Sa mga libreng oras naisip isingit ni anne ang magic enhancement training at half day kung linggo upang gawing nakapipinsala ang electric magic at maturuan pa ng ibang magic si allen sa loob ng club room.
Tuwing MWF naman ng 12pm to 3pm isisasagawa ni ariana ang extra martialarts training,fitness and strengthening program.
Tuwing TTH naman ang kay regina from 12pm to 3pm din.upang maraming matutunan si allen sa mga vital information para tapusin ng mabilis ang ibat ibang halimaw.
At ang nalalabing 3pm to 6pm o hanggang gabi ay inilalaan sa club activity.
Miyerkules ng hapon.nakatoka si allen at zendong na mag imbestiga,habang gumagawa naman ng news paper ang tatlo.
“alam mo zendong.halos wala akong pahinga sa buong linggo.one week palang ako sa program ng tatlong babae natin.sobrang sakit na ng katawan at utak ko,tapos damay mo pa yung school.”sabi ni allen.
“eh ganyan talaga idol.mainam din yan para lumakas ka.ako nga rin nagsasanay na.tsaka itinigil ko na rin mag weeds.basta idol promise ko sayo.hinding hindi na ako tatakbo ulit.”sabi ni zendong.
“ayos yan.kaya pala hindi ka na high eh.very good.pero wala naman masama kung tumakbo ka kung hindi mo kaya.”sabi ni allen.
Walang pagbabago sa buhay ni allen.patuloy ang salimuot sa mga inggit at seloso,ngunit minor lang ang mga pinagdadaanan sa mga nagdaang araw.
“idol,naisip ko lang.ang galing ng kapangyarihan ng lahi mo.akala ko talaga napatay ka na ng kidlat.ang lakas ng tumama sayo pero hindi mo pinansin.”sabi ni zendong.
“ang totoo.hindi naman sa akin yon.may electric element magic ako.pero kasing lakas lang yun ng pangsindi sa lighter,basta ang natatandaan ko lang.hindi ko na maikilos ang katawan ko nun at nagdidilim na ang paningin ko.nagdasal ako kay bosing.baka sa kanya galing yon.”sabi ni allen.
“siguro nga.kahit pala sa dyos ay malakas ka rin.hehe”sabi ni zendong.
“maitanong ko lang saan mo ba ko dadalin at kanina pa ko sumusunod sayo eh.”sabi ni allen.
“hehe.pupunta tayo doon sa kakilala kong faithhealer.si mang jose.”sabi ni zendong.
“ano naman ang gagawin natin doon.”sabi ni allen.“edi ipapatawas natin kung sino ang mga salarin sa garden tsaka may ipapagawa tuloy ako.”sabi ni zendong.
Naging payapa ang mga nag daang araw kay allen dahil sa maingat nitong pag iwas sa mga posibleng inggit na mga kaaway.
“buti nalang walang humahunting sayo ngayon idol.”sabi ni zendong.
“kaya nga eh.buti yon at hindi ako nabubugbog.kahit papaano may alam naman na ako sa martial arts at kumpara noon,masmalakas na ang katawan ko.kung alam mo lang kung gaano kaistrikto yung tatlo.”sabi ni allen.
Narating nang dalawa ang fishing port at nagpaiwan na sa labas si allen.
Si manong jose ay mangingisda at ang namamahala sa fishing vessel ng university.
Isa din itong faithhealer o albularyo.“manong jose,buti naman at inabutan ko kayo.”sabi ni zendong.
“o!.zendong.magpapabili ka ba ng weeds.”sabi ni jose.
“nako manong tinigil ko na yan.gusto ko sana magpatulong.tawas lang.”sabi ni zendong.
“ano kamo?!.tawas?.ibig mo bang sabihin ay nag ddrugs ka na ngayon?”sabi ni jose.
“Hindi ho.ibig kong sabihin.magpapatawas lang.tsaka mag papagawa ng anting ating.para sa kaibigan ko.”sabi ni zendong.
“sya ba yung nasa labas.”sabi ni jose.
BINABASA MO ANG
OOTBAW
Adventurekwentong halimaw tayo.basta kwento lang ,not a pro writer.comment for more improvements..^_^