Panahon ng mid term exams kung saan abala ang mga estudyante sa pag aaral.
Abala din ang evil cult fraternity sa paghahanda ng kanilang aniversaryo.At sinasamantal din ang pagkakataon para magpagawa ng masmarami pang serum sa doktor.
Ngunit buhat ng mabuhay si charlotte at ang malaking perang kinita sa unang 1000 serum na ipinagbili ay nawalan na ng interes pa ang doktor na gumawa ng serum.
Naisip din ng doktor na maari ngang gamitin kung saan ang kanyang serum kayat itinago nya ang formula at nangakong hindi na uulitin ang paggawa noon.Hindi na nya gustong ipaalam sa mga pamilya krigger o ng sino man ang napakalakas na serum na iyon na kung mapupunta sa kamay ng masama ay magdudulot nga naman ng kaguluhan.
Pinili ng doktor na gawin nalang ang karaniwan ng trabaho para sa mga krigger at mamuhay ng payapa kasama ang minamahal na anak.
"Doc tumawag ulit sakin si tito,magpapagawa daw ulit ng 2000 pa."sabi ni amed.
"Pasensya ka na pero,hindi na kasi ako gumagawa ng serum,naisip ko kasi mali na gamitin ang serum na yun.
Sinisira nun ang batas ng kalikasan,hayaan na nating maging patas ang lahat."sabi ng doktor."hindi po pwede doktor,kailangan namin ang serum."napa taas ang boses ni amed.
"Ano kamo?bakit parang sumisigaw ka na yata?"sabi ng doktor.
Biglang huminahon ang binata.
"ahm ang ibig ko pong sabihin.inaasahan po kasi ng tito ko.malaking tulung po yan sa gobyerno ng mga tao.tapos itatago nyo lang po.
Makakatulong po kayo sa ika papanatag ng mga tao laban sa mga halimaw."sabi ni amed."Pasensya na pero hindi na ako gagawa ng serum,hindi ko kasi naisip noon dahil nabulagan ako sa pera,naisip ko lang,walang kinalaman sa tao ang serum dahil halimaw lang ang makakagamit noon.
Kaya pano mong nasabi na makakatulong sa tao ang serum.
Pasensya na talaga at hindi na ako talaga gumagawa.abala ako sa trabaho ko.at maraming ipinapagawa ang boss ko."sabi ng doktor na medyo nainis.Halatang nainis si amed at kabod nalang tumalikod.
"Hindi pa tayo tapos doktor."bulong ni amed habang papalayo at gad na tumawag sa kanyang leader.
"hello sir.hindi ko na po mapilit.bigla nalang huminto sa paggawa."sabi ni amed.
"Hindi pwede yan.kailangan natin ang serum,alam mo na gagawin mo.dalin mo sya sa laboratoryo natin at sapilitan natin syang paggagawin ng serum."sabi ng leader.
"opo sir.ngayon din po.ihahanda ko lang po ang grupo."sabi ni amed.
"sige at susunduin kayo ng submarine sa dock ng university.may malapit na unit tayo doon."sabi ng leader.
Kayat agad na Tinawag ang mga kasamahan at dali daling dinukot ang doktor sa laboratoryo nito.
Nagkataon na wala si charlotte at kasama nila regina sa resthouse.kayat walang tulong na inasahan ang doktor na madaling nakuha ng gurupo at napatulog sa gamot.
Walang kaalam alam ang lahat sa dorm na may nagaganap nang kidnapping sa dorm gayun din sa labas dahil abala ang lahat sa pag aaral.
Malinis at matagumpayan ang ginawang pagdukot sa doktor.
Ngunit may roon parin saksi sa naganap na kidnapping at yoon ay ang mga hidden camera sa laboratory.
Nagdaan ang maghapon at wala parin nakakaalam sa kidnapping.
Hanggang sa pag uwi ni charlotte,hindi nito mahanap ang ama na hindi naman umaalis sa dorm at laboratoryo kayat nangangmaba na ito.
Agad na humingi ng tulong kila regina na ipinagbigay alam naman ni regina sa buong detectives news club pangunahin na si allen.kayat marami ang nagtulong tulong na hanapin ang doktor.
BINABASA MO ANG
OOTBAW
Adventurekwentong halimaw tayo.basta kwento lang ,not a pro writer.comment for more improvements..^_^