CHAPTER FORTY - EIGHT

86 18 2
                                    

Halos hindi ako makapag-salita sa mga narinig ko mula sa kanya.

"Isang malaking hindi pagkaka-intindihan ang nangyare sa atin. " pambabasag ko ng katahimikan.
"Ang buong akala ko ay sinasadya mong hindi ako padalhan ng mensahe dahil noong huli tayong mag-usap ay humingi ka ng space. " dugtong ko pa.

"Oo sabi ko space pero hindi ibig sabihin non' ay hindi na kita tatawagan o ite-text . Hindi lang muna ako haharap sayo dahil gusto ko kapag nagkita na muli tayo ay maayos na ang mga sasabihin ko. Ayoko ng magka-mali at lalong ayokong nakikita kang nasasaktan ng dahil saken' ." Sagot niya.

Ngumiti ako ng bahagya.
"Wala namang taong perpekto. Lahat tayo ay may nagagawang kamalian. Pero kapag ang magka-relasyon ang nagkaroon ng ganitong alitan. Dapat magkaroon tayo ng isang malawak na pang-unawa at matutunang pakinggan ang hinaing ng bawat isa. " Hinawakan ko ang kanyang kamay. "Sorry din Charles dahil nagka-mali rin ako at totoong dapat ay sinabi ko kung sinong kasama ko. Isa pa, dapat maintindihan din kita dahil ito ang una mong pag-pasok sa isang relasyon. May mga bagay ka pang hindi nalalaman na dapat ituro ko sayo. " Hinawakan niya ang aking mga pisngi matapos kong magsalita.

"Para saken ako lang yung may mali dahil nagkulang ako sa pagtitiwala sayo. Pinagsisihan ko na yon' ng sobra . Ganunpaman sana'y mapatawad mo pa rin ako." Tugon niya.

"Nag-tampo at nainis ako sayo . Siguro ay ganon' ka rin saken. Walang dahilan para hindi ako makipag-ayos sayo. Mahal kita at mahal mo ako. Hindi lang tayo nagka-unawaan dahil hindi natin napakinggan ang paliwanag ng bawat isa. Kaya sa susunod na maulit- " Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng siilin niya ng halik ang mga labi ko .

"I love you so much. Susubukan ko ng hindi maulit ang ganito. Hindi ko na muling kakayanin ang ilang araw na alam kong hindi maayos ang relasyon natin. Sobrang sakit kaya natuto na ko Half. " Pagpuputol niya sa sasabihin ko.

"Mahal na mahal din kita. Parehas na tayong natuto. Hindi maiiwasan na maulit ang mga ganitong pangyayari. Pero dapat ang iwasan natin ay ang patagalin pa ang away. Ayusin na natin sa lalong madaling panahon. Pag-usapan ang mga bagay na pinag-mulan at ituwid ang mga maling nagawa , then sa huli ay patawarin natin ang isa't-isa." Sambit ko.

"Yes we will do that. " sagot niya at hinalikan ako sa aking noo.
"Alliyah Czarielle, can I say something serious?" Tanong niya sa akin .

Hindi ko alam kung bakit tila kinabahan ako at bumilis din ang pintig ng puso ko.
"A-no yun?" Nauutal kong tugon.

Lumayo siya at ngumiti.
"Alam kong hindi ako nakapag-handa para rito pero hindi na ako makapag-hihintay pa. " panimula niya. Naguguluhan akong tumingin sa kanya.
"Do you know that the day I first saw your face is the day I believed in love at first sight?" Natawa ako sa sinabi niya.

Iyon na ba ang seryoso niyang sasabihin.
"Talaga? Hindi halata kasi ang sungit mo non' ." Komento ko.

Mahinang natawa rin siya at muling tumingin saken.
"Alam mo bang wala akong sigurado kung anong pangarap ko noon. Pero nabago ang lahat ng makilala kita. Dahil sa unang pagkakataon sigurado na ako kung anong gusto kong makuha . I want you to be mine. I want you to be my everything . I didn't know God would answer my prayer by bringing you into my life. " Huminto siya saglit at biglang lumuhod sa aking harapan.

Sunod-sunod naman akong napalunok dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Nakita kong mayroon siyang kinuha sa kanyang bulsa .

"Oh my gosh!" Napatakip ako sa aking bibig ng makitang hawak niya ang isang singsing.

"Alliyah Czarielle Amore , can I keep you until eternity and never let you go?"

Missing Half - COMPLETED 💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon