•MMP 18•

14.7K 488 57
                                    

After my graduation ceremony, we went to a fancy restaurant with Red. Dapat kasama namin si Thorn pero nagpaalam na ito dahil may tawag ito sa trabaho.

We were happy while eating. Panandalian kong nalimutan ang kalungkutan ko ng araw na iyon. Nagiging bibo na kasi si Red. Nawala na ang pagiging mahiyain nito.

Habang kumakain kami ay may lumapit sa aming isang lalaki. Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Apollo.

  "Apollo, good to see you here."
Wika ng lalaki kay Apollo. May katangkaran ang lalaki pero mas matangkad pa din si Apollo. Kaya bahagyang nakatingala ang lalaki kay Apollo.

  "Austin. I didn't expect to see you here."
Seryosong ani ni Apollo sa lalaki. Parang may bahid ng galit sa boses nya.

  "Well, I was in the area. Checking on my business. Happens to be that I have a meeting here."
Sagot ng Austin kay Apollo. Dumako ang tingin nito sa akin. Lumapit ito sa akin.

  "I guess this is your wife? I'm Austin Trinidad. Apollo's brother-in-law."
Pagpapakilala nya sa akin. He offered his hand for a handshake. Tumingin ako kay Apollo. Bahagyan itong umiling.

  "Nazli Torres-Diaz. Pleasure to meet you Mr. Trinidad."
Kaswal na wika ko sa kanya at nakipagkamay. Apollo clenched his fist.

  "Pleasure is all mine Nazli."
Akmang hahalikan nya likod ng kamay ko pero kaagad ko iyong kinuha. Austin scoffs.

  "I like her Apollo."

  "I think you better leave Austin."
Maitim-bagang sabi ni Apollo.

  "Okay, chill men. Nice to meet you again, Nazli."
Bumaling naman ito kay Red.

  "Hello there Red."
Yumakap sa bewang ko si Red na para bang natakot kay Austin.

  "I must be going, till we meet again, Apollo."

Iyon lang at naglakad na ito palabas ng restaurant. Umupo na si Apollo at inagok ang champagne nito. Bakas sa mukha nya ang galit. Hindi ko pa sya natatanong tungkol sa mga in-laws nya dahil baka magalit lang ito.

  "Apollo are you okay?"
I know that was a silly question but I need to ask him if he was okay. Bahagya syang ngumiti at hinaplos ang pisngi ko.

  "Yes my love. I'm okay."

  "Pwede na tayong umuwi kung gusto mo."

  "No Nazli. This is your day. I don't want to ruin it."
Masuyong wika nya sa akin.

  "Alam ko na, may gusto akong puntahan."

  "Anywhere Nazli."

Sumilay ang isang ngiti sa labi ko.

***

  "Enchanted Kingdom? Really?"

  "Bakit? Masaya kaya dito? Hindi ba Red?"

  "Oo nga daddy! Please please."
Pinagdaop ni Red ang mga palad. I also did the same thing.

  "Okay okay."
Umiiling na nakangiting sabi nya. Parehas kami ni Red na napatalon sa tuwa. Tumakbo kaming dalawa papunta sa ticketing booth. Nakasunod naman sa amin si Apollo naka nakangiti lang. Syempre sya ang nagbayad sa ticket na rides all you can lang naman.

Nagsimula kami sa mga rides na pwede ang bata at matanda dahil na din kasama namin si Red. Para akong bumalik sa pagkabata. Noong maliit pa kasi ako ay palagi akong dinadala nila Nanay at Tatay sa perya noong nakatira pa kami sa probinsya.

Tuwang tuwa naman si Red sa mga rides na sinakyan namin, maging mga arcade games na nilaro namin. Sinubukan ko din ang mga extreme rides tulad ng roller coaster. Hindi nga lang kasama si Apollo at Red dahil bawal ang bata.

  "You're so brave Nazli! I want to be like you!"
Papuri sa akin ni Red nang makababa ako sa roller coaster. Kinurot ko ang pisngi nito at hinalikan.

  "You can ride that roller coaster when you grow up baby."

  "Okay Nazli!"
Nahawak hawak namin ni Apollo sa magkabilang kamay si Red. Habang tumatalon talon ito. Pinagtitinginan pa nga kami ng mga tao dahil nakaformal suit pa si Apollo habang ako naman ay nakasemi-formal dress.

Dahil muling nagutom si Red sa kakalaro namin ay tumigil muna kami sa food court. Bumili ng hotdog si Apollo para sa aming tatlo. Habang kumakain ay napansin kong nakatingin sa akin si Apollo.

  "May dumi ba sa mukha ko?"

Umiling naman sya.

  "No, I really glad that you are smiling now."

He said to me.

  "Tanggap ko na ang lahat Apollo. I know my parents are happy for me kung nasaan man sila ngayon."

  "At isa pa, nandyan kayo ni Red. Maraming salamat."

  "Are you crying Nazli?"
Nakatingalang tanong ni Red.

  "No Red, I'm just happy."

  "I thought you are sad because of your mom."

  "I'm not sad anymore Red. Dahil ikaw ang nagpapasaya sa akin."

Niyakap ko ito at hinalikan sa ulo. Parang anak na ang turing ko dito. Kahit hindi man ito nanggaling sa akin ay napalapit na ang loob ko sa bata. Hindi ito mahirap mahalin. Maging ang Tito, hindi ba Nazli?

But the contract.

Who cares about the contract Nazli. Apollo already made love with you, and he call's you 'my love'. Isn't that clear that he already fallen in love with you?

Huli naming sinakyan ay ang ferris wheel. Tuwang tuwa si Red sa view ng buong Laguna. Gabi na kasi kaya animo bituin ang mga streetlights. Ilang minuto kaming nasa tuktok.

  "It's beautiful."
Anas ko.

  "Yeah, it is."
Sagot naman sa akin ni Apollo. Nang tumingin ako sa kanya ay nakatitig sya sa akin. My heart skipped that moment. Parang may nabuhay na takot sa puso ko at hindi ko alam kung saan iyon nanggaling.

Gabi na ng makabalik kami ng Maynila. Nakatulog na din si Red sa sasakyan pa lang. Si Apollo na ang nag-akyat dito sa kwarto nito habang ako naman ay pumunta na sa kwarto ko. Nilapag ko ang graduation cap at toga ko sa kama, maging ang diploma ko. Kinuha ko ang larawan ni Nanay at Tatay sa bedside table at niyakap iyon.

  "Nay, Tay, kung nasaan man kayo ngayon sana proud kayo sa akin. Kahit na alam kong marami akong kasalanan sa inyo."
Hindi ko mapigilan ang maiyak. Pinunasan ko ang luha ko at binalik ang larawan sa kinalalagyan nito. May kumatok naman sa pinto ng kwarto ko. I know it was Apollo. Binuksan ko iyon.

  "Are you going to sleep?"
Tanong nya.

  "Hindi pa naman."

  "Sleep with me Nazli."

  "Apollo--"

  "I know you are not ready. I just want you to sleep with me. I will not do anything. Please."

  "Okay."

He held my hand and went to his room. His masculine scent filled my lungs. It was really addicting. Simula nang lumipat ako sa bahay nya ay ngayon lang ulit ako nakapasok ng kwarto nya. Kahit asawa ko sya ay hiwalay kami ng kwarto. He gave me space while I was grieving for my mom.

Nang isara nya ang pinto ay may kung anong pumasok sa isip ko at kinabig ito at hinalikan. I though he was gonna push me but he deepened the kiss. We are both gasping for air when we parted.

  "Nazli. We have to stop. I promised myself that I will not touch you until you are ready."
He said in a raspy voice.

  "I'm ready Apollo. I want you."

  "Are you sure?"

  "Yes my love. Take me."

Marrying My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon