Maagang nagising ang binata upang ipagpatuloy ang kanyang exam pabalik sa gate ng hidden village.
Ngunit sa kanyang pagbalik ay kinakailangan muling dumaan sa madilim at malawak na kagubatang teritoryo ng mga demagon.
Sa pagbungad palang ay nakaabang na ang mga nagkalat na beast bear at beast coyote.
Sa pagpasok ng binata ay isa isang sumasalakay ang mga ito.
Hindi naman nagpapigil ang binata at sinabayan ang mga demagon gamit ang kanyang amake katar at ang 4fs ability.
Nagsilbing morning training ang mga beast demagon para kay allen at madali nyang nagamay ang paraan ng pagsalakay ng mga ito kahit ang karamihan ay pilit na umaabush sa kanya ngunit hindi sapat ang kanilang husay at galing para taluhin ang binata na pinanday ng hirap at 4fs training.
Ngunit sa dami ng napatay ng binata sa mga kalaban ay tila hindi ito nababawasan at sunod sunod ang sumasalakay.
Hanggang sa mapansin ni flynn ang leader ng mga ito na palagi lang sa malayong bahagi ng gubat at ito ang night mare.
“boss tignan mo yung kabayo na may bughaw na apoy sa paa at sa leeg,palagi lang sya doon at ayaw naman lumapit.para bang inuutusan nya lahat ng mga oso at aso.”sabi ni flynn.
“Sya siguro ang leader nila.parang mga kawan sila ng lobo na naguutos lang ang leader hanggat may mga tauhan na lalaban para sa kawan.
Pero ang ipinagtataka ko,bakit nawawala yung mga bangkay ng mga napapatay ko.sigurado akong napuruhan ko sila.”sabi ni allen.Matyagang nakaobserba si flynn sa pakikipaglaban ni allen,sa mga kalaban at sa night mare hanggang sa mapansin muli nito ang kababalaghan.
“Boss palagay ko alam ko na,tuwing makakapatay ka ng oso o ng aso ay nagliliyab ang kanyang apoy pagkatapos ay nabubuhay uli ang mga napatay mo.binantayan ko po ang mga napatay mong bago boss.”sabi ni flynn.
“Kaya naman pala.kung ganon dapat pala ay unahin natin ang leader para maubos natin sila.”sabi ni allen.
Gamit ang shadow state ng light step ay mabilis na tinahak ng binata ang direksyon ng night mare at iniwasan muna ang pakikipaglaban sa mga beast bear at beast coyote.
Agad na napansin iyon ng night mare kayat dali dali din tumakbo palayo at ungol ng ungol ng hudyat para pigilan ng mga beast bear at coyote ang binata.
Ngunit sadyang mabilis ang shadow state ng binata kayat kinailangan din gamitin ng night mare ang kanyang kapangyarihan sa pagtakbo.
Naghabulan ang dalawa at inakala ng night mare na hindi sya masasabayan ng binata ngunit sya ay bigo dahil nag abot parin sila at nagawa pa syang makupot sa bangin na hangganan ng madilim na kagubatan.
Malayo na sila sa lugar ng mga beast bear at beast coyote na naiwan sa kanilang paghahabulan.
Wala nang mahanap na tauhan ang night mare kayat napilitan na itong lumaban gamit ang mabigat na tapak ng kanyang mga paa at kagat ng kanyang ngipin.
Hindi rin sapat ang kanyang lakas at kakayahan para taluhin ang binata kahit tinatagalay nya ang bilis na hindi magpapahuli sa ttinataglay na bilis ng binata.
Bawat salpukan ay nasusugatan ang nightmare at hindi makaganti hanggang sa tamaan ang mga litid nito sa paa na naging dahilan para sya ay madapa at mabalda.
Maraming malalalim na sugat ang kanyang tinamo kayat mabilis din ang kanyang paghina,kayat napilitan na itong magsalita sa tao na kinamumuhian nyang lahi.
“Mahusay ka tao.hindi ko akalain na may taong makapapantay sa aking bilis.
Hinihiling ko sayo na tapusin mo na ang buhay ko dahil ayokong abutan akong inutil ng aking mga tauhan.
Wag mo akong iwan ng kahihiyan,patayin mo ako tao.”sabi ng nanghihina at baldadong nightmare.
BINABASA MO ANG
OOTBAW
Adventurekwentong halimaw tayo.basta kwento lang ,not a pro writer.comment for more improvements..^_^