Simula nang malaman namin ni Apollo na buntis ako ay mas naging protective sa akin si Apollo. Palagi akong hatid sundo nito sa trabaho. Sinabi ko na din kay Majho ang kalagayan ko kesa naman sa ibang tao pa nya malaman. Ayoko nang magtago sa kaibigan ko, tama na iyong nagawa ko sa kanya noon.
Isang pang magandang balita ang natanggap namin. Hindi na kukunin ng in laws ni Apollo si Red. Inurong na din nila ang kaso sa korte kaya mas lalo kaming naging masaya. Dadalaw dalawin na lang daw nila si Red, na syang namang pinayagan ni Apollo.
Halos okay na ang lahat. Everything is perfect ika nila. Hindi na din nagpaparamdam ang ex ni Apollo na si Stephanie. Pero ayoko pa ding makampante dahil baka may kapalit lahat ng sayang tinatamasa namin ngayon.
Pinaplano na din namin ni Apollo ang kasal namin. Gusto kasi nyang ikasal kami ulit pero sa simbahan na. Iyon daw kasi ang ipinangako nya kay nanay noong inilibing ito. Na hindi lang nya ako mamahalin at poprotektahan, ihaharap nya daw ako sa altar.
"Love totoo ba lahat ng ito?"
Wika ko sa kanya isang gabi habang nasa kama kami at papatulog na."Why?"
"Parang lahat kasi naaayon sa plano natin. Okay na kayo ng in laws mo. Tapos ikakasal ulit tayo."
"Ayaw mo ba?"
"Syempre gusto. Natatakot lang ako na baka may kapalit lahat ng ito."
Yumakap sa ako sa kanya ng mahigpit.
He wrapped his hands on my waist while touching my belly."Don't stress yourself too much love. Masama iyon kay baby."
"Alam ko. Ganito lang siguro ang buntis. Laging paranoid."
"I love you Nazli. Always remember that."
"Mahal na mahal din kita Mister Phoebus Apollo Diaz. Mamahalin kita ng buong buhay ko at buong buhay mo."
Nang gabing iyon may ngiti sa labi namin nang matulog kami. Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil may therapy si Red. Kahit kasi nakakapag salita na ito at okay na ang kalagayan ay nag-uundergo pa din ito ng therapy. Mabuti na lang at natapat iyon na day off ko.
"Love okay lang ba na hindi nyo ako kasama? May problema kasi sa site."
Nagmamadaling wika ni Apollo habang umiinom ng kape. Inayos ko naman ang necktie nya."Oo naman. Okay kami ni Red. Hindi ba baby?"
"Oo naman Daddy!"
"Sige. Basta tawagan nyo ako kapag may problema."
"Yes love."
"I gotta go. I love you."
"I love you too."
Hinagkan ako ni Apollo at maging si Red at umalis na.Tinulungan kong kumain si Red. Habang sinusubuan ko ito ay hindi ko sinasadyang natabig ko ang baso nahulog iyon at nabasag.
"Ay jusko po."
"Miss are you alright?"
Tanong sa akin ni Alfred na humahangos palapit sa amin."Okay lang kami Alfred. Salamat. Ako na ang lilinis."
Ani ko."Huwag na po. Ako na po ang maglilinis."
"It's okay. Ako na."
Pinulot ko ang mga basag na bahagi ng bago. Napaigik ako sa sakit nang masugat ako. Hindi ko na lang iyon pinahalata kay Red dahil baka umiyak ito. Sinipsip ko ang dugo at pumunta ako ng lababo para hugasan ang kamay ko. Bigla akong kinabahan at naisip si Apollo na kaaalis lang."Alfred."
"Yes Miss?"
"Pwede paki tawagan ngayon si Apollo. Gusto ko syang makausap."
"Right away Miss."
Kinuha ni Alfred ang wireless at tinawagan si Apollo. Binigaya agad sa akin ni Alfred ang telepono.
"Hello love? Napatawag ka?"
Bungad ni Apollo. Nakahinga ako ng maluwag."Hi love. Uhm, wala naman. Namiss lang kita."
"Kaaalis ko lang ah, namiss mo ako agad?"
"Bakit? Bawal ba?"
Nangumuso sya ss sinabi nito. Pero ang totoo ay kinakabahan sya."Hindi naman. I miss you too love. Don't worry, uuwi ako agad mamaya, okay?"
"Okay, mag-iingat ka."
"Kayo din ni Red. Mag-ingat kayo."
"I love you Nazli."
"Mahal na mahal din kita Apollo."
***
"Ma'am Nazlu,dito ko na lang po kayo hintayin, mukhang mahihirapan po tayong magpark sa harap ng clinic eh."
Wika ni Mang Bert nang makarating kami sa clinic ni Doctora Guico."Sige po manong, tatawagan ko na lang po kayo kapag tapos na kami."
Bumaba na kami ni Red ng sasakyan. Hindi pa din nawawala ang kaba sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay may masamang mangyayari ngayong araw.Luminga ako sa paligid. Napaparanoid lang siguro talaga ako dahil buntis ako. Dinala ko na si Red sa clinic ni Doktora. At katulad ng nakasanayan ay sa lobby lang ako naghintay. Nagbabasa ako ng maternity magazine na nandoon. Matapos ang therapy ni Red ay tinawag na ako ni Doktora upang kausapin sa progress ni Red. Ayon dito ay magaling na si Red. And he doesn't need therapy anymore. Natuwa naman ako sa balita ni Doktora. Kaagad kong tinawagan si Apollo tungkol doon. Pero ang sekretarya nya ang nakasagot dahil nasa meeting daw si Apollo at naiwan ang cellphone.
"Let's go Red. Punta tayo sa office ni daddy."
"Yehey!"
Tuwang tuwang sabi ni Red habang tumatalon. Tinawagan ko na si Manong Bert. Paglabas namin ng clinic ay nasa tapat na ang sasakyan.Habang binabagtas namin ang kalsada ay isang text ang natanggap ko. Binasa ko iyon at nahindik ako sa nabasa ko.
Matatapos na ang maliligayang araw mo.
Takot at kaba ang bumalot sa akin. Hindi ko iyon pinahalata kay Red dahil baka matakot ang bata. Muli kong kinontak si Apollo.
"Hello love?"
"Love. May--"
Hindi ko natapos ang pagsasalita ko dahil isang putok ang narinig ko at napasigaw ako dahil wala nang malay si Mang Bert.
"Apollo!"
"Nazli?! What the hell was that?!"
Nabitawan ko ang cellphone sa sobrang takot. Umiiyak na si Red. Niyakap ko ito. Muli, isang putok ang umalingawngaw.
"Red! Jusko!"
Nakitan kong dumudugo ang sentido ni Red. Umiiyak na ako at nagdadasal. Wala nang kontrol ang sasakyan namin. Yakap yakap ko pa din si Red, wala na itong malay. Dalawa pang putok ang narinig ko. Nanlalabo na ang mga mata ko. Umaagos ang dugo sa balikat ko. Hanggang sa huling narinig ko na lang ay ang boses ni Apollo.
"Nazli!"
BINABASA MO ANG
Marrying My Professor
RomanceMarahil nang magsabog ng kabobohan sa math ay nasalo lahat ni Nazli. Paano ba naman kasi, napakaterror ng professor nya sa subject na iyon, gwapo nga, antipatiko at masungit naman. Kaya naman nang malaman nyang hindi sya gagraduate ay sinugod nya it...