Warning : Medyo SPG. 😆
Kung sensitive ka . Mag-next chapter ka na lang. 💙✨✨✨
Kinabukasan maaga kaming nagising upang makabalik na ng bahay. Naiinis lamang ako kay Charles dahil matapos kong sabihin sa kanya na itago muna namin ang aming relasyon ay hindi na niya ako pinansin.
Ang huling pagu-usap lamang namin ay yung suhestiyon niyang pagpapa-kasal. Hindi ako nakasagot kaya iniwan niya akong mag-isa dun sa ilog.
Ang abnormal niya talaga. Ang sabi ko huwag munang sabihin sa iba na kami na. Hindi yung , hindi kami magpa-pansinan na parang di magka-kilala.
Pwes! Kung ayaw niya akong kausapin eh di huwag. Hindi ko rin siya kakausapin.
Manigas siya!Nag-pasya akong umalis muna sa Mansyon .
Iniwan ko silang lahat na nag-babalak ng kumaen ng umagahan. Inaya nila ako pero sinabi kong busog pa ako . Mabuti na lamang at hindi na nila ako pinilit.Kapag kasi nandoon ako , patuloy lamang akong mai-imbyernang makita kung paano niya ko iwasan. Hindi man lanh niya ako tinatapunan ng kahit kaunting tingin. Maging si Sofia ay tila nagta-taka na kung bakit hindi kami nagpa-pansinan. Umimbento lang ako ng ibang istorya para mapaniwala siyang ayos lamang kami.
Sa paglalakad-lakad sa labas ay naisipan kong puntahan ang kwadra ni Liyoh. Siya na lang yung maaari kong mapagsa-sabihan ng sama ng loob sa ngayon. Makikinig lang siya at hindi ako huhusgahan.
Espesyal ang kanyang kulungan . Malawak ito pero gawa pa rin sa kahoy ang kanyang kwadra para hindi siya mainitan at makapasok ang sariwang hangin.
Isinuot ko ang aking ulo sa siwang ng kanyang pintuan.
"Liyoh...." Tawag ko sa kanya.
Pero ang lokong kabayo tiningnan lamang ako saka tinalikuran.
Pwetan na niya ngayon ang nakaharap saken' .Pati ba naman siya balak akong snob-in?
"Hoy Liyoh humarap ka saken!" Sigaw ko sa kanya .
Ngunit hindi pa rin ako pinansin at lumugmok pa sa kanyang higaan.Aish! Seriously??
"Hindi ako makapaniwala! Pati ba naman ikaw hindi mo ko papansinin?" Nakapa-meywang kong tanong.
Sigurado ako kung may makaka-kita lamang sa akin ay siguradong mapagka-kamalan akong baliw.
"Liyoh!" Tawag kong muli at nagpa-padyak pa . Pero ayaw talaga niya kong harapin.
Sumuko na ako.
Napasandal na lamang ako sa kanyang pintuan at napaupo."Sino pa bang pwede kong kausapin bukod sayo?" Bulong ko at isinubsob ang aking ulo sa mga tuhod ko.
"Ako." Nag-angat ako ng tingin.
Napa-busangot ako at napatayo ng makitang si Charles iyong sumagot.
Pinag-krus ko ang aking mga bisig at tinaasan siya ng kilay.Akala ko ba hindi ako pinapansin ng isang ito.
"Oh' bakit ka sumunod dito? " Mataray kong tanong.Nag-salubong ang kanyang mga kilay at humakbang papalapit sa akin. Huminto siya ng iilang pulgada na lamang ang aming layo sa isat-isa habang nanatiling nakatingin sa aking mga mata. Umiwas ako ng tingin ng hindi ko na mapag-labanan ang kanyang mga titig.
Ano bang ginagawa ng isang ito?
Naguguluhan kong tanong sa aking isipan habang mabilis na kumakabog ang aking dibdib."B-aka m-ay maka-kita sa atin." Nagkandautal-utal kong sabi.
Naiinis ako sa kanya pero pakiramdam ko aatakihin ako sa puso sa kilig sa tuwing sobrang lapit naming dalawa.
Napasinghap at pakiramdam ko ay tumaas lahat ng balahibo ko sa aking buong katawan ng maramdamang dinampian niya ng mumunting halik ang aking leeg , papunta sa aking tenga. Napapikit ako ng mariin at napakapit sa laylayan ng kanyang damit.
BINABASA MO ANG
Missing Half - COMPLETED 💙
Roman d'amour💙 COMPLETED 💙 Alliyah Czarielle C. Amore comes from a wealthy family that owns the immense land of Hacienda Amore in the province of Batangas. She would not have wanted anything else because she already has the beauty, goodness, wealth and many fr...