Maagang nakarating sa meeting place si allen at naghihintay sa kanyang sundo.
Dumating sa meeting place si mang lodovico pederito na syang tagapaghatid ng mga bagong napiling empleyado ng order of the black and white.marunong magsalita ng lahat ng lenggwahe sa buong mundo.
"magandang umaga po sir allen.pasensya na at medyo nalate ako.nagpalit kasi ako ng gulong.halina po kayo."sabi ni mang vic.
Sumakay naman si allen at tahimik na naupo sa loob ng mahabang limousine malapit sa driver.
"matagal na din po buhat ng maghatid ako ng bagong empleyado ng order dito sa pilipinas.naaalala ko pa po noon si sir bernard."sabi ng driver.
"sino po si sir bernard?"sabi ni allen.
"isa po si sir bernard sa mga pinakamagagaling na executioner ng pilipinas.mabait at matapang,kaso lang ay minalas sya sa huling mission nya sa palawan at napatay.nakakahinayang po talaga at bihira ang katulad nya.taga rito din sya sa inyong probinsya."sabi ng driver.
"ah ganon po pala.mukang kilalang kilala nyo po sya ah."sabi ni allen.
"kilala po sya ng marami.ako din po kasi ang naghatid sa kanya sa university noong nagsisimula palang sya. maraming executioner at marksman na po ang naihatid ko sa ibat ibang university sa buong mundo.pero naiiba po talaga si sir bernard."sabi ng driver.
"ano daw po ang nakapatay kay sir bernard?"sabi ni allen.
"vampire daw po ang nababalitang target ni sir bernard noon sa palawan.maaaring yun ang may gawa.siguradong mahusay at malakas ang isang yon."sabi ng driver.
"sayang naman po at hindi ko na sya nakilala at baka nakapagpaturo sana ako."sabi ni allen.
"sayang po talaga.sige po sir allen.paki kabit nalang po ang sit belt at papasok na po tayo sa tunnel.medyo makaldag po sa loob."sabi ng driver.
Sumunod lang ang binata at alam nyang kabisado ng driver ang kanilang pupuntahan.
Nakabantay sa gps tracker ang binata nang biglang mawala ang signal sa kalagitnaan ng tunnel na hindi na napansin ng binata dahil sa matinding kapit sa upuan.
Naalog ang buong limousine at nagmukang duhat si allen sa loob.
Nang malagpasan ang tunnel ay naroon na sila sa tulay ng malawak na campus ng mauro maximino supernatural university.
Nagulat pa ang binata ng matanaw nya ang malawak na isla ng campus.
Idinudugtong ito ng nag iisa at mahaba tulay na malabituka ang mga kurba.
"welcome to the university sir allen.konti nalang at papasok na tayo sa gate."sabi ng driver.
"wow.astig naman ng tulay nito.bakit pinadami pa yung kurba.pwede naman diretso nalang."sabi ni allen.
"ahaha.sanay na po ako dito.nag iisa kasing daanan ito papunta at palabas sa university.kaya siguro pinahirap nila ang tulay."sabi ng driver.
"huh?!.anong nangyari sa gps tracker.bakit nawala sa signal.nasira po yata ang cellphone ko."sabi ni allen.
"hindi po yan nasira.hindi po ba nasabi sa inyo na aalis tayo sa dimensyon ng mga tao at pupunta sa mundo ng mga engkanto sa parallel world.ito na po kasi ang pinakaligtas na lugar para sa mga naiibang nilalang."sabi ng driver.
"ah ok.kala ko po nasira yung cp ko.hindi po ba kayo natatakot dito,baka po delikado dito para sa mga tao."takot na sabi ni allen
"wala naman po akong problema dito sir allen dahil isa din po ako sa kanila. Nabibilang po ako sa mga tikbalang.mas delikado po para sa ordinaryong tao ang lugar na ito.kayat mag iingat po kayo."sabi ng driver.
BINABASA MO ANG
OOTBAW
Adventurekwentong halimaw tayo.basta kwento lang ,not a pro writer.comment for more improvements..^_^