Nagising ako nang umagang iyon na hilong-hilo. Bumangon ako napatakbo sa banyo dahil pakiramdam ko ay hinahalukay ang tiyan ko. Dumiretso ako sa toilet bowl at dumuwal. Apollo worriedly rushed inside to check me.
"Nazli are you all right?"
Tanong nya sa akin. He ponytailed my hair."Nasusuka lang ako. Baka di lang ako natunawan."
Sabi ko naman at naduwal ulit. Pumasok na din si Red sa banyo at nakiusyoso."What happened to Nazli, dad?"
"She's feeling sick Red. Can you please call Alfred for me."
"Okay dad."
Imbes na alalayan akong lumakad ay binuhat ako ni Apollo pabalik ng higaan. Ilang araw na din kasi akong nahihilo at naduduwal. Nakasick leave ako ngayon sa trabaho katulad na din ng bilin ni Sir Richard sa akin. Pinainom ako ng tubig ni Apollo. Kahit papaano ay nahimasmasan ako.
"Ibalik na lang kaya kita sa ospital? Namumutla ka na naman eh."
"Okay na ako love. Wag ka nang mag-alala."
"Huwag mag-alala? My love, you look sick. I'm sure you're not okay."
Napalingon kami ni Apollo nang pumasok si Alfred kasama si Red.
"Sir pinapatawag nyo daw po ako."
"Yes, Alfred. Can you please call Doctor Gomez to come over."
"Right away sir."
Wika naman ni Alfred at lumabas na. Patakbong lumapit sa akin si Red at niyakap ako."Nazli, are you sick?"
"Okay lang ako Red. Don't worry."
"I will kiss you so you can feel better."
Hinalikan ako ni Red sa pisngi."Thank you Red."
Walang pang ilang oras ay dumating na si Doctor Gomez. Akala ko lalaki ito pero babae pala. She check my BP at okay naman. Nakabantay pa din si Apollo at Red sa akin habang kinukuhanan ako ng vitals ni Doktora.
"Apollo can I speak to your wife alone?"
Pagrerequest ni Doktora Gomez."Sure Doc."
Lumabas naman ang dalawa at naiwan ako kay doktora."Nazli. I will ask you couple of questions, is it okay?"
"Syempre naman po doc."
"Are you taking pills?"
"Pills po?"
"Yes. Contraceptives pills."
"Hindi po? Bakit po?"
Kinuha nya ang bag nya at may kinuha doon. She handed me a box.
"Use this."
Tiningnan ko iyon. Pregnancy test? Teka? Buntis ako?
"Teka doc."
"Masasagot ng test na yan ang mga katanungan sa isip mo."
"P-pero po."
"It's okay Nazli. It's normal."
Ngumiti sya sa akin. Tinuro naman nya kung paano gamitin iyon. Pumunta na ako sa banyo. Tinitigan ko ang test kit na hawak ko. Am I pregnant? Noong may nangyari sa amin ni Apollo he didn't used any protection. Dahil ba doon?Humugot ako ng malalim na paghinga at ginawa ang tinuro sa akin ni Doktora. Hinihintay ko na lang na mag-appear ang resulta. Limang minuto daw bago lumabas ang resulta.
Halos malaglag ang panga ko nang makita kong dalawang linya ang lumabas. One line means negative, two lines mean positive.
"Buntis ako?"
Bulong ko sa sarili ko. Kinatok ako ni Doktora.
BINABASA MO ANG
Marrying My Professor
RomanceMarahil nang magsabog ng kabobohan sa math ay nasalo lahat ni Nazli. Paano ba naman kasi, napakaterror ng professor nya sa subject na iyon, gwapo nga, antipatiko at masungit naman. Kaya naman nang malaman nyang hindi sya gagraduate ay sinugod nya it...