Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may pares ng mata na naka titig sa akin. Pagmulat ko ay nakadukwang sa harapan ko si Red. Nakatitig ang nga inosente nitong mata sa akin. Tinakpan ko ang bibig ko upang maghikab.
"Hi Red. Pasensya na nakatulog ako. May gusto ka ba?"
Sinuklay ko gamit ang daliri ang buhok nito. Umiling lang ito at bumalik sa paglalaro sa ipad.Bumaling ang tingin ko sa upuan ni Apollo. Tulog na din ito. Napansin ko namang may naka balot sa aking kumot. Impossible namang si Red ang naglagay niyon. Pasimple akong napangiti at inamoy ang kumot. Shet! Kinikilig ba ako?
Bakit ka nga ba kinikilig bruha to?!
Tumayo ako at lumapit kay Apollo. Binalot ko sa katawan nya ang kumot na kanina ay nakabalot sa akin. Bahagya akong tumigil nang gumalaw ito.
"You know, ngayon ko lang syang natulog sa flight. Karaniwan kasi ay gising sya at nakaharap sa laptop nya."
Halos lumubog ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ng isang lalaki. It was Thorn, Apollo's friend.
"Teka. Diba ikaw ang piloto? Pwede ka ba lumabas ng cockpit?"
Tanong ko sa kanya. Bahagya naman syang natawa."I have a co-pilot, don't worry."
"Ahh."
"So you're Apollo's girlfriend."
"Ah, ano kasi. Mahabang kwento."
Nagkakamot ulo kong sabi sa kanya. Hindi ko alam kung pwede ko ba sabihin sa kanya ang set-up namin ni Apollo."Hey chill, I know what's going on between the two of you."
"Alam mo?"
Di ko makapaniwalang sabi."Yes."
"Oh okay. Pero teka? Paano mo nalaman?"
"Sikretong malupit."
"Hala sya."
Iyon lang maging reaksyon ko. Nagulat kaming parehas nang magsalita si Apollo."Thorn, stop messing with Nazli."
Teka? Kanina pa ba ito gising?
"Opps. Gotta go kids."
Natatawang wika ni Thorn at bumalik na sa cockpit. Naiwan naman akong nakatayo sa tabi ng upuan ni Apollo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Babalik na sana ako sa pagkakaupo nang hawakan ni Apollo ang kamay ko."Did you slept well?"
"Ah ano. O-oo. Okay naman."
Nauutal kong sabi sa kanya."Babalik na ako sa upuan ko."
Wika ko. Binitawan naman nya ako. Pinilipit kong itago ang kabang nararamdaman ko. Pasimple akong tumingin sa kanya at laking gulat ko nang makita kong nakatitig sya sa akin. Inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagkikipag laro sa ipad ni Red.Halos disisyete oras ang flight namin papuntang Los Angeles. Nang makalapag ang learjet ni Apollo ay sya naman katutulog lang ni Red kaya karga karga ko sya. Gusto sana syang kunin ni Apollo ngunit ayaw kumawala sa akin ng bata.
Nang lumabas kami ng eroplano ay malamig na simoy ng hangin ang dumampi sa balat ko. Tinanggal ni Apollo ang suot nyang coat at ibinalot sa akin.
"You might catch colds. Hindi ka pa sanay sa klima dito sa Amerika."
"Salamat."
Pagkababa namin ay may nakastand by na na private car. Sumakay kami doon. Isusunod na lang daw ang gamit namin sa suite kung saan kami mamalagi ng dalawang araw.
Nang makarating kami sa hotel ay kaagad kaming nagcheck in. May reservation na si Apollo doon kaya dumiretso na kami sa suite. Halos malaglag ang panga ko sa pagkamangha sa sobrang engrande ng hotel suite na pinili nya.
BINABASA MO ANG
Marrying My Professor
RomanceMarahil nang magsabog ng kabobohan sa math ay nasalo lahat ni Nazli. Paano ba naman kasi, napakaterror ng professor nya sa subject na iyon, gwapo nga, antipatiko at masungit naman. Kaya naman nang malaman nyang hindi sya gagraduate ay sinugod nya it...