CHAPTER FORTY - ONE

101 15 5
                                    

Simula ng tumawag ang babaeng iyon ay hindi na ako mapakali. Naka-ilang paikot-ikot na ako rito sa aking kwarto upang magisip ng mas tamang gawin.
Hindi na ako makakapayag na pati si Charles ay agawin niya.

Nahihibang na yata ang babaeng iyon ag wala ng magawa sa kanyang buhay. Kung ano-ano na lang maisipang gawin!

Nasa Manila siya sa ngayon , pero paano naman nga kung pumunta siya dito?

Napaupo ako bigla sa ideyang iyon at saka ko lang na-realize na hindi imposible dahil taga-Batangas din si Althea at kung gugustuhin man niya ay makakapunta siya dito kahit anong oras.

Aish!
Ano wala na ba sila ni Francis?

Kailangan ko munang makumpirma ang bagay na iyon. Dahil kung sakaling sila pa ay sasabihin kong may maitim na balak jowa niya!

Bwisit!

Kinuha ko ang aking cellphone at pilit inalala ang numero ni Francis. Saulado ko iyon dati pero ngayon hindi ko alam kung maalala ko pa.

Nagulat ako ng tila may sariling isip ang aking mga daliri at nag-type ng dire-diretso.
Kung hindi siya nagpapalit ng numero ay sigurado akong masasagot niya ito at sa unang pagkakataon ay ito muli ang aming paguusap sa telepono pamula nung maghiwalay kami.

Naka-ilang ring at hindi ako nabigo ng ito ay kanyang sagutin. Dahan-dahan kong itinapat sa aking tenga ang aking cellphone.

"Who's this?" Bungad na tanong niya.
Natuyo ang aking lalamunan at tila kinabahan ng muling marinig ang kanyang boses. Pero pinilit kong ikinalma ang aking sarili.

"F-rancis." Tumahimik ang kabilang linya at wala ni-isang sagot akong narinig.
Nakilala kaya agad niya ako?
Lumunok ako at muling nagsalita.
"Si Arielle ito."

"I know. Kahit kailan hindi ko nalimutan ang boses mo." Sagot niya na ikinagulat ko.

"U-hm' naistorbo ba kita? Sorry ka- ."

"Hindi ka tatawag kung hindi importante. Magkita tayo susunduin kita kung gusto mo. Nandito rin naman ako ngayon sa Batangas." Saad niya at hindi na ako pinatapos sa sasabihin ko.

Nagdalawang-isip ako kung papayag ba akong makipag-kita sa kanya.
At saka bakit siya nandito sa Batangas?

"Please Alliyah kahit ngayon lang. Gulong-gulo na yung isip ko at alam kong ikaw lang yung makakatulong saken. " pagsusumamo niya.
Ramdam ko sa kanyang boses na mayroon siyang mabigat na problemang dinadala.
Kilala ko na siya. Hindi siya nuon humihingi saken ng tulong o payo kapag hindi malaki ang kanyang hinaharap na problema.

Naisip ko na, ito na rin siguro ang tamang panahon para mag-usap kami at isarado ang pintuan sa aming pagitan upang mapatawad na namin ang isat-isa.

"Sige sunduin mo ako ." Pagpayag ko at ibinaba na ang tawag.

Sunduin niya ako dahil hindi maaaring malaman ng lahat ng narito sa bahay kung sinong kata-tagpuin ko o pupuntahan ko.
Tama naman siguro ang naging desisyon ko. Pero bakit tila kinakabahan ako?

Pinagsa-walang bahala ko iyon at gumayak na. Maaga pa naman, alas-tres pa lamang ng hapon. Hindi naman siguro kami gagabihin ng uwi.

Hindi pa rin tumatawag si Charles kaya nag-message na lang ako sa kanya na may tatagpuin akong kaibigan. Hindi ko maaring sabihin na si Francis iyon at baka hindi siya pumayag.

Ilang minuto lang ang lumipas ng mag-pasya na akong bumaba at magpa-hatid sa labasan ng hacienda. Doon ko na lamang hihintayin si Francis at para hindi nila makita kung sinong kaibigan ang susundo saken.

Missing Half - COMPLETED 💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon