CHAPTER FORTY - SIX

103 14 0
                                    

Anong ginagawa niya rito?
Ang daming pwedeng makakita saken , siya pa talaga?
Nakakahiya baka i-chismis ako nito.

"He-he, Hi T-hiago." Bati ko sa kanya na ngumiti kahit pilit.

Bumitaw ako sa pagkakapit sa inuupuan kong bakod at kinawayan pa siya.

"Tumatakas ka ba?" Naka-cross arms na tanong niya at nag-umpisa ng humakbang papalapit.

Wow! Nahulaan agad niya.
Hindi ako maaaring umamin bago isumbong ako nito.

"Hindi aa. Tumatambay lang ako dito at nagpapa-hangin." Pagpa-palusot ko.

"Ganun ba? " Tila hindi naniniwalang tanong niya.
"Tawagan ko lang si Tito Lucas. Sabihin ko yung anak niya ay parang t*ngang naka-akyat sa bakod para magpahangin. " kinuha niya ang kanyang cellphone na parang nagdi-dial na.

Sh*t!
Hindi yata siya nagbibiro.

"Oy hindiiiii pwedee!!!! " tili ko para pigilan siya.

Gago talaga ito napakasama ng ugali !
Sa sobrang taranta ko ay lumikot ako, dahilan para dumaplos ang isa kong kamay hanggang sa gumewang-gewang na ako at nawala sa balanse . Kung kaya natuluyan ng mahulog paharap.

Sa sobrang kaba at takot ay napasigaw ako dahil buong akala ko ay masusubsob na ako sa semento.
Ngunit ng mag-mulat ako ay nakita kong si Thiago ang aking pinatakan.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at sunod-sunod na napalunok . Ganun din naman siya. Sobrang lapit namin sa isa't - isa na halos ikaduling ko na.

"Alis!" Mahinang sabi niya pero nasa tonong naiinis.

Kaagad akong tumayo at pinagpagan ang aking damit.
Siya naman ay nags-stretch .

Nasaktan yata siya.
Pero hayae na. Kasalanan din naman niya yan .

"Sorry." Paumanhin ko.
Napatingin siya saken . Maging ako ay nagulat sa sinabi ko.

Akala ko hayaan, bakit ako nag-sorry?
Shungeks!

Nag-peace sign pa ako at napag-desisyunan ng  patakbong umalis.

Pero muli akong bumalik sa tapat niya na naka-daop na ang palad.
"Please wag mo kong isusumbong kay Tatay. Kailangan ko talagang puntahan si Kuya Charles kasi emergency."
Tinaasan niya ako ng kilay.

"Saan ka ba pupunta?" Tanong niya.

"Sa resort ni Kuya Charles sa Lemery. " mabilis na sagot ko.

Huli na ng maisip ko na hindi ko pala dapat sinabi. Kaya napatakip ako sa aking bibig.

"Ihahatid na kita pero babayaran mo ko. Wala ng libre ngayon . Para na rin makasigurado akong emergency nga ang ipupunta mo doon. Baka kasi masisi pa ko ni Tito Lucas kapag nalaman niyang hinayaan kitang tumakas." Sa sinabi niyang iyon ay muntikan ko na siyang mayakap kung hindi lamang siya nakaatras.
"Umayos ka nga!" Singhal niya saken na ikinatawa ko lamang.

Kahit kelan talaga napakasungit ng isang ito.

"Mabait ka naman pala kahit minsan! Solomotsss! " puna ko na lang. "Oh eto bayad ko. " Inabot ko ang dalawang-daan .

Yan lang ang perang meron ako sa ngayon .
Natawa muli ako sa naging reaksiyon. Nag-salubong ang kanyang kilay na tila hindi makalaniwala sa ibabayad ko.

"Tss! Napakaliit ng bayad mo." Asik niya saken pero kinuha pa rin naman niya ang pera.
"Sakay na." Utos niya.

Hindi ko talaga maintindihan ang ugali nito. Abnormal sayang tuloy kagwapuhan, kaya ayaw kong nakikisama rin sa kanya eh' , mahirap na baka mahawa pa ko.

Missing Half - COMPLETED 💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon