091 | narration

381 8 29
                                    


Zatara's



Medyo nakakabagot rin noh kapag wala si Hyuck? Yung tipong lahat nalang ng pinapanood mong tv shows ay boring. Lahat ng pagkain na kinakain mo matabang. Tapos yung mga pader sa bahay niyo nagiging gray. Nago-overeact lang siguro ako. Miss ko na kasi yun eh. Nakahiga lang ako sa hita ni Mark na kasalukuyang nanunuod ng Spiderman Homecoming. Nakakatawa sana yung movie kaso wala yung fave person ko para samahan akong manuod.

Napa-sigh nalang ako at nagdesisyong matulog not until Mark asked me. "Oh bakit ang problemado mo ata balz?"

Umiling lang ako. "Si Hyuck kasi eh, namimiss ko na." napapout nalang ako. "Tapos pag nandito siya tinataboy mo naman."

"Di kaya!"

Mark just scoffed and chuckled. "Magsisinungaling ka pa talaga sakin?" tanong niya saka sinubuan ako ng popcorn. "Tinataboy ko ba talaga siya?" nag pout ako. Tumango naman siya. Subukan ko kaya maging clingy sa kanya? Aish! Ang cringey kasi eh! Hindi ako sanay. Maya-maya pa, nakatanggap naman ako ng message galing kay Hyuck.

* a new message from Haechan *

Haechan: nandito na ako sa labas

Agad akong napabangon at tumakbo papalabas ng bahay at nakita ko si Hyuck na nakatayo sa labas ng gate. Pinagbuksan ko naman siya. Hindi pa siya nakakapagsalita nang yakapin ko siya ng mahigpit. Inamoy ko pa ang dibdib niya. Gosh, ang bango talaga ng baby ko. I looked up to see Hyuck smiling from ear to ear.

"Ang cute mo." sabi niya. Nginitian ko lang siya and I pecked his chin kasi yun lang yung part na marereach ko. Kailangan ko pang tumingkayad para mahalikan siya sa lips. "Hindi mo pa ba ako bibitawan?"

Umiling ako. "Ayaw! Akin ka lang."

He pecked my forehead and nodded. "Sayo lang."

May narinig naman kaming nag-beep sa likod ni Hyuck. Agad ko siyang binitawan nang mapagtanto ko kung sino yung nag-beep. Oh no, I'm dead. Mom and Dad's here! At nakita nila ang ginawa namin! Oh no. Bumaba naman sila mula sa sasakyan. Hyuck bowed.

"Hello po Mr. and Mrs. Lee."

Ngumiti naman si Mom. "Hi! You're Haechan right? Yung nanliligaw sa anak ko? Oh my gosh, ang pogi mo naman." Mom said and kneaded Hyucks cheeks. "Ah hindi po ako yung manliligaw ni Ree."

"Oo nga po Ma! Hindi ko po siya manlili―"

"Kasi ako po yung future husband ng anak niyo hehe." confident na pagkakasabi ni Hyuck. Pinanlakihan ko naman siya ng mata. I pinched his arm pero mukhang wala lang sa kanya yon. Tumawa naman si Dad sa sagot niya saka nakipag-fist bump.

"I like you. Halika, mag usap tayo sa loob." Dad said and pointed his finger at Hyuck. "Sige po." he winked at me and followed my parents entering inside the house. Naiwan naman akong tulala sa labas. Seriously? Ganon lang kadali yon?



---


Time skip and we're all eating dinner together. Mom and Dad are constantly asking Hyuck with questions na about sa aming dalawa. Kung paano kami nagkakilala, bakit ako nagustuhan ni Hyuck, nakakatagal ba raw siya sa attitude ko at iba pa.

"Nag-aaway rin ba kayong dalawa?" tanong ni Mom. Nilagyan niya naman ng chicken stew ang bowl ni Hyuck. Tumango naman siya. "Opo pero hindi gaanong seryoso. Yung mga small fights lang po. Pero hindi ko rin po paaabutin na lumaki yung away namin."

Tumango naman si Dad. "Mabuti naman kung ganon. Dapat niyo talagang i-manage ng mabuti ang relationship niyo kung gusto niyong mag-last ito."

"Dad! Hindi pa naman kami eh." sabi ko. Mark cut me off. "Hindi PA."

Ngumiti naman si Hyuck at tumango. "Don't worry po, seryoso po talaga ako kay Zatara. I've liked her for three years already and I don't have plans to stop." namula naman ako sa sinabi niya. Nahihiya ako! Siguro nga hindi pa ako gaanong kasanay sa mga ganito. Si Renjun kasi, hindi ko pinakilala sa kanila. Our relationship was secret.

Tumayo naman ako at hinila si Hyuck patayo. "Mom, salamat sa dinner. Mag-uusap lang po muna kami ni Hyuck. Enjoy!"

Nang makarating kami sa rooftop ng kwarto ko, agad ko naman siyang pinalo. "Aray! Bakit?" he asked and rubbed the spot that I spanked.

"Ano yung kanina sa baba?"

Nag pout naman siya. "Akala mo ba hindi ako seryoso sa panliligaw ko sayo?"

"Nanliligaw ka ba? Kasi kung makaasta ka kasi kanina parang nanliligaw ka na."

Seryoso niya naman akong tiningnan. He walked towards me and I backed out. Napasandal nalang ako sa railings at naiilang na tiningnan si Hyuck. Damn that gaze! Nakakatunaw! Naje-jelly na naman yung mga tuhod ko. Only Hyuck can make me feel this way.

"You want me to get serious with things?"

Hindi na ako nakasagot. Mas inilapit niya pa ang mukha niya sa mukha ko. I felt his hot breath on my skin.

"Okay, Zatara Lee. Can I court you?"

I was enticed by his gaze. Para akong hinihigop ng mga mata niya kaya wala sa sarili akong tumango. Kahit naman lutang ako, papayag parin naman ako eh. Sino bang hindi papayag?

"Alam mo Ree, kahit di kita ligawan, ipaparamdam ko parin sayo kung gaano kita kamahal."

"Alam ko naman yun eh." sagot ko. Niyakap ko nalang siya at ibinaon ang ulo ko sa dibdib niya. Favorite part ko na ata ng katawan niya ang dibdib niya. He hugged me by my waist and he rested his chin on top of my head. I feel so secured.

Nanatili lang kaming ganon. Ayaw ko na siyang bitawan pa.







𝙄𝙉𝙏𝙍𝙊𝙑𝙀𝙍𝙏 | 𝙡𝙙𝙝Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon