cloud island

270 27 0
                                    

Kasagsagan ng preliminary exam,kung saan dala dalawang subject lang ang exam ni allen sa loob ng tatlong araw,1 at kalahating oras kada subjects kayat 10 am palang ay bakante na ang binata sa maghapon.

Kayat sinusulit nya ang pagkakataon ng pagsasanay kasama ng dalawang masters na soul shadow sa mga advance moves at techniques na patuloy nilang inaaral upang makapag review ng mabuti sa gabi.

Huling araw na ng exam kung saan unang nakatapos si ariana kayat nagpaalam ito kay allen na mauunang umuwi at parang napagod ito sa huling exam.

Habang naglalakad pauwi ay bigla nalang may grupong humawak sa kanya at nag spray ng sleeping potion sa kanyang muka.

Agad na nawalan ng malay si ariana at dinukot ng grupong iyon,at upang pigilan ang malakas na vimpiric power ng dalaga ay isinoot nila dito ang lost legendary cross relic na naglalaman ng holy blood of crist,ito ang pinakamalakas na relic na may kakayahang magpahina sa mga vampire kapag malapit ito sa kanila tulad ng kryptonite.

Nang magkamalay ay nasaloob sya ng isang malinis na kwarto ngunit nakatali ang mga kamay at paa sa krus na nakadikit sa dingding.

Hinang hina si ariana dahil sa cross relics.

"sino ba kayo,ano ba ang kailangan nyo sakin?parang awa nyo na.nahihirapan ako."sabi ni ariana habang inaalala ang kanyang baby sa tyan.

Nasaharap ng dalaga ang limang lalakeng nakamaskara.

Si Sherwin,mel,barton,darwin at george ang mga lalakeng ito.

"wala kaming kailangan sayo.pero sa tropa mo meron.malaki ang atraso nya sakin."sabi ni george.

"alam mo miss ariana.type na type ka naming tatlo,ang hindi ko lang maintindihan,bakit masyado kang malapit sa lalaking yon.hamak naman na mas elegante at masgwapo kami doon."sabi ni mel.

"kasi hindi sya katulad nyo.marunong syang makisama at makipagkaibigan,kaya kung sa inyo lang din wag nalang."sabi ni ariana.

"Abay anak ng!.kung hindi lang masama maggahasa pagkakataon na namin ito para pagsawaan ka."sabi ni barton.

"tumigil kayo.wala sa usapan natin na bababuyin natin si ariana.
Si allen lang ang target nating lahat.gusto ko syang makitang gumagapang sa hirap."sabi ni george.

"don't worry pare,sa ngayon ok pa.pag hindi sya pinuntahan ni allen.kami na ang bahala sa kanya.hehe."sabi darwin.

Nagdaan ang mga exam at nagpatuloy lang sa pagttraining si allen at nang magpasyang umuwina sa hapon ay tsaka lang nito nalaman na hindi pa umuuwi sa ariana.

Kayat agad na hinanap kung saan ito nagpunta.

Napagtanungan ang lahat ng kaibigan ngunit walang nakakaalam kung saan ito na punta,kayat dito na nangamba ang binata dahil kadalasang nagsasabi si ariana kung saan ito pupunta.

Kitang kita  ang pag aalala kay allen kayat tumulong na rin sa paghahanap ang mga ito.

Hatinggagbi na ay hidii parin nakikita si ariana.

Hindi mapalagay ang binata at hindi rin nakatulog sa kaiisip kay ariana.

Samantala,ipinarating na ni anne sa admin at sa security committee ang pagkawala ni ariana upang palaganapin ang paghahanap kay ariana.

Kinabukasan,hindi pa man pumuputok ang araw ay naghahanap na si allen,balisa,puyat at wala pang kain.

Nang biglang lapitan ng isang lalakeng estudyante si allen habang naglalakad ito sa paghahanap.

"pare!.may nag papaabot sayo."sabi ng lalake at iniabot ang sulat.

"ah salamat pare,kanino to galing?"sabi ni allen.

OOTBAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon