Zatara's
Sumimangot naman ako matapos kaming mapalabas ni Hyuck sa klase. Ano na naman kayang ipaparusa samin? Tanga ka talaga, Zatara! "Ikaw kasi Hyuck eh! Bakit nag chat kapa?" tanong ko sa nakatawang si Hyuck. At may gana pa siyang tumawa? "Anong ako? Kasalanan ko bang hindi ka alert sa surroundings mo?" pag-ngisi niya. "Napalabas ka rin! Di ka rin alert!"
Nginisan pa ako ng ugok. "Sinamahan lang kitang ma-detention."
"Hindi ko kailangan ng kasama noh."
"Gusto mong mag-isa kang maghihirap? Yun ba?"
Lakas talaga ng trip nitong lalaking to. Maya-maya pa, binuksan naman ni Miss Betty yung pinto. "OH? BAKIT NANDITO PA KAYO? DIBA SABI KO PUMUNTA KAYO SA DETENTION ROOM?!" bulyaw ni Miss Betty sa amin kaya mabilis akong hinila ni Hyuck at tumakbo kami sa kung saan kami dalhin ng mga paa namin.
"Huy! Patay talaga tayo kay Miss Betty!" sabi ko kay Hyuck habang tumatakbo parin kami. Tumigil naman kami sa pinto papuntang rooftop. He glanced at me. "Tara?"
"Seryoso? Lagot tayo nito uy!" sabi ko kay Hyuck. "Hindi yan, ako bahala sayo." at sa huli pumayag naman ako. Parang nawala lahat ng pangamba ko nang makatapak kami sa rooftop. Napakalakas ng simoy ng hangin tapos ang ganda pa ng view.
Kumuha naman si Hyuck ng dalawang upuan saka itinapat ito sa view namin. Umupo naman kami. "Dito ako nagpapakawala ng mga stress ko. Sumisigaw lang ako hanggang sa gumaan yung pakiramdam ko." sabi ni Hyuck saka nilingon ako. "May problema ka pala? Tapos hindi mo sinasabi samin?"
Nag shrug naman siya. "Minsan, di mo naman talaga kailangang sabihin lahat ng mga problema mo."
Tumango naman ako. Tama naman siya. Importante parin naman ang privacy. "Try mong ilabas lahat, baka mawala." alok niya sakin.
"POTA KA HUANG RENJUN! MANLOLOKO KA! SINABI MO PANG USER AKO AMPOTA! MADAPA KA SANA!"
Nagulat naman si Hyuck. "Sinabihan ka niyang user?"
Tinanguan ko naman siya. "Pero hindi naman ako masyadong nagpaapekto." nag iba naman ang timpla ng mukha niya. "Oh hala nagdidilim na yung mukha mo." panunukso ko sa kanya.
"Crush mo pa si Renjun?"
Umiling naman ako. "Hindi na."
"So may pag-asa na talaga ako?"
"Luh manliligaw ka ba?"
"Kung papayag ka." sabi niya saka seryoso akong tiningnan. Ayan ka na naman Zatara! Natutunaw ka na naman sa mga tingin niya! How to unrupok?
Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya saka nag focus sa view na nasa harapan ko. Ready na kaya ako?
BINABASA MO ANG
𝙄𝙉𝙏𝙍𝙊𝙑𝙀𝙍𝙏 | 𝙡𝙙𝙝
Short Story❝pansinin mo naman ako oh? nagmumukha na akong tanga dito sa pagpapapansin sayo.❞ LEE DONGHYUCK EPISTOLARY + NARRATION started: 06/10/19
