•MMP 4•

17.2K 469 21
                                    

"Sino iyong naghatid sa iyo Nazli? Manliligaw mo ba iyon?"
Usisa sa akin ni Mama pagpasok ko ng bahay. Hindi ko alam na nakasilip na pala sya sa bintana nang dumating ako.

"Wala po iyon ma, kakilala ko lang po."

"Kakilala? Huwag mo akong pagtaguan Nazli, hindi kita pinalaki para maglihim sa akin."
Sabi sa akin ni mama. Nakonsensya naman ako sa sinabi nya. Marami na akong bagay na nililihim kay mama, isa na doon ang mga back subjects ko.

"Professor ko lang po."

"Professor? Aba, bakit ka daw hinatid? Mukhang mamahalin ang sasakyan nya ah."

"Gabi na daw po kasi kaya nya ako hinatid."
Pumunta ako ng kusina upang uminom ng tubig para kahit papaano ay kumalma ang tibok ng puso ko. Sinundan naman ako ni mama. Mukha wala itong balak na palagpasin ako.

"Ano kayang nakain ng propesor mo na iyon at hinatid ka?"
Tanong nya sa akin. Nagkibit balikat lang ako sa tanong ni mama.

"Matutulog na ako ma, maaga pa pasok ko bukas."
Paalam ko.

"O sya magpahinga ka na. At ako naman ay magbabalot ng lumpia."
Ani nya.

May pwesto kasi kami sa palengke kung saan nagtitinda si mama ng mga lutong pagkain. Simula kasi nang pumanaw si papa ay tinuon na ni mama ang atensyon nya sa tindahan nya. Mabuti na din iyon kesa magmukmok sya sa bahay. At least nalilibang sya.

Pumasok na ako ng kwarto at nagbihis. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba kay Majho na hinatid ako ni Sir Apollo sa bahat at kumain kami sa labas. Humiga ako at tumitig sa kisame. Tumunog naman ang notification ng messenger sa cellphone ko. Nagchat sa group chat si Majho. May gc kaso kaming tatlo nila Sir Albert.

*bakla nakauwi ka na ba?*

Chat nya sa akin. Napakagat ako sa labi. Sasabihin ko ba?

*oo nakauwi na ako.*
-ako

*musta naman ang remedial exam mo? Naipasa mo ba?*
-Majho

*may remedial exam ka Nazli? Saan?*
-Sir Albert.

Oo nga pala, hindi alam ni sir Albert na may nagremedial ako.

*kay Sir Apollo po. Hehe. Sana pumasa.*
-ako

*oohh okay. Sana pumasa ka.*

*nako Sir Albert nagwalk out yan kanina sa subject ni Sir Apollo. Lakas ng loob*

Lintek! Sinabi pa ni Majho kay Sir Albert. Ang hindi nya alam kanina ay kasama ko si Sir Albert. Wahaha! Alam ko kasi matagal nang gusto ni Majho si Sir Albert, ayaw man nyang aminin sa akin ay nahahalata ko sa mga titig nya kay Sir Albert. Kaya nga minsan alam kong nagseselos sya kapag kinukulit ako ni Sir Albert.

*oh talaga? Tsk tsk tsk. Bad yan Nazli*
-Sir Albert

Natawa naman ako sa reply ni Sir Albert. Kunwaring walang nangyari eh.

*sge na, mag-ooffline na ako, magrereview pa ako eh.*
-ako

*bye Nazli. Good night*
-Sir Albert

*Good night po*
-me

*eh di kayo na naggoodnight*
-Majho

Boom! Selos!

*good night Majho ;) *
-Sir Albert

*yieeeeee*
-ako

Bago pa naman makapagreply si Majho ay nag offline na ako. Malamang kapag nagkita kami neto ay masasabunutan nya ako.

Marrying My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon