Dahil pasado alas otso na ng gabi ay wala nang tricycle sa labas ng university namin. Kaya naman mapipilitan ako netong maglakad papuntang sakayan ng jeep. Malayo layo pa naman iyon.
Kinuha ko ang earphone ko at nagpatugtog para kahit papaano ay maaliw ako habang naglalakad. Nang makarating ako sa sakayan punuan naman ang jeep kaya nahirapan akong sumakay. Tumawag na sa akin si Majho at tinanong ako kung nasaan na ako, ang sabi ko na lang ay nakauwi na ako. Magagalit kasi ito sa akin kapag nalaman nitong ginabi na ako. Kaya pala hindi sya nakapunta sa clinic noong nandoon ako kanina ay dahil tinawagan sya ng papa nya. May family dinner kasi sila ngayon dahil anniversary ng magulang nya.
Habang nakikipagbuno ako makasakay lang ng jeep ay may humintong mamahaling sasakyan sa harap ko. Nang bumukas ang bintana niyon ay nagulat ako nang makita ko si Sir Apollo.
"Nazli what are you doing here?"
Tanong nya sa akin. Nakiusisa naman ang mga katabi kong babae sa pila."Sir Apollo? Bakit po kayo huminto?"
Tanong ko naman. Bakit nga ba iyon ang natanong ko?"Get in."
"Po?"
"I said get in, before I get you myself."
Nahiya ako sa sinabi nya kaya naman napilitan akong sumakay sa sasakyan nya.
"Wear your seatbelt."
"Po?"
Laking gulat ko nang kunin nito ang seatbelt sa gilid ko at isinuot sa akin. Amoy na amoy ko naman ang pabangong gamit nya. Pakiramdam ko ay magkakasala ako kapag sininghot ang amoy nya. Napakalapit kasi ng mukha nya sa mukha ko. Isang maling galaw ko lang ay mahahalikan ko na sya.
Muling sumibol ang kaba sa dibdib ko. Bakit ba ako kinakabahan ng ganito? Parang bumabalik ang kabang nararamdaman ko dati para sa kanya. Tama si Majho, noon kasi ay may pagtingin ako kay Sir Apollo, naputol lang iyon simula noong ipahiya nya ako sa buong klase. Ang pagtinging iyon ay napalitan ng galit.
"Saan ka nakatira?"
Punit nya sa katahimikang namamayani sa loob ng sasakyan." Sa may Espana lang po."
"Okay."
Iyon lang at hindi na syan muling nagsalita. May mumunting tinig na bumubulong sa akin na tingnan sya pero pinipigilan ko iyon. Kaya naman inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa labas ng bintana.
Dahil malapit lang ang university namin sa bahay namin ay nakarating kami agad. Nagtaka ako dahil hindi hininto ni Sir Apollo ang sasakyan sa dapat kong pagbabaan. Nagpatuloy ito sa pagdadrive.
"Sir Apollo, baba na po ako."
"I'm starving. We need to eat."
Teka? Kakain? Kaming dalawa? Date ba itu?
"Hindi na po. Busog pa naman po ako."
Bigla namang kumulo ang tyan ko at malakas iyon kaya naman rinig na rinig nya ang pagkalam ng sikmura ko."Well your stomach disagrees."
Wala naman akong magawa kundi sumunod na lang. Huminto kami sa tapat ng isang mamahaling restaurant. Bumaba na kami. Laking gulat ko pa nang pagbuksan nya ako ng pintuan.
Teka ano bang meron? Bakit ang bait nya ata ngayon?
Pagpasok namin sa loob ay sinalubong kami ng waiter.
"Table for how many sir?"
Tanong waiter."Two please."
"This way sir."
Giniya kami ng waiter patungo sa table na uupuan namin.
BINABASA MO ANG
Marrying My Professor
RomanceMarahil nang magsabog ng kabobohan sa math ay nasalo lahat ni Nazli. Paano ba naman kasi, napakaterror ng professor nya sa subject na iyon, gwapo nga, antipatiko at masungit naman. Kaya naman nang malaman nyang hindi sya gagraduate ay sinugod nya it...