CHAPTER THREE

243 60 76
                                    

GALVEZ COMPOUND'

Third Person P. O. V

Isang munting pag-sasalo ang inihanda ng Pamilya Galvez para sa pagdating ng mag-inang Charles.

Imbitado lahat ng partido ng ama upang ipakilala si Charles bilang kanilang bunsong anak.
Isang masayang pag-tanggap ang nakuha ng mag-ina.

Ngunit sa loob-loob ng binata ay hindi ito nasisiyahan.
Pinag-bigyan lamang niya ang kagustuhan ng ina.

"So, saan ka pala nagta-trabaho ngayon." tanong ng nakatatandang kapatid niya na si Francis Simon Galvez.

Palatawa ito at magandang makisama sa lahat ng naroroon.

Pero iba pa rin ang pakiramdam ng binatang si Charles.
Tila pakitang tao lamang ang lahat para sa kanya. Pakiramdam niya ay wala namang natutuwa sa kanilang pagdating.

"FG Enterprises." maikling tugon lamang nito at saka ininom ang natitirang alak sa kanyang baso.

"Really? How do you found it? Kumpanya iyon ni Dad. " tila nabingi naman si Charles sa natukoy ng kapatid.

"Hindi ko alam. " sagot nito.

Walang kaide- ideya ang binata na nagta-trabaho pala siya sa kumpanya ng kanyang sariling ama.

"Really? Hindi mo alam? F stands for Francis and G stands for Galvez." humalakhak si Francis na tila nangi-insulto.
"Now you know." madiin nitong sabi bago lumayo sa kanya at sumali sa umpukan ng kanilang ibang mga kamag-anak.

Sa isip-isip ng binata ay maging sa pangalan pala ng kumpanya ay pinagkaitan siya.

Hindi pa siya Galvez.

Kinabukasan.

Isang nakakapanibagong umaga ang sumalubong kay Charles.

Gumayak na siya upang pumasok.
Simula kagabi ay hindi na niya sinuot ang kanyang eye glasses na makakapal at pinalitan niya ito ng contact lens . Maging ang istilo ng kanyang buhok ay nabago.
Ang lahat ng ito ay desisyon ng kanyang ina. 

Tiningnan niya ang kanyang repleksyon sa salamin.
Napaka-laki ng nabago sa panlabas niyang anyo sa loob lamang ng isang araw.

Mabilis siyang bumaba ng makatapos siyang makagayak.
Pagbaba niya ay hinikayat siya ng kanyang ina upang sumabay na sa almusal.

-

"Pupunta pala ako ngayon sa FG enterprises. " pambasag ni Francis sa kalagitnaan ng katahimikan.
Hindi nagsalita si Charles at nagpa-tuloy lang ito sa pagkaen.
"Dad si Charles nasa FG na pala. " sambit muli ni Francis.

"Oo nga ,naulit sa akin ng Tita Charlene mo. So Charles kamusta naman duon ang trabaho mo?" pagtatanong ng kanyang ama.

Sasagot pa lamang si Charles ng maunahan muli sa pagsasalita ni Francis.
"Dad yun ba dapat ang itanong mo?
Naisip mo ba na kung anong mangyayare kapag lumabas sa media na may biglang sumulpot kang isa pang anak? " hindi nagustuhan ni Charles ang ibig sabihin ng kapatid.

Sa isip nito ay kaya pala puro kamag-anak lamng ang imbitado kahapon ay dahil hindi pa siya maaaring ipakilala sa publiko.

Tumayo ang binatang si Charles upang iwanan ang hapag-kainan na iyon.
Ngunit hindi pa siya nakalalayo ng muling mag-salita ang kanyang kapatid.

"Alam ko naman na Galvez na rin ang apelyido niya mamaya." Hindi lingid sa kaalaman niya na mapapalitan n pala ang kanyang apelyido kaya napahinto ito. "Pero Dad, malaking problema kapag lumabas na anak mo siya sa labas. Masisira ka pati ang imahe ng FG . Mas mabuti pa kung ililipat mo na siya sa sa iba mong maliliit na kumpanya, doon makakatiyak tayong hindi siya makikilala. " suhestiyon ni Francis sa ama.

Missing Half - COMPLETED 💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon