Arielle P. O. V
Mabilis lumipas at natapos ang Sabado at Linggo.
Lunes na naman ngayon.
Sa sobrang excited ko nga mag-Monday ay pumasok ako ng napaka-aga at nauna pa sa Guard.
Pero ang totoo niyan may iniiwasan lang talaga ako.Shocks! Pina-panalangin ko na sana hindi muna pumasok si Francis.
Pati na rin sila Charles, sana lagnatin para umabsent!"Hi Ma'am, goodmorning! Ang aga nyo naman po yata. Ala-sais pa lang aa.?". bati ng guard na kararating pa lamang ngayon.
Maaga na ba yung 3 hours early?
"Hehe, goodmorning! May maaga kasi akong gagawin". dahilan ko na lang kay Manong guard.
Dali-dali akong pumasok at dumiretso ng opisina.
Pasalampak akong naupo sa aking swivel chair .Alam nyo bang hindi ako halos nakatulog sa dalawang gabing nakalipas sa daming laman ng utak ko mag-hapon - mag-damag!
Kaiyak!
Buang na you self!
Bakit kasi dumagdag pa itong si Charles.
Wala-sarili ay ibinagsak ko ang aking mukha sa desk!
Sana kainin na lang ako ng lupa para matigil na pagi-isip ko.-
-
-
"Ma'am gising po.". may mahinang tumatapik sa balikat ko.
Aish! Bakit may gumigising saken? Maaga Pa gusto ko pang matulog.
"Ano bang nangyare kay Ma'am Arielle? Bakit natutulog siya ng ganitong oras? ". wika pa ng isang tinig.
Bakit parang ang ingay sa kwarto ko. Nananginip yata ako.
"Sherlyn gisingin mo na si Ma'am , maga-alas dose na oh?" dahil sa ingay ay unti-unti kong iminulat ang aking mga mata.
Teka....
Nabungaran ko ang dalawang mukha .
Loading....
Loading....
Processing....
Sherlyn?
Jana?
Oh my gosh!!!!!!
Napa-balikwas ako ng bangon ng ma-realize ko kung nasaan ako.
"Ma'am Ariel okay ka lang? ". naga-alalang tanong ni Sherlyn.
Tumingin lang ako sa kanya.
"Ma'am masama ba lasa mo? ". wika ni Jana
Teka.....
Baka naman panaginip lang ang lahat ng ito?
Pasimple kong kinurot ang aking sarili at nasaktan ako.Napatitig ako sa aking lamesa.
Shocks!
Nasa office ako at nakatulog?"Anong araw na ngayon? ". tanong ko sa kanila.
"Lunes Ma'am. Ano bang nangyayare sa inyo. Nadatnan namin kayo dito na natutulog . Tapos ngayon Alas-dose na kaya tinangka na namin kayong gisingin.". paliwanag ni Arielle.
"Whattt????? ". napasapok ako sa aking noon.
Nag-Flashback saken lahat ng nangyare. Mula sa maaga kong pagpasok at ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Missing Half - COMPLETED 💙
Romance💙 COMPLETED 💙 Alliyah Czarielle C. Amore comes from a wealthy family that owns the immense land of Hacienda Amore in the province of Batangas. She would not have wanted anything else because she already has the beauty, goodness, wealth and many fr...