"Uy bakla. Lunch time na, di ka pa ba kakain?"
Untag sa akin ni Majho habang abala ako sa pag-eencode. Sinulyapan ko ang wrist watch ko. It's already 12 pm. Lunch time na nga. Halos isang buwan na nang mahire kami ni Majho sa kompanyang ito. So far maayos naman ang pagtatrabaho namin. Hindi ko aakalaing magiging accounting assistant ako sa malaking kompanyang ito. Si Sir Richard ang Manager namin at under nya kami ni Majho."Eto na. Tinatapos ko lang ito."
"Sumunod ka na lang sa cafeteria okay?"
"Sige sige. Susunod ako."
Wika ko sa kanya. Nauna na si Majho sa cafeteria kasama ng mga katrabaho namin. Naiwan naman ako doon. Ako kasi ang nakatoka sa mga payables kaya medyo mahirap magbalanse ng pera."Nazli."
"Ay kabayo!"
Nagulat naman ako nang may humawak sa balikat ko. It was Sir Richard."Hindi ka pa maglalunch?"
Tanong nya sa akin. Tiningnan nito ang computer ko."Mag-lalunch na Sir. Tinatapos ko lang po ito."
"Let's go."
"Po?"
"I said let's go to the cafeteria."
Hinawakan nya ang kamay ko. Nagitla naman ako sa ginawa nya. Tumayo naman ako at kinuha ang wallet ko.Sumakay kami ng elevator at nakahawak pa din sya sa kamay ko.
"Sir."
"Yes?"
"Iyong kamay ko po."
"Oh. I'm sorry."
Binitawan nya iyon. Walang namang umiimik sa aming dalawa. Sa isang buwan kong pagtatrabaho ko doon ay paminsan minsan ay pumunpunta si Sir Richard sa floor namin upang icheck kami. Well responsibilidad naman nya iyon bilang manager ng accounting department. At kapag nagpupunta iyon sa amin ay dumadaan ito palagi sa cubicle ko. Ayoko namang bigyan ng malisya iyon. Isa pa alam naman nyang may asawa na ako. Pero minsan ay inaasar ako nila Majho kay Sir Richard. Iba daw kasi ang tingin nito sa akin. Winawaksi ko na lang iyon.Tumunog na ang elevator at bumukas iyon. Pagkabukas ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
"Apollo."
Anas ko. Madilim ang mukha ni Apollo. Para itong galit."Apollo. You're here."
Wika ni Sir Richard sa kanya. Hinawakan ni Apollo ang kamay ko."I'm here for my WIFE."
Apollo emphasize the word wife. Shit. Hindi ito maganda."Oh, I see. See you around Mrs. Diaz."
Ani ni Sir Richard at naglakad patungong cafeteria."Let's go."
"Teka saan tayo pupunta?"
Tanong ko kay Apollo habang hawak-hawak nya pa din ang kamay ko."It's your lunchbreak right?"
"Oo."
"Then we will eat."
Hindi pa din maipinta ang mukha ni Apollo hanggang makasakay kami ng sasakyan."Apollo."
Hindi ito kumikibo. Tinusok ko ang mukha nito.
"I'm driving Nazli."
"Galit ka ba?"
"No."
May pagkadefensive ang tono ng pananalita nito. Napangiti ako. Muli kong tinusok ang pisngi nya."Ang cute naman magselos ng asawa ko."
"So says I'm jealous?"
"Kitang kita sa mukha mo oh. Ayan oh."
Sa tagiliran ko naman sya kiniliti. Napaigtad ito.
BINABASA MO ANG
Marrying My Professor
RomanceMarahil nang magsabog ng kabobohan sa math ay nasalo lahat ni Nazli. Paano ba naman kasi, napakaterror ng professor nya sa subject na iyon, gwapo nga, antipatiko at masungit naman. Kaya naman nang malaman nyang hindi sya gagraduate ay sinugod nya it...