✨Simula Una hanggang dito sa Huling Kabanata ng Missing Half maraming salamat po sa lahat ng sumubaybay at umabot dito. Binigyan po ninyo ako ng isang pagkakataon na patunayan na kaya kong makagawa ng isang nobela na hango sa aking isipan. Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat. ✨
- Mabzblue 💙💙💙Mabilis lumipas ang mga araw hanggang sa dumating na ang huling gabi ng aking pagiging isang dalaga. Bukas na ang araw ng aming kasal ni Charles . Magiging ganap na akong Mrs. Galvez.
Kanina pa kong paikot-ikot dito sa aking kwarto dahil kinulong ako ni Sofia at Louie. Mamaya pa raw ako maaaring lumabas .
Siguro ay may pina-plano na namang masama ang dalawang iyon. Tulad kahapon ang buong akala ko ay hindi nga makakarating si Sofia sa aking kasal bukas dahil sa sobrang busy nito . Iyon pala ay nasa byahe na papunta dito kahapon din. May paiyak-iyak pa kong nalalaman dahil nalulungkot ako at siya pa naman ang aking maid of honor.
Gagiii talaga!
Ang dami nilang alam.Mahigit isang oras akong nag-hintay bago ko marinig ang pagbukas ng aking pintuan. Kapwa pumasok sa aking kwarto si Louie at Sofia.
"Mabuti naman pala at nakaligo ka na. Isuot mo ito." Saad ni Sofia at inabot sa akin ang isang puting bestida na may iba't-ibang mga palamuting disenyo.
"Para san ito? Hindi ba bawal daw akong umalis? Saan tayo pupunta?" Sunod-sunod kong tanong .
"Hay naku Ate, magbihis ka na lang bilis. Aayusan ka pa namin." Singit naman ni Louie at hinila ako patayo.
Sapilitan nila akong pinapasok sa aking Cr kaya wala na akong nagawa kundi isuot ang ibinigay nila sa aking damit.Matapos niyon ay inayusan nila ako. Naglagay ng kung ano-anong kolorete sa aking mukha.
Maging ang laylayan ng aking buhok ay naisipan nilang kulutin.Hindi ko na namalayan ang oras kung gaano kami katagal nag-ayusan. Ang tanging sigurado ko lang ay hindi ako halos makapaniwala na ako itong nakaharap sa salamin.
Maganda ang suot kong dress at hapit na hapit kung kaya lumabas ang hubog ng aking katawan . Bumagay rin saken ang ayos ng aking buhok at simple kong make up. Nakangiti akong humarap sa dalawa.
"Anong meron bakit ganito ang ayos ko?" Muli kong pagtatanong.
"Seriously Ate? Wala ka pa ring ideya?" Natatawang sabi ni Louie.
"Naku Louie, slow like turtle yang Ate Arielle mo. Saka hula ko napag-iwanan na yan ng panahon kaya ganyan walang alam sa uso." Singit ni Sofia na siya namang sinang-ayunan ni Louie.
Nagawa pa nga nilang mag-appear.
"Pinagkaka-isahan na naman ninyo ako." Komento ko."Hindi aa." Sabay nilang sagot kung kaya napatawa sila.
"Tayo na ngang bumaba!" Paga-aya ni Sofia at hinila-hila na ako.
-
Nang makababa ay nagulat ako ng patay ang ilaw sa aming sala.
"Bakit ang dilim?" Tanong ko sa kanilang dalawa pero hindi nila ako sinagot.
"Sige lakad ka lang." Saad ni Sofia at mahina akong tinulak .
Nilingon ko silang dalawa ng bigla silang lumayo sa akin kasabay niyon ay ang pag-bukas ng mga ilaw.
Ikinagulat ko ang bumungad sa aking mga mata . Ang mga dati kong mga kaklase at kaibigan noon ay nandito sa sala at nakapalibot sa akin at sabay-sabay na bumabati ng congratulations. Ang paligid ay nilagyan nila ng kung ano-anong disenyo at may kaunti ring pagkaen na naka-handa.
BINABASA MO ANG
Missing Half - COMPLETED 💙
Romance💙 COMPLETED 💙 Alliyah Czarielle C. Amore comes from a wealthy family that owns the immense land of Hacienda Amore in the province of Batangas. She would not have wanted anything else because she already has the beauty, goodness, wealth and many fr...