•MMP 23•

13.3K 423 20
                                    

Napansin kong gabi gabing tumatawag kay Apollo ang numerong hindi nakarehistro sa cellphone nya. Ayoko namang mag-isip ng hindi maganda. Pero hindi ko pa din mapigilan ang sarili ko. Kaya naman naisipan kong kausapin na sya tungkol doon para matapos na.

  "Love."

  "Yes love?"
Wika nya habang abala sya sa laptop nya.

  "Pwede bang magtanong?"

  "Yeah sure. What is it?"
Tinuklop nya ang laptop nya at nilagay iyon sa bedside table.

  "Wag ka sanang magagalit."

  "What is it my love? Is there something bothering you?"

  "May napapansin lang ako?"

  "Ano iyon?"

Huminga ako ng malalim bago magsalita. Go Nazli! Kaya mo yan!

  "Sino iyong tumatawag sayo na unregistered number?"

  "How did you know about that?"

  "Ah ano kasi. Noong nakaraang gabi. Nakita kong tumatawag. Sasagutin ko sana kaso baka magalit ka kapag sinagot ko kaya hindi ko na lang sinagot."

Apollo smiled and pulled me closer to him.

  "Nazli. Can I make a favor?"

  "Favor? Ano naman iyon?"

  "Huwag mo akong ipapamigay kahit kanino."

  "Ha? Bakit naman kita ipapamigay?"

  "Basta. Promise me my love."

  "Promise. I won't."

Kahit naguguluhan ako sa pinagsasabi ni Apollo nang gabing iyon, nangako ako na mamahalin ko sya at poprotektahan ang pamilya namin. Sila na lang ni Red ang mayroon ako. At hindi ko iyon ipamimigay kung kanino man.

***

  "Girl bakit parang namumutla ka ata?"
Puna sa akin ni Majho nang sabay kaming pumasok.

  "Namumutla?"

  "Oo. Nagmake-up ka ba?"

  "Hindi na nga eh. Nagmamadali kasi ako dahil naghanda ako ng breakfast nila Red at Apollo. Naghohomeschool na kasi si Red."

  "Magretouch ka nga muna."

  "Sige. Pupunta lang ako ng banyo. Susunod na lang ako sa office."
Wika ko kay Majho. Sinunod ko naman ito. Nagpunta nga ako ng banyo upang magretouch.

  "Nazli. Ang haggard mo girl! Ano ba yan."
Sinuklay ko ang buhok ko. Naglagay na din ako ng lipstick at konting blush on. Ayan mukha na ulit akong tao.

Dumiretso na ako ng opisina upang magtrabaho. Habang nagtatrabaho ay pakiramdam ko ay umiikot ang paligid ko. Kaya naman nagpaalam ako sa supervisor namin na pupunta muna ako ng clinic. Gusto pa sana akong samahan ni Majho pero tumanggi na ako. Alam kong marami pa syang trabaho.

Pinatulog naman ako ng nurse na nandoon. Sa sarap ng tulog ko ay hindi ko namalayang uwian na pala. Kahit papaano ay nawala ang hilo ko. Nakalimutang kong nasa opisina pa pala ang mga gamit ko. Naghihintay akong bumukas ang elevator nang may tumawag sa akin. Si Sir Richard iyon.

  "Sir Richard kayo po pala."
Dumako ang tingin ko sa hawak nya. Bag ko ang hawak hawak nya.

  "Sabi kasi ni Majho nandito ka sa clinic. Kaya heto. Dinala ko na ang mga gamit mo. Are you okay? I heard you felt dizzy earlier? Sana sinabi mo sa akin para mapadala kita sa ospital."
Nag-aalalang wika ni Sir Richard. Umiling naman ako.

  "Nako sir. Hindi na po. Okay na po ako. Kulang lang ata ako sa tulog. Pero salamat po sa pagdadala ng gamit ko."
Kinuha ko ang bag ko mula dito.

  "Hatid na kita pababa. Tutal pauwi na din ako. Sumabay ka na sa akin."

  "Hindi na po. May--"
May kung anong pumitik sa ulo ko at masakit iyon. Nandilim na lang ang paningin ko at ang huli kong matandaan ay nawalan ako ng balanse at malay.

Nang magising ako ay nasa puting kwarto na ako. I winced in pain when I move. Ulo ko ang masakit.

  "Nazli. You're awake."
Napatingin ako sa gilid ko nang makita ko si Sir Richard na nandoon. Bumangon ako at inalalayan nya ako.

  "Ano pong nangyari?"

  "You fainted. So I rushed you here in the hospital. Don't worry, I called Apollo. He will be here in a minute."

Nagulat kaming pareho ni Richard nang bumukas ng pinto. It was Apollo. He look so worried.

  "Nazli."

  "Love."
Niyakap ako agad ni Apollo.

  "I was worried about you. What happened to you?"

  "Nawalan lang ako ng malay. But I'm okay now."

Dumako ang tingin ni Apollo kay Richard.

  "Thank you pare."

  "Anytime Apollo. I should go. Maiwan ko na kayo ng asawa mo. And Nazli, magfile ka muna ng sick leave para makapag pahinga ka."

  "Sige po Sir Richard. Maraming salamat po."
Lumabas na si Sir Richard at naiwan kami ni Apollo.

  "I scared to death nang tumawag sa akin si Richard. Hindi ko kakayaning mawala ka Nazli."

  "I'm okay now Apollo. Huwag ka nang mag-alala."

Nang gabi ding iyon ay dinischarge na ako ng doctor dahil okay naman na daw ako. Over fatigue lang daw ang nangyari sa akin. Niresetahan lang ako ng mga multivitamins para lumakas ang resistensya ko.

Nang makauwi kami ay sinalubong ako ni Red na alalang alala din sa akin. Dahil sa pangungulit ng bata na matulog sa kwarto namin ay pumayag si Apollo. Habang nagtutulog ang mag-ama ko ay pinagmamasdan ko ang mga ito. Hindi ko mapigilang ngumiti. I'm so happy that I was able to love this man and this kid.

Nagring naman ang cellphone ni Apollo. Kinuha ko iyon at tiningnan. Yung unregistered number na naman ang tumatawag. Huminga ako ng malalim at sinagot iyon.

  "Thank God Apollo you answered the phone. I miss you so much. I want to see you na, and I'm here in Manila. We can be together again."

  "Hello. Hindi ito si Apollo."
Sagot ko sa babaeng nasa kabilang linya.

  "Who are you? Are you his maid?"

  "I'm his WIFE."
Matigas na wika ko dito. Narinig kong tumawa ito ng pagak.

  "Wife? Are you delusional miss? Kailan pa nagkaasawa si Apollo?"

  "Matagal na."

  "Look, kung sino ka man. Give to Apollo his phone. I want to talk to him."

  "I'm sorry miss, but I can't do that. He's already sleeping with our son."
Pang-aasar ko sa babae. Sino ba kasi ito? Isa ba ito sa mga ex ni Apollo? Wala naman kasi syang nasasabi sa akin. At ayoko naman syang tanungin tungkol doon. Mukhang naasar ata ang babae at pinatayan ako ng linya.

  "Nazli?"
Narinig kong boses ni Apollo na tinawag ako. Nilingon ko ito.

  "Are you talking to someone?"

  "Sorry, napakealaman ko ang cellphone mo. I answered it."
Binigay ko sa kanya ang phone. Akala ko magagalit sya. He held my hand.

  "It was Stephanie. My ex. Kaya nga hindi ko iyon sinasagot."
Malumay na wika nya sa akin. Umupo ako sa harap nya.

  "I'm sorry kung nasagot ko. Wala naman akong intensyong masama."

  "Remember what I told you last night?"

  "Na huwag kitang ibigay sa iba?"

  "Yes. That one. Kung dumating man ang oras na magkita kayo ni Steph. Don't you ever leave me Nazli."

  "I won't Apollo. I will not leave you."

Marrying My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon