"What do you wanna talk about?" wika ni Apollo kay Albert. Bahagyang tiningnan ni Albert ang loob ng kwarto ng ina ni Nazli mula sa bintana ng recovery room.
"Not here." iyon lang at naglakad na ito. Sumunod naman si Apollo sa lalaki. Hindi nya ugaling sumunod sa ibang tao. Pero alam nyang tungkol kay Nazli ang pag-uusapan nila. Dinala sya nito sa may garden ng ospital kung saan pwede mag usap ng pribado.
"What now Albert."
"Did you purposely drop Nazli in your class?"
"Why do you think that?"
"Because you want to use her. I know your situation Apollo, I'm not blind."
"Then stay away from my goddamn business Albert." Apollo growled low and walked away from Albert. Hinabol sya ni Albert at hinawakan sa braso.
"If you hurt Nazli, I swear to god Apollo--"
"Get your hands of me."
galit na wika ni Apollo sa dating kaibigan. Yes, Albert and him was before friends. But season change, as so as people.Binitawan naman sya ni Albert. Itim-bagang bumalik si Apollo sa recovery room ng ina ni Nazli. Sumilip muna sya. Pinapakain ni Nazli ang ina ng prutas. He sighed deeply. What are you doing Apollo?
***
"Omg besh! Nagpaskil ulit ng pangalan ng graduates sa bullentin board! And guess what? Your name is there!"
Nagtatatalong wika sa akin ni Majho. Parang ito pa ang mas excited sa akin na gagraduate ako. Kung alam mo lang Majho. Kung alam mo lang."Para kang sira. Pinagtitinginan ka na oh." Naiiling kong sambit dito. Tumingin ito sa paligid pero hindi pa din ito nagpatinag dahil patuloy ito sa paglundag na parang bata.
"Hindi ka ba masaya? Ay oo nga pala, kumusta na si Tita Nelia?"
"Sa awa ng diyos, maayos naman na ang kalagayan nya. The operation was successful."
Matapos ang matagumpay na operasyon ni nanay ay muling nanumbalik ang sigla nya. Gusto na nga nyang lumabas ng ospital pero wala pang advise si Doctor Mondragon kung kailan sya pwedeng lumabas. Hindi rin nya alam na si Apollo ang gumastos ng operasyon nya. Kapag nalaman nya iyon ay baka masasabunutan ako ni Nanay ng wala sa oras. Simula nang makitang kong nag-uusap si Nanay at Apollo ay naging malapit na ang mga ito. Feeling ko nga ito ang anak ni nanay dahil palagi nya itong hinahanap at bukang bibig.
"Nga pala, hindi ko nakikita si Sir Albert ah. San na kaya yun?"
"May secret akong sasabihin ah, wag mong ipagkakalat ah." nilapit ni Majho ang tainga nya.
"Psychiatrist pala sya sa PGH." bulong ko.
"I know." wika naman ni Majho. Tumaas ang kilay ko.
"You know?!"
"Oo naman. Sows, ikaw na lang ata ang hindi alam na doctor si Sir Albert." natatawang wika ni Majho. Napabuga ako ng hangin, bakit nga ba hindi ko alam? Ay oo nga pala, masyadong preoccupied ang utak ko para makasagap ng mga tsismis.
Pumasok na kami ni Majho sa klase namin. Dapat hindi pa ako papasok ngayon dahil walang magbabantay kay nanay pero pinipilit ako ni nanay na pumasok. And for the fact that Apollo hired a nurse to take care of my mom. So no choice ako kundi pumasok. Kailangan ko din naman pumasok dahil graduating na ako.
Nag-iba naman ang pakikitungo sa akin ni Sir Apollo habang nasa klase kami. Kaya nagtaka naman si Majho, pero pinagkibit-balikat ko lang iyon. Kahit bestfriend ko si Majho ay hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa deal namin ni Sir Apollo. Hindi naman sa hindi ko sya pinagkakatiwalaan. Ayoko lang may makaalam. Mas mabuti na iyong ako lang nakakaalam.
"Ano kayang nakain ni Sir Apollo at biglang bumait sayo? Di ka nya pinagalitan noong nagkamali ka sa pagsagot."
"Ewan. Baka may period."
Natatawa kong wika kay Majho. Natawa din ito at hinampas ako sa braso."Gaga!"
"Nazli!"
Parehas kaming napalingon ni Majho sa likod ko nang marinig namin na may tumawag sa pangalan ko. It was Benjie. Kaklase ko sa isang subject na bagsak ko noon kay Sir Apollo. Huminto kami sa paglalakad ni Majho."Jowa mo?"
Humahagikhik na bulong sa akin ni Majho. Pinandilatan ko ito ng mata."I heard na nakapasa ka sa mga back subjects mo kay Mr. Diaz."
"Ah, oo Benj."
"Ako din eh. Siguro nagsawa na sya sa pagmumukha natin."
Pagbibiro nya. Tatawa na sana ako nang makita kong paparating sa direksyon namin si Sir Apollo. Nanahimik kaming tatlo."Miss Torres."
Nanuyo ang lalamunan ko nang tawagin nya ang pangalan ko.
"Come with me."
Maawtoridad na utos nya sa akin. Pinagtulakan naman ako ni Majho palapit dito.
"Sige na bes, sumama ka na bago pa bumuga ng apoy yan."
Mahinang sabi ni Majho sa akin. Para akong batang sumunod sa kanya. Akala ko sa office nya kami pupunta pero sa nagtungo kami sa parking lot ng campus namin. Inunlock nito ang sasakyan nitong nakaparada. He opened the passenger seat door."Get in."
"Po?"
"Nazli I said get in."
Nagdadalawang isip naman ako at tumingin muna sa paligid ko. Mahirap na at baka may makakitang sumakay ako sa sasakyan ni Sir Apollo.
"What are you waiting? Do you want me to carry you and put you inside?"
"Ah, hindi, ano kasi-"
"Walang makakakita sa atin. Trust me."
Trust me? Karapat dapat ba syang pagkatiwalaan?
"O-okay."
Sumakay na ako kesa naman buhatin nya ako at isakay sa sasakyan. Umikot sya at saka sumakay din."Wear your seatbelt."
"Ha?"
I was shocked when he leaned towards me. Akala ko kung anong gagawin nya, sinuotan lang pala nya ako ng seatbelt. Pangalawang beses na itong nangyari. Gusto kong kutusan ang sarili ko. Bakit ba kasi palagi mong kinakalimutang magseatbelt Nazli? Ramdam ko ang bilis ng kabog ng puso ko. Naiwan naman sa dulo ng ilong ko ang amoy ng pabango nya. Nanunuot iyon sa sistema ko.
He started the engine and drive."Saan tayo pupunta?"
Tanong ko."I want you to meet someone."
Matipid na wika nito. Someone? Who's someone? Gf nya? Family nya? Pero alam ko wala na syang pamilya? Sino ang ipapakilala nya?"I don't have a girlfriend and my parents are both gone."
Napatingin ako sa kanya nang sabihin nya iyon. Para bang nabasa nya ang nasa isip ko.
"Stop looking at me like you are sorry."
Masungit na wika nya sa akin. Bumalik na naman ang pagiging masungit nito.
"Pero saan nga tayo pupunta?" muling tanong ko sa kanya. He sighed deeply.
"I want you to meet my son."
BINABASA MO ANG
Marrying My Professor
RomantikMarahil nang magsabog ng kabobohan sa math ay nasalo lahat ni Nazli. Paano ba naman kasi, napakaterror ng professor nya sa subject na iyon, gwapo nga, antipatiko at masungit naman. Kaya naman nang malaman nyang hindi sya gagraduate ay sinugod nya it...