•MMP 6•

15.2K 387 14
                                    

  "Po?"
Gulat na gulat kong sabi kay Sir Apollo. Sumandal ito sa swivel chair nya na para bang kampante pa sya sa sinabi nya.

  "Marry me."

  "Teka ho, joke time ho ba ito? Baka may mga hidden camera dito."
Luminga linga ako sa paligid dahil baka jinojoke time lang ako ni Sir Apollo. Nang muli akong tumingin sa kanya ay nakakunot ang noo nito.

  "Do I look like I'm joking?"

  "Teka lang sir ah, iaabsorp ko lang muna ang sinabi nyo. Ako? Magpapakasal sa inyo para lang makapasa? Ganoon na ba kababa ang tingin mo sa akin?"
Natatawa kong sabi sa kanya. Lalong kumunot ang noo ni Sir Apollo. Para bang nainsulto ito sa sinabi ko.

  "Once you walk out of this room Ms. Torres the offer is already out."

  "Fine! Ako pa tinatakot mo ah. Mas okay pang bumagsak ako kesa magpakasal sayo."
Taas noong sabi ko sa kanya at lumabas na ng opisina nito. Nagsisintir ang loob ko nang makalabas sa opisina nito. Doon tumulo nang tuluyan ang mga luha ko. Paano ko sasabihin sa mama ko na hindi ako makakagraduate? Alam kong pangarap nyang makatapos ako dahil ako lang ang nag-iisa nyang anak. Pero paano ko iyon matutupad kung may isang bwisit na taong nagbagsak sa akin.

Pinunasan ko ang luha ko at pumunta ng admin office. Baka may iba pang paraan para lang makagraduate ako.

  "Pasensya na talaga iha, major subject mo ang ibinagsak at hindi lang isa dahil may mga pending subjects ka pa na hindi naipapasa. Professor mo na ang kausapin mo tungkol dyan."
Iyon ang sabi sa akin ng admin officer na nakausap ko. Lalo akong nanlumo sa narinig ko. Tumunog ang cellphone ko, tumatawag na pala sa akin si Majho. Sinagot ko iyon. Bago pa ako makapaghello ay sunod sunod ang tanong nito sa akin.

  "Bes san ka na ba? Kanina pa kita hinahanap? Okay ka lang ba? Saan ka ba nagpunta?"
Nag-aalalang tanong nito sa akin. Pinigilan kong maiyak dahil ayokong mas lalo syang mag-alala sa akin.

  "Okay lang ako. Medyo sumama pakiramdam ko eh. Hindi muna ako papasok. Uuwi muna ako. Sabihin mo na lang sa ibang prof natin na masama pakiramdam ko."

  "Ha? Sigurado ka ba? Asan ba ngayon? Pupuntahan kita."

  "Huwag na. Okay lang talaga ako. Sige na. Bye."
Bago pa sya makapagsalita pa ay pinutol ko na ang linya. Iooff ko na sana ang cellphone ko nang makita kong maraming message ang nakanotif sa itaas ng phone ko. Binasa ko iyon. Halos mabuwal ako sa pagkakatayo dahil sa nabasa ko.

Nasa ospital ang nanay ko. Nakailang text sa akin ang kapitbahay namin na si Grace. Nagmamadali akong pumunta sa ospital. At sa kasamaang palad ay traffic at marami ang nakapilang tao sa terminal ng jeep. Walang choice kundi ang mag taxi na lang. Habang nag aabang ako ng taxi ay may sasakyang huminto sa harap ko. Bumaba ang salamin nito at dumungaw ang nakangiting mukha ni Sir Albert.

  "Nazli. Saan ka pupunta? Akala ko may sakit ka?"

  "Pasensya na Sir Albert. Nagmamadali po ako ngayon."
Sabi ko.

  "Saan ka ba pupunta? Are you okay?"

  "Yung nanay ko po kasi nasa ospital. Kailangan ko hong makapunta doon agad."

  "What?! Bakit hindi mo sinabi agad. Sumakay ka na. Ihahatid kita."

Nag aalanga pa ako kung sasakay sa sasakyan ni Sir Albert o hindi. Pero dahil nasa ospital si nanay, sumakay na ako. Wala nang hiya hiya.

  "Saang ospital ba?"

  "PGH ho."

  "Okay. Just wear your seatbelt please."
Utos nya sa akin. Kaagad ko iyong ginawa. Mabilis na nagpatakbo si Sir Albert. Habang ako naman ay nanginginig na sa takot at kaba kung anong nangyari kay nanay. Gusto ko sanang tumawag kay Grace pero wala naman akong load. Kaya naman lakas loob akong nanghiram ng cellphone kay Sir Albert.

  "Sir pwede ho bang mahiram ang cellphone nyo? Makikitawag lang po ako."

  "Sure. Here."
Kinuha nya sa bulsa nya ang cellphone at inabot sa akin. Kaagad kong dinial ang cellphone number ni Grace sa cellphone ni Sir Albert.

  "Hello Grace. Si Nazli ito, anong nangyari kay nanay?"

  "Nasa ICU sya ngayon, inatake kasi sya sa puso."

  "Bakit naman sya inatake sa puso? Ano bang nangyari Grace?"

  "Hindi ko din alam Nazli eh, basta sinugod na lang sya ng mga tindera sa palengke, nandito din ang nanay kasi isa sya sumugod sa ospital sa nanay mo."
Sabi sa akin ni Grace.

  "Okay sige, papunta na ako dyan."

  "Is your mom okay?"
Tanong sa akin ni Sir Albert.

  "Nasa ICU daw po."
Naiiyak kong sabi.

  "It's okay Nazli. She's gonna be fine. Tibayan mo ang loob mo."

  "Salamat po Sir Albert."
Sa araw na iyon ay si Sir Albert ang nagpalakas ng loob ko.

Nang makarating kami ng PGH ay tumatakbo akong pumasok sa loob ng ospital. Hindi ko na nahintay si Sir Albert. Dumiretso agad ako ng reception.

  "Ano pong pangalan ng pasyente ma'am?"
Tanong ng receptionist.

  "Laudencia Torres po."

  "Sandali lang ma'am."
Saglit na tiningnan ng receptionist ang pangalan ng nanay ko sa computer.

  "Sa 4th floor po, ICU floor, room 405."

  "Maraming salamat."

Hindi na ako nag-elevator at naghagdan na ako. Gusto ko nang makita si nanay. Narinig ko naman ang boses ni Sir Albert.

  "Nazli hintayin mo ako."
Nagulat ako dahil nakasunod pa pala ito sa akin. Akala ko umalis na ito.

  "Teka sir, bakit po kayo sumama sa akin?"

  "I want to. Mamaya na ang tanong. Just go."

Tumango ako at tumatakbong umakyat. Wala akong maramdamang pagod o hingal man lang nang marating namin ang 4th floor. Hinanap ko ang room 405 at kaagad ko iyong nakita. Nasa bungad lang kasi ito. Nasa labas ang mga kaibigan ni nanay sa palengke at mukhanh hinihintay ako.

  "Aling Tasing!"
Tawag ko sa kaibigan ni nanay. Nagulat ito nang makita ako, tumayo ito.

  "Nazli iha."

  "Asan po si nanay? Ano po bang nangyari?"
Umiiyak na tanong ko sa kanila.

  "Nasa loob sya iha. Pumasok ka na."
Sabi ni Aling Tasing akin. Nanginginig ang kamay ko nang hawak ang doorknob ng pintuan kaya naman inalalayan ako ni Sir Albert pagpasok. Pakiramdam ko ako naman ang mawawalan ng ulirat sa sobrang kaba. Ayoko sa lahat ay makikitang may sakit si nanay. Sya na lang ang mayroon ako. Ayokong mawala sya sakin.

Marrying My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon