Alas-diyes na ng umaga pero heto pa rin ako at nakahiga sa aking kama. Mag-damag akong hindi halos nakatulog kakaisip sa narinig kong usapan nina Charles at Tita Charlene.
Maisip pa lang na aalis na si Charles ay nalulungkot na agad ako. Kaya ayaw ko munang bumaba para hindi niya ako makita at ng hindi siya makapag-paalam.
Subalit napaka-mali naman yata nung ginagawa ko. Sa simula pa lang naman alam ko ng may Lola siya at duon sana sila tutuloy di ba? Saka isang linggo lang naman yung ipagtatagal nila dito dapat. Iyon na sadya ang kanyang plano.
Pero hindi ko naman kasi akalain na magiging kami kaya, pano na? Parang ayaw ko na siyang paalisin.
Napabalikwas ako ng bangon ng biglang nagbukas ang aking pintuan at nakitang si Charles ang dahilan nun.
"O-h? Paano mo nabuksan?" Gulat na tanong ko.
Hindi niya ako sinagot, sinarado niya muli ang pintuan at dire-diretso siyang lumapit saken.
"Gising ka na pala pero bakit bakit tila wala kang balak bumangon?" Tanong niya pabalik saken.Shocks! Kay aga-aga ang bango-bango niya at napaka-gwapo.
Pero hindi dapat ako magpa-linlang sa kanyang kagwapuhan. Hindi pwedeng umamin ako sa tunay kong dahilan.
Bumaba ako sa aking kama at humarap sa kanya ng naka-cross arms.
"Sinong may sabi sayong kanina pa ko gising ? Kakagising ko la- "
Natigilan ako sa pagsasalita ng mabilis niyang hinalikan ang aking mga labi. Segundo lang ang tinagal at umagwat na siya.
"May bagong gising bang nakapag-toothbrush na? " naka-ngisi niyang tanong.
"M-eron, a-ko!" Katwiran ko na ikina-hagalpak niya ng tawa.
Umupo siya sa aking kama.
"Halika dito." Aya niya at tinuro ang kanyang lap.
Abno ba siya? Kami lang dalawa dito saking kwarto. Tapos magiging ganyan siya?
Dumudumi tuloy yung takbo ng utak ko.
Nag-iwas ako ng tingin at tatangkain na sanang lumayo ng hawakan niya ang aking pulsuhan at hilahun para ipaupo sa kanyang hita.Halos hindi ako makahinga sa sobrang lapit ng mga mukha namin.
"Hindi ka man magsalita, malakas yung pakiramdam ko na tinotopak ka na naman o kaya may problema." Aniya.
"H-indi ako tinotopak at saka wala namang problema. " tanggi ko.
"Talaga? So hindi ka aamin?" Tanong niya.
"Hin-"
Sa ika-dalawang pagkakataon ay hindi niya ako pinatapos sa aking sasabihin. Dahil sinakop muli ng mga labi niya ang aking mga labi . Gulat na gulat ako at nanlalaki ang aking mata . Kitang-kita ko kung paano siya pumikit.
Naging mas matagal ang kanyang paghalik ngayon kumpara nung una."I wont get tired on kissing you. Kaya mamili ka . Sasabihin mo ang totoo o hahalikan kita buong araw?" Seryosong sabi niya na halos ikawala ng isip ko dahil kakaunti lamang agwat ng aming mga labi.
Malinaw na narinig ko ang kanyang sinabi pero tila ba mas gusto ko yung pangalawang option. Wala akong po-problemahin dahil paulit-ulit lamang akong mahuhulog sa kanya ng napaka-lalim at kikiligin ng walang katapusan.
Natatakot kasi akong itanong kung aalis na nga ba siya .
"Half...Just kissed me ." Utos ko.
BINABASA MO ANG
Missing Half - COMPLETED 💙
Romance💙 COMPLETED 💙 Alliyah Czarielle C. Amore comes from a wealthy family that owns the immense land of Hacienda Amore in the province of Batangas. She would not have wanted anything else because she already has the beauty, goodness, wealth and many fr...