•MMP 2•

17.9K 469 10
                                    

Halos duldol ko na sa lamesa ng upuan ko ang mukha ko huwag lang akong matawag sa recitation. Tapos na kasi ang discussion kaya naman nagtatawag na si Sir Apollo para sa recitation.

Para itong buwitre na handang mananunggab ng kakainin nito. Palihim akong nagdadasal huwag lang matawag.
Umikot ang paningin nito sa buong klase. Sakto namang pag-angat ko ng ulo ko ay syang pagtama ng mga mata nya sa akin.

"Ms. Torres, why don't you answer question number one on your assignment."

Nanlaki ang mga mata ko nang tawagin nya ang pangalan ko. Nangangatog ang mga tuhod ko nang tumayo ako. Pasimple akong tumingin kay Majho upang sumaklolo. Alanganin itong ngumiti sa akin.

Lumapit na ako papuntang board, inabot sa akin ni Sir Apollo ang whiteboard marker na hawak nya. Bakit ba ang ganda ng mga kamay nito? Teka nga? Bakit ba kung ano ano pinag-iisip ko. Pakiramdam ko ay nanginginig ang kamay ko nang kunin ang marker.

Tiningnan ko ang math problem sa board. Feeling ko nagsasayaw sa paningin ko ang mga numero. Nanalangin muna ako bago isulat ang sagot. Nang matapos ako ay babalik na sana ako sa upuan ko nang...

"Will you please explain your answer Miss Torres?"

Patay!

Dahan dahan akong lumingon kay Sir Apollo. Nakakunot ang noo nito. Ibig sabihin ay hindi ito nagbibiro. Kelan ba sya nagbiro Nazli?

"We don't have all day Ms. Torres, so please explain the goddamn formula!"
Sigaw nito sa akin. Bigla na lang tumulo ang luha ko sa pagsigaw nya sa akin.

Palagi na lang kasi nya akong sinisigawan sa tuwing nagkakamali ako o hindi kaya hindi ako nakakasagot sa mga recitation nya. Kaya naman buong tapang ko syang hinarap.

"Bakit nyo ba laging sinisigawan?! Anong akala mo sa akin bingi?! Hindi porket matalino ka sa math, pwede mo na akong sigawan!"
Pagkatapos ko syang sigawan ay tumakbo ako palabas ng room namin.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Nagpatuloy ako sa pag-iyak hanggang marating ko ang garden ng eskwelahan namin kung saan wala gaanong tao. Doon ako humagulhol at binuhos ang sama ng loob ko. Nagulat naman ako nang biglang may yumakap sa akin.

"Sir Albert?"
Sambit ko. Lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Sir Albert.

"Iiyak mo lang yan."

Hindi ko alam kung paano nya ako nahanap o baka naman nagkataong kanina pa sya sa garden? Bahala na. Hindi ako pinakawalan ni Sir Albert hanggang sa matapos akong umiyak.

"Tapos ka na?"
Tanong sa akin ni Sir Albert. Natawa ako ng bahagyan sa tanong nya. Tumango ako.

"Thank you Sir Albert. Nabasa tuloy yang damit mo."
Tinuro ko ang basang parte ng polo nya. Kinuha nya ang isang panyo sa bulsa nya at pinunasan ang mukha ko.

"Pasalamat ka may klase at walang tao dito sa garden kung hindi baka kung anong sabihin ng mga tao."

"Po?"

"Ang sabi ko ayos ka na ba?"

"Medyo po."
Suminghot ako na sya namanh ikinatawa ni Sir Albert. He patted my head like I was a child.

"Para ka talagang batang umiiyak kahit kailan. Sabi ko sayo huwag kang magpapasindak kay Apollo eh."

"Paano ba naman Sir Albert, sigawan na ba daw ako sa harap ng klase. Palagi na lang nyang ginagawa yun sa akin. Pwede naman nya akong sabihan ng mahinahon eh."
Sumbong ko sa kanya.

"Pagpasensyahan mo na si Apollo. Baka crush ka lang nya."
Pang-aasar sa akin ni Sir Albert.

"Wow Sir Albert ba. Yang mga biro mo minsan di na biro eh."

Marrying My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon