CHAPTER THIRTY-FOUR

131 14 0
                                    

Lumipas ang apat na araw na halos tapos na kaming isalba ang nasirang mga pananim ng mga peste. Konting-konti na lang ay makakapag-simula na muli kami na walang pina-pangambahan na salot.

Laking pasalamat ko naman at ang lahat ng taga-hacienda ay nakiisa na wala ni-isang reklamo akong narinig. Masaya sila sa kanilang ginagawa kung kaya wala ng pagsidlan ang tuwa dito sa aking puso.

"Arielle." Nilingon ko si Nanay Sally na nasa aking tabi.
"Si Louieshana uuwi na dito maya-maya." Aniya.

"Wow! Talaga po ? Hindi na po siya sa kanyang Lola? " excited na tanong ko.

"Oo iha' . Masyadong natuwa ng malaman na dito ka na titira. Kilala mo naman naman yun, masyado ka niyang iniidolo." Tugon niya.

"Hindi po ba mahihirapan si Louie nun' ? Malayo po ang Haciendang ito sa kanyang unibersidad. " komento ko.

"Nakausap ko siya kagabi at naka-planado na sa kanyang isipan ang kanyang mga gagawing paga-adjust. Sasabay daw siya sa umaga papuntang bayan sa deliver ng jeep ng ating mga gulay para raw hindi siya ma-late at makatipid sa pamasahe.
Miss na miss ka na ni Louieshana na makasama at kabonding. Matagal-tagal na rin ng huli kayong nag-kasama dito sa bahay." Paliwanag niya.

Napangiti ako dahil hindi pa rin pala siya nagba-bago kahit matagal kaming hindi nag-kita. Ang buong akala ko ay limot na niya ang aming naging samahan noon.

"Ganun po ba? Feeling ko lalo tuloy akong na-excite na makita ang batang yun." Saad ko.

"Naku eh' di lalo pa si Louieshana baka triple pa ang pagka-excite non. Mas excited pang makita ka, kaysa sa amin ng iyong Tatay Lucas." Sabi niya na tila may himig na pagta-tampo. 

"Asus! Nag-selos pa si Nay ." Natatawa kong sabi. "Mas lamang naman kayo, lagi niyo siyang nakikita pag napunta kayo sa bayan . Kami ngayon lamang ulit magsasama." Dugtong ko at malambing na niyakap siya.

"Sigurado puro na naman kayo kalokohan." Aniya na ikinatawa ko.

Masasabi ko kasing si Louieshana ang little version ko. Tulad ng sabi ni Nay Sally ay iniidolo ako ni Louie kaya madalas niya akong kopyahin. Maging sa kalokohan noon ay nagkaka-sundo kami.

Si Louie ay hindi nila tunay na anak, siya ay kanilang ampon.
Hindi sila magka-anak noon ni Tatay Lucas kung kaya pinili nilang mag-ampon na lamang. Sobrang mahal nila ito higit pa sa isang tunay na anak.
Ito ang buhay ni Nay at Tay Lucas. 
Parang bunsong kapatid naman ang turing ko sa kanya. Kung hindi ako nagkaka-mali ay sa darating na Disyembre ay ika-labing walo na niyang kaarawan. Napaka-bilis ng panahon dalaga na siya ngayon. Nata-tandaan ko pa noong walong taon pa lamang ako, napakaliit at sanggol pa siya noong dinating dito sa Hacienda. Sobrang tuwa ko noon dahil may kapatid na akong maituturing.

Masaya na sana ang lahat ngunit dumating sa puntong nalaman ni Louieshana  na ampon lamang siya. Nasaktan ito at naglayas, pero naayos rin naman ang gusot sa tulong ni Lola.

Noong mga  panahon na iyon ay namamalagi na ako sa Maynila upang mag-aral sa Kolehiyo. Kaya hindi ko rin nadamayan si Louie. Hanggang sa nagkaroon ako ng trabaho at naging busy. Kaya nawala ang komunikasyon namin.

Maging siya ay naging abala rin sa kanyang paga-aral . Nakakatuwa naman dahil balita ko lagi siyang nabibilang sa mga Honor ng klase simula Elementarya hanggang ngayon na siya ay nasa unang taon niya sa  Kolehiyo.

-

"Ate Arielle!!!"

Sumapit ang dapit-hapon, umalingawngaw sa buong bahay ang isang matinis na sigaw sa aking pangalan.

Missing Half - COMPLETED 💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon