Chapter 10

2.1K 69 8
                                    

~ Unwell ~


JHOANA


I woke up when I heard the a loud bang downstairs. Umupo ako ng saglit at tinignan ang pinto. Wala na din akong katabi sa kama kaya naisip ko na baka gising na si Jaja. I checked my phone to reply to some messages.

Puro si Nico lang naman ang laman ng messages ko.

Humiga ako ulit at pumikit. I missed being alone so much. The past few days masyado na akong maraming nakaka salamuha na tao. Hindi naman sa ayoko sakanila or hindi ko sila gusto pero hindi ko maiwasang mapagod. Socializing drains me that I need this alone time to recharge.

I put my phone down and didn't reply to Nico yet. I was about to fix my materials and start doing my requirements when I suddenly heard muffled screams.

I quickly out of bed and opened my door. I recognized the voice and realized that it was Jaja and my mom screaming. I rushed my way down the stairs at mas lalong lumakas ang mga boses nila.

"I can't believe you're doing this to me, Ma." Jaja cried. She was standing in front of my mom who was just looking down while helplessly sitting in front of the dining table.

"Bakit ganito? Akala ko ba kaya naman natin?"

"Anak, please understand. It's either this or titigil ka sa pag aaral." Mahinahong sabi ni mama kay Jaja pero hindi parin siya tumitigil sa kakaiyak at sigaw na rin siya ng sigaw.

"Eh di dapat pala nung umalis pa lang si papa lumipat na ako para hindi na ako mas tumagal pa doon!" Mas lumakas na boses ni Jaja.

"Hindi yung you made me believe na kaya niyo pa ako pag aralin doon pero hindi naman pala. Pinaasa niyo lang ako!"

Lumapit na ako sakanila at nagulat naman si mama.

"Anong nangyayari?" I looked at Jaja and she was now bawling her eyes out. "Bakit ka umiiyak, Ja?"

Jaja looked up and pointed at my mom.

"Si mama kasi ate eh, sabi niya hindi na daw ako mag aaral dito sa Manila." Tumingin agad ako kay mama at nakatayo na ito. "Ate, ayoko please dito lang ako ayoko sa Batangas ate."

Mabilis na tumakbo si Jaja sakin at yumakap.

"Ma, bakit umabot sa ganito? Sa Batangas?" I asked mama again.

"Sorry mga anak, I did my best pero sobrang tumaas na ang tuition ni Jaja, mas malulubog pa tayo sa utang kung hindi siya lilipat ng school, Jho. I did everything." Umiiyak na rin si mama pero pinipigilan ko paring umiyak.

"Bakit sa Batangas pa? Why can't she just study here sa Manila marami namang public schools dito." I told my mom then faced Jaja. "Ja, wala namang masama if mag aaral ka sa public school."

Jaja looked up and shook her head. Mama looked in my direction

"Yun nga, anak eh. Ayaw naman ni Jaja dito."

Kumawala si Jaja sakin at mukhang galit na galit.

"Hindi mo ba naiisip kung anong sasabihin ng friends ko? Do you not even realize how embarrassing that would be? All my life dun na ako nag aaral since I was kinder tapos biglang out of nowhere lilipat ako?" Nagulat naman ako sa pananalita ni Jaja. "Nakakahiya, Ma!"

Hinila ko kaagad si Jaja at pinaharap sakin.

"Ja, sumosobra ka na. Kanina ka pa sigaw ng sigaw. May I remind you that you are talking to our mother." Natigil naman si Jaja at umatras ng onti. "At bakit? Ano bang alam niyang mga kaibigan mo tungkol sa sitwasyon natin ngayon?"

CarpoolWhere stories live. Discover now