin naman kita eh. Hindi ko matitiis ang babaeng gusto ko."

"Ha?"

Ayan na naman tong mga trip ni Hyuck na minsan hindi ko gets. He ruffled his hair and sighed.

"Puta, ang manhid mo talaga Ree."

"Teka inaano ba kita?"

"Gusto kita Ree! Matagal na. Oh ayan, nasabi ko na."

Natulala naman ako. Ha? Gusto niya ako? I mean obvious naman eh. Hindi naman talaga ako manhid, ayoko lang mag ilusyon ng mga bagay-bagay dahil baka magmukha akong assumera. Nahahalata ko naman, pero I wanted friendship. Friendship lang talaga.

"Gusto mo rin ba ako?"

Hindi ako makasagot. Ayokong sumagot. Oo, crush ko nga siya. Pero iba yung sinasabi ng puso ko eh. Parang ayaw eh.

"A-Ahm alis muna ako ah? Magbabanyo muna ako." and I quickly  got out of the clinic. Sorry talaga Hyuck.







𝙄𝙉𝙏𝙍𝙊𝙑𝙀𝙍𝙏 | 𝙡𝙙𝙝Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon