CHAPTER TWENTY - ONE

170 24 2
                                    

Third Person Point of View

"Charles nga po pala Fiancee po ni Arielle ." nagulat ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng binata.

Tumingin ang mag-asawang Lucas kay Arielle na sa ngayon ay namumutla sa sobrang hiya.
"Totoo nga ba iha? Mapapangasawa mo na ang gwapong binatang ito. " takang-tanong ni Nay Sally.

Mabilis na umiling ang dalaga at siniko ng bahagya si Charles.
"N-aku hindi po nagbi-biro l-amang po si Charles. " tanggi nito. Tumingin siya sa binata.
"M-anliligaw ko pa lamang siya. " inis na sabi niya.

"Aah! " sabay-sabay na wika ng lahat at nagsi-tanguan pa .

"Ay siya! Pasok na kayo at kumaen muna sigurado gutom na gutom na kayo dahil sa mahabang byahe. " aya ni Tatay Lucas.

"Sige po. " tugon ni Arielle.

Papasok na sana si Charles ng pigilan ito ni Arielle.

Nilingon muna niya ang mga kasamahan sa bahay . Nang makita na nakapasok na ay saka niya piningot ang tenga ni Charles.

"Aw! Aw! Ang sakit Arielle! " nakangiwing inda ni Charles.

Binitiwan din naman ito ng dalaga matapos mang-gigil.

"Anong Fiancee! Fiancee ! na sinasabi mo? Advance ka masyadong magisip Charles. " galit na sabi nito sa binata.

" Tss! Duon din naman ang punta natin ." sagot ni Charles na nakapag-patahimik sa dalaga.

"See? Hindi ka naka-palag." mayabang na saad muli ni Charles.

" A-ish!! Ang yabang mo hindi pa nga kita sinasagot ! " sigaw ni Arielle muli.

"Ei di sagutin mo na ako . Problema ba iyon? Tutal nag-kiss na naman tayo. Label na lang ang kulang. " napatanga ang dalaga sa sinabing iyon ni Charles.

Hindi niya malaman kung sinasadya ba siyang asarin o hindi.
Napa-isip-isip ito na hindi pa nga pala pumapasok si Charles sa isang relasyon kung kaya wala pa itong ideya.

Hinawakan ng dalaga ang kamay ng binata upang hilahin papunta sa loob.
"Kulang ka lang siguro sa kaen Charles. "
wika pa nito.

Namangha ang mag-ina sa ganda at lawak ng mansyon ni Arielle. Maraming mga antique na bagay ang makikita sa paligid ngunit hindi mo mahahalatang ito ay mga luma na. Tunay napaka-gaganda pa nito

Ang buong bahay ay maihahalintulad mo sa mga sinaunang-bahay pero may halong pagka-moderno. Dahil gawa ang bahay na ito sa mamahaling mga kahoy, mwebles, at ang iba ay semento na ang ginamit sa pag-gawa ng halos kabuuan ng bahay. Kakikitaan mo rin ng iilang kagamitan na gawa sa kawayan.
Napaka-lawak at napaka-presko dahil maraming bintana kung kaya pasok na pasok ang hangin. Hindi na kakailanganin pa ng aircon o electricfan.

Nang matapos ang kanilang hapunan ay nag-pasya na silang mamahingang lahat.
Malalim na rin ang gabi at kapwa sila ay mga pagod na sa mag-hapong nag-daan.

-

-

Kinaumagahan...

Arielle P.O.V

Pasado alas-dyes na ng umaga na ng akoy magising dahil sa sobrang sarap ng tulog ko.
Pagka-bangon ko ay dumiretso na muna ako sa Cr upang maghilamos at mag-ayos ng sarili. Pagkatapos ay bumaba na ako at dumiretso sa kusina.

Nakakagutom.

"Magandang umaga! " bati ko sa mga naroroon.

"Oh iha mabuti naman at gising ka na. Kamusta ba naman ang tulog mo? " tanong ni Nay Sally.

Missing Half - COMPLETED 💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon