CHAPTER THIRTY - EIGHT

111 15 0
                                    

Hacienda Amore

ARIELLE POINT OF VIEW

"Paano ba ako nito makaka-alis kung magiging ganyan ka?" Singhal ni Charles sa akin.

Ngayon na kasi ang araw ng kanyang pagpunta sa kanyang Lola. Si Tita Charlene ay kahapon pang nauna. Samantalang dalawang araw na naman ang nakalipas panimula ng maka-balik ng Maynila si Sofia.

"Pwede bang bukas na lang." Saad ko at umaasang mapapayag siyang muli.

Feeling ko kasi hindi pa ako handa.
Nandito ako ngayon sa kanyang kwarto at pinanonood siya kung paano iimpake ang kanyang mga gamit.

"Lapit ka dito." Utos niya.

Lumapit naman ako . Pinisil niya ng mahina ang aking dalawang pisngi.
"Kahapon iyan din ang sinabi mo. Pinagbigyan na kita ." Natatawa niyang sabi.
Tama siya dahil kahapon ay pinigilan ko siyang sumama na kay Tita Charlene. Sinabi ko kasi na ngayon na lang. Pero parang ayaw ko pa ring pumayag.

"Mamimiss kasi kita. " malungkot kong sabi.

Hinila niya ako para yakapin. Wala na akong pakiaalam kung may bigla mang pumasok at makita kami sa ganitong ayos.

"Mamimiss din naman kita kaya nga di ba lagi kitang tatawagan at kapag wala akong ginagawa pupuntahan kita dito agad."
Hinalikan niya ang aking buhok bago muli ako tiningnan .
"Wag ka ng malungkot hah. Enjoy ka lang dito okay? Pangako hindi ko ipararamdam sayo namimiss mo ko ng sobra. Dahil kahit malayo ako, nanatiling nandito ako sa puso mo." Naka-ngiti niyang sabi .

Maalam na talaga siyang bumanat-banat .
Kaya napangiti ako ng bahagya.
Kung makapag-react ako parang sa abroad siya pupunta. Sa kabilang bayan lang naman.

"Hindi ba maraming tao sa resort ng Lola mo? May mga babae dun sigurado ako. Mga naka-bikini , sexy at maganda. Baka naman ipagpalit mo ako sa kanila. " maktol ko na  ikina-hagalpak niya ng tawa.
Napahawak siya sa kanyang tiyan dahil sa kakatawa.
Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas ng mahina ang kanyang braso..

"Adik ka ba? Bakit ka ba tumatawa?" Saway ko sa kanya.

"Paano bang hindi? Hindi pa nga ako nakaka-alis ang dami mo na agad naiisip na hindi ko naman kayang gawin. " tugon niya at hinawakan ang aking isang kamay upang dampian ng halik. "Walang ibang makikita ang mga mata ko na maganda at sexy kundi ikaw lang Half. Hanggang sa pagpikit ko ikaw pa rin ang nakikita ko kaya palaging mahimbing ang tulog ko. Hindi mo kailangang makaramdam ng selos sa iba dahil wala akong pakialam sa kanila. " malambing na paliwanag nito .

Napangiti ako ng malawak dahil sa kilig. Hindi ko napigilan ang aking sarili na dampian ng mabilis na halik ang kanyang mga labi.
"I love you half." Saad ko at saka yumakap sa kanya.

"I love more half." Sagot niya at niyakap din ako pabalik.

-

-

Lumipas ang mga araw at ilang Linggo. Tinupad ni Charles ang kanyang sinabi na palagi siyang tatawag.
Bukod pa ang mga kada 30 minutes yata ay mayroon siyang mensaheng pagpa-paalala. Pero madalas ang mensahe niya ay tungkol sa mga gagawin niya. Natutuwa ako dahil nagagawa pa talaga niyang mag-paalam muna sa akin.
Kaya hindi ko talaga maiwasang hindi kiligin ng paulit-ulit .

Kahit nasa malayo ay hindi pa rin siya nagbabago .

Bumibisita rin siya kung minsan kahit madali lang. Hindi na siya dito natutulog dahil kinakailangan muli niyang bumalik sa resort . Siya na ngayon ang pansamantalang namamahala doon dahil wala pa ang kanyang Lola.

Missing Half - COMPLETED 💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon