CHAPTER TWENTY-FOUR

123 19 2
                                    

Still Arielle Point Of View

-

"Lucas ang mga pinggan!" sigaw ni Nay Sally.

Natatawa naman ako dahil tarantang-taranta sila. Trenta minuto  na lamang kasi at nandito na ang aming mga bisita.

"Nay Sally relax lang. " natatawa kong sabi.

"Oo iha,  ikaw naman ay pumanhik na para makapag-palit ng damit .  Kami ng bahala dito." utos naman niya sa akin.

"Opo!" tugon ko at mabilis na pumasok muli ng bahay.

Sa may malawak kasi naming hardin gaganapin ang munting salo-salo. May mahabang lamesa na pagla-lagyan ng ibat-ibang pagkaen at may mahigit sampung lamesa ang nasa palibot nito.

Pinalagyan ko rin ng makukulay na mga ilaw ang bawat palibot ng hardin. Mayroon pang nakaka-humaling na musika ang tumu-tugtog.

Sana sa kahit ganito ay mapasaya ko sila.

Nakapasok na ako ng bahay ng makasalubong ko si Charles  .

"Where are you going? " pigil niya sa akin.

"Sa taas papalit lang ako saglit ng damit. " sagot ko.

"Aa okay bilisan mo lang parating na sila."

"Yes sir." sabi ko at nag-salute pa kunware sa kanya.

-

Pagka-akyat ko sa aking kwarto ay mabilis akong nag-half bath at nag-palit ng damit.

Simpleng puting bistida na lamang ang aking napag-pasyahan na suotin at tinuwangan ko ito ng step in kong manipis.

Hinayaan kong nakalugay ang aking buhok. At naglagay na lamang ng liptint at polbos.
Lalabas na sana ako ng marinig kong sunod-sunod na namang tumunog ang aking Cellphone.

Kinuha ko ito sa ibabaw ng aking dresser at binasa ang mensahe na dumating.

From: 0956*******

See you in a minute...

Siya na naman?
Sino ba ito at ayaw yatang tantanan ang number ko at kung anu-ano ang tinetext.

Hindi ko na ito pinansin at muling iniwan ang aking cellphone sa ibabaw ng dresser.

Naghihintay na pala sa akin si Charles. Nag-madali ako sa pagbaba ng makita ko siya.

Gulat ang ekspresyon niya ng makalapit ako sa kanya.

"Okay lang ba sayo ang suot ko? " biro ko sa kanya.

Baka naman kasi mag-disagree na naman.

"Y-ou look so beautiful." komento niya.

"Asusss! Nambola ka pa. " nakangiting sabi ko.

Pero sa totoo lang ay kinikilig ako ng sobra sa sinabi niya.

"Tsk! Hindi pwedeng mawala ang paningin ko sayo. Mahirap na baka masalisihan pa." saad niya.

"Masalisihan ka diyan. Tayo na doon at makikisali sa kasiyahan nila." aya ko sa kanya.

Magka-hawak ang aming kamay ng tumungo kami sa aming hardin.

"Ang dami nila." wika ko kay Charles.

"Oo nga. " natatawang  kanyang sagot .

Ang iba ay kumakaen at ang iba naman ay bumuo ng bilog sa gitna upang duon magsayaw. Puro ka-dalagahan at ka-binataan ang mga sumasayaw roon.

Missing Half - COMPLETED 💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon