•MMP 12•

15.3K 434 46
                                    

  "Kumain ka na ba iho? Halika't ipaghahanda kita ng pagkain."

  "Salamat po Nay Nelia." Wika ni Apollo at bahagyang tumingin sa akin. Kumunot naman ang noo ko. Sa totoo lang ay kianakabahan ako sa kung anong sasabihin ni Apollo. Hinatak ni Nanay si Apollo papuntang dining table.

  "Nag-abala pa po kayo."

  "Nako itong batang ito, hindi ka na iba sa akin Apollo. Hayaan mo na ako para naman makabawi ako sa paghahire mo ng nurse."

  "Wala iyon Nay." Nagsimula nang kumain si Apollo. Naupo ako sa harap nya. Kahit sa pagkain ay mukha itong kagalang-galang. Walang arte syang kumain ng daing bangus at sinangag. At nakadalawang plato pa ito. 

  "Ano pang sasabihin mo sa akin iho?" tanong ni Nanay sa kanya. 

  "Pwede ko ho bang isama si Nazli papuntang Amerika?" 

Gulat na gulat ako sa sinabi nya kay Nanay. Palihim kong sinipa ang paa nya sa ilalim ng lamesa.

  "Oo naman iho. Ayun lang pala eh. Ano bang gagawin nyo sa Amerika?"

Mas nagulat naman ako sa pagpayag ni Nanay. Kahit kailan kasi ay hindi ito pumayag na sumama ako sa mga sleepover. Pero heto ngayon, pumayag ito kaagad sa request ni Apollo.

  "Teka Nay, hindi kita pwedeng iwanan dito sa bahay. Wala kang makakasama." Angil ko. 

  "Nandito naman si Marie, mababantayan naman nya ako." sabi ni Nanay na ang tinutukoy ay ang Home Nurse nya.

  "Pero nay--"

  "Dalawang araw lang po mawawala si Nazli, Nay. Huwag po kayong mag-alala iingatan ko po sya." Tumingin sa akin si Apollo at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako sa sinabi nya o maasar dahil pumayag si Nanay ng ganoon na lang.

  "Kailan ba ang alis ninyo?"

  "Sa susunod na araw na po." Lalo akong nagimbal sa sinabi ni Apollo. Susunod na araw araw? Ni wala pa nga akong passport at Visa papuntang Amerika tapos sa susunod na araw na kami aalis?

Nababaliw na ba sya? Parang ginawa lang nyang Makati ang Ameika. Sandali pang nag-usap sila Nanay at Apollo. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na kami na aalis na dahil may pasok pa ako. Nagpresinta si Apollo na 'ihatid' na ako. Like hello? Nasa iisang school lang kami pumapasok. Habang nasa sasakyan ay namayani ang katahimikan. Kaya ako na ang pumutol niyon.

  "Wala pa akong passport at visa, paano ako makakapunta ng Amerika?"
Sarkastikong wika ko sa kanya. Iginilid nya ang sasakyan sa tabing kalsada.

  "Bakit ka huminto?"

Imbes na sagutin ako ay binuksan nya ang dashboard na nasa harap ko at kinuha ang isang brown envelop.

  "Here are the requirements you have to gave to me. I need these tomorrow. Kaya wala ka nang iisipin."
Inabot nya sa akin ang envelop. Binuksan ko iyon, naka sulat doon ang lahat ng mga kailangan ko para makakuha ng passport at visa. Halos karamihan ay mayroon na ako dahil nga nagtatrabaho ako noon bilang crew kaya may mga NBI na ako etc.

  "Alam ko matagal makakuha ng passport at visa."

  "I told you I will handle everything."

  "Eh di ikaw na."
Bulong ko.

  "Kung hindi ko lang kailangan ang tulong mo Nazli ay hindi kita gagambalain."
Natauhan naman ako sa sinabi nya. Bumalik sa akin lahat ng ginawa nya para kay Nanay.

  "Sorry Sir."

  "Don't call me 'Sir'. Please."

Napayuko at naluha. Nagulat naman ako nang hawakan nya ang baba ko at pinunasan ang luha sa mukha ko.

Marrying My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon