THE NEXT DAY .
-
" Grabe maaga na nga akong pumasok. Mas maaga pa pala sya' " bulong ko sa aking sarili ng makita si Charles na nandoon na sa loob ng opisina .
"Hello Charles! " bati ko. "Maaga ka palang pumasok? " saad ko ng nakangiti ng makalapit ako sa kanya."Naka-sanayan lang " tipid niyang sagot at muling tinuon ang atensiyon sa kanyang computer.
Napataas ang isa kong kilay at nawala ang pagkaka-ngiti.
Parang may regla ah' .
Kay suplado naman."Good morning Ma'am Arielle ! " nilingon ko ang bumating si Sherlyn.
"Goodmorning She " nakangiti kong tugon.
Magkaka-sama kami dito sa opisina . Nasa may sentro lamang ang aking table at ang kanila ay nasa magka-bilang gilid.
Ang opisina namin ay naglalaman ng isang Officer in Charge ng branch, Dalawang Audit Executive, isang Commisarry/Secretary, at isang Marketing Officer.Binubuo kame ng isang grupo at ang opisinang ito ay tama lang ang laki para sa amin.
Lumapit sa akin si Sherlyn.
Siya ang aking commisary marketing / Secretary."Ma'am magaling yung bago nating marketing officer , kaso mukhang suplado" aniya .
" Tingnan mo ito may ipinasa siya sa aking mga Strategy Plan " iniharap niya sa akin ang kanyang laptop.Binasa kong mabuti ang nilalaman. Hindi ko naiwasang hindi mamangha.
" Naisip niya agad ito? " tanong ko.
Binasa ko muli isa-isa ang nakasulat, at halos wala akong masabi. Kaka-hired lamang niya pero may naipasa na agad siyang ganito.
Napa-kagat ako saking labi.
"Hindi yata ako nagkamaling i-hired si Charles " pabulong na sabi ko.
"Siya' subukan natin itong mga ito kung papatok nga sa masa" utos ko kay Sherlyn.Kahit nga pala may pagka-masungit ang isang iyon ay atleast maaasahan naman pagdating sa trabaho.
"Ang talino Ma'am di ba?" Puri ni She. "Kahit mukhang hindi approachable hehe" pabirong dagdag pa niya, kung kaya nahampas ko siya ng mahina.
"Huy' ano ka ba' ? Nakakahiya baka marinig tayo nung tao" suway ko na kanya namang ikina-hagikhik.
"Oh' si Ms. Sofia " nilingon ko ang kanyang itinuro at nakita ko ngang papalapit ang aking kaibigan.
" Hi ! " bati nya. " San' na yung bagong marketing officer mo?" Pabulong niyang tanong.
Interesado masyado porket siya rin ang marketing officer ng kabila.
Itinuro ko naman kung nasan banda si Charles na sa kasalukuyang busy .Kaagad niyang nilapitan ito.
Lumipas ang ilang minuto, bumalik na siyang muli dito saken' na naka-busangot ang mukha.
"Anyare?" Pagu-usisa ko.
"Err' di mo naman sinabi na snoberong nerdy pala iyon" umiirap pang sabi niya.
"Pero infairness hot yung katawan nya girl! Ang lalapad ng dibdib at balikat " parang timang niyang pagde-describe. "Naamoy ko rin , na meron syang Abs! "
Tili niya na ikinatkip ko ng kanyang bibig ."My goodness Sofia hinaan mo yang boses mo, baka marinig nya kakirihan mo." suway ko .
Dalawang babae na yung nasasaway ko kay aga-aga .
Haist! sumasakit yung ulo ko sa kanila.
Basta pag bago, lagi na lang napapansin.
BINABASA MO ANG
Missing Half - COMPLETED 💙
Romance💙 COMPLETED 💙 Alliyah Czarielle C. Amore comes from a wealthy family that owns the immense land of Hacienda Amore in the province of Batangas. She would not have wanted anything else because she already has the beauty, goodness, wealth and many fr...