Dahil sa nangyari kanina hindi ko na naisagawa ang ritwal na dapat kong gawin, pero kahit na hindi ko ito nagawa hindi naman din kayang pasukin ng mga elemento ang gubat na tinitirahan ko.
Parang may kulang ngalang dahil walang tamang ritwal
Ang gubat na ito ay kumpleto na, kung tutuusin pwede na akong hindi lumabas papunta sa mundo ng mga tao para mabuhay! May mga ilog na may mga isda rito, mga halaman na ginagamit ko sa iba't ibang ritual, mga prutas, mga gulay,sariwang hangin, kuryente at higit sa lahat ang pinakapaborito kong spell na nagawa, ay ang walang hanggang internet connections! Mukhang impossible diba? Pero dahil sa kathang isip lang ang lugar na ito lahat pwede kong gawin dito.
3years ago simula ng gawin ko ang spell na yun at maganda naman ang kinalabasan nito! Kahit ako di makapaniwala na kaya kong makagawa ng isang wi-fi spell! pero peksman totoo yun!
Walang kahit sino ang pwedeng makakita ng gubat na ito dahil ang gubat na ito ay nilikha lamang ni lola, isa lamang itong kathang isip na hangang ngayon ay pinangangalagaan ko. Ito lang ang lugar na mapupuntan ko at makakapag-palagay ng loob ko dahil mabubuksan at makikita lamang ito kung mahahagip nito ang gintong kahoy ni lola o ang tatoo ko sa batok.
Isa itong tatoo na nakapagbubukas ng kahit anong portal na inilagay ng lola ko sa batok ko bilang pamana. At dahil isa ding portal ang pintuan ng tinitirahan kong gubat nabubuksan ko ito ng walang kahirap hirap kahit walang tulong ng gintong kahoy ni lola.
Walang nakakaalam ng lugar na ito tanging ako at ang lola ko lamang at dahil nga wala na sya, ako na lang ang nakakaalam nito.
Itinatago ko din ito kahit kanino. Sa paaralan, mga kaklase ko at maging ang mga magiging kaibigan ko kung meron man ay hindi nila dapat malaman. isa sa mga paraan ko ito upang maitago ang tunay na pagkatao ko.
At speaking of 'walang dapat makaalam nito' biglang sumagi sa isip ko ang mga pangyayari kanina pagkatapos kong makaligtas mula sa sasakyan na muntik na akong masagasaan sa tulong ni Zachary.
'Flash back'
"Ayos ka lang ba?" Pang ilang ulit na nyang tinatanong sa'akin yan.
"Oo nga!" At pangilang beses ko na ring isinagot yan sa kanya.
Magkasama kami ngayon sa isang mini stop, matapos kasi ang mga pangyayari kanina mas minabuti kong wag muna umuwi, sumama naman sya sa'akin at eto na nga kami ngayon kumakain ng cup noodles.
*sluurrrpp!* ~ tunog ng paghigop ko sa noodles.
"Hindi ka ba napapaso?" Tanong nya sa'akin, napansin nya kasi na tuloy tuloy ako sa pag higop ng noodles ko kahit na mainit.
"Ganyan talaga pag gutom! Wag mo na nga ako pakealaman! Kainin mo na lang yung iyo!" Sabi ko sa kanya ngunit nakabaling pa din ang mga mata ko sa noodles
"Sungit.." bulong nya pero di ko na sya pinansin at nag patuloy sa pagkain.
Ngayon lang ako nakasama ng isang lalaaki ng ganito katagal at nakakagulat dahil hindi ako nakakaramdam ng ilang, naiinis nga lang madalas!
Lumipas pa ang ilang oras at natapos na kaming kumain at ngayon ay kasalukuyan na kaming nasa labas.
" Ihahatid na kita, saan ka ba nakatira?" Tanong nya. Agad ko namang tinanggihan ang alok nya.
"Wag na, kaya ko na!" Sagot ko. Paano ko sasabihin sa kanya na sa isang lugar ako nakatira na sino man ay hindi kayang matagpuan kahit saan mang lupalik ng mundong ito?
"Sige na, ayos lang naman sa'akin"
"Huh? H-hindi hindi! Ayos lang talaga ako!"
"Bakit ayaw mo? Natatakot kaba na malaman ko kung saan ka nakatira?"
Nangilabot Naman ako sa mga salitang lumabas sa bibig nya, nababasa nya ba ang isipan ko? O guni guni ko lang yun. Pero kahit na!
Kailangan ko pa ding makaisip kung paano ako makakasagot sa tanong nya.
*Ting!*
Alam ko na! Sa lumang bahay nalang namin! May bahay at lupa kami dito sa mundong ito pero dahil nga delikado hindi na namin iyon natitirahan ngunit dahil sa barrier na nakapaligid dito nananatili pa din ang kagandahan nito, ito rin ang nakasulat na bahay sa school info ko.
"H-hindi ah!! Sige ihatid mo ako! Bakit naman ako matatakot- teka may bigla akong nalala!"
Ngayon na ang tamang oras para itanong iyon
"Ano naman yun?"
"Kanina! Kanina nakita kita sa pangalawang kalsada bago ako tumawid! Napakalayo mo na sa'akin pero nagawa mo pa akong iligtas! hindi mawala sa isip ko yun! Sige nga sagutin mo?!"
bakas sa mukha nya ang pagkagulat at ilang segundo ring napatitig bago nya ipasok ang kamay nya sa bulsa nya para kuhain ang cellphone nya at tingnan.
"Ah E-Eleithyia hindi na pala kita maihahatid! Yung a-aso ko kasi tama! Tama! Yung aso ko ah-eh ano.. nanganak na! Oo! tatlong kuting!" Sabi nito sabay takbo papalayo sa'akin pero bago yun lumingon pa sya at kumaway kaway sabay takbo ulit.
Ng mga sandaling iyon may bigla akong napagtanto.
"T-teka kuting?! Ang alam ko tuta ang tawag sa batang aso? Pero bakit kuting?"
"Bakit kuting?!" Sigaw ko ngunit patuloy lang sya sa pagtakbo
'End of flash back'
May Isa pa akong palaisipan at iyon ay ang kung paano nya nalaman ang pangalan ko.
YOU ARE READING
Love Bind
FantasyIsa syang pure breed witch na nagngangalang Eileithyia. sa lahat ng hirap na naranasan nya noon naging malakas sya at s paglipas ng panahon mas naging matatag pa sya Ngunit sa lahat ng damdaming dala-dala nya simula pagkabata ay mahihirapan syang ma...