Libo libong taon na rin ang nakalipas noong sinalakay ng 'kahariang Malums' ang kaharian ng 'Ethereal' mula sa mundong 'Aurora'.
Ang Aurora ang mundong tirahan ng lahat ng nilalang na may kakaibang abilidad.
Isa itong mundong halohalo ang mga nilalalang maliban lang sa mga tao, lahat ng nasa mundong ito ay may ibaibang kakayahan. Ang ilan ay parang anyong tao, ang iba ay anyong hayop at ang ilan naman ay nasa isang anyong halimaw.
Meroong tatlong kaharian ang 'Aurora' at isa dito ay ang kahariang 'Zephyr'
Karamihan ng mga nilalang na nakatira dito ay may elementong hangin, may ilan din naman na may elementong tubig ang nakatira dito.
Ang mga tulad nila ang resposable sa malinis na hangin at tubig ng buong 'Aurora' , element of water/wind na mga knomes, wind element na mga dragon, kalahating agila kalahating kabayo o mga (Hippogriff), mga sirena, mga kakaibang isda, maging ang mga shokoy o ilang kakaibang nilalang Na may kapangyarihang konektado dito ay nakatira doon.
Bukod pa sa kanila may mga kakaibang nilalang din na sikay sa Mundo ng mga tao ang naninirahan din sa Zephyr. tulad ng mga vipires at wolves.
Pero hindi lahat ng elemento ay nakatira doon, dahil karamihan ng natitirang elemento tulad ng elemento ng apoy, elemento ng lupa ay nasa kahariang 'Ethereal', ito ang pinaka centro ng lahat ng kaharian, nandito ang kapitolyo ng 'Aurora' at ang pinaka eperador.
Hindi tulad ng 'Zephyr' na karaniwang mga nilalang ng aurora lang ang nakatira, ang 'Etherial' naman ay mayroong pinaka kakaibang mga nilalang sa buong 'Aurora'
Nandito lahat ng klase ng mga wizard at sorceress. Hindi lang sila, meron pang mga wolf blood creatures, nine tailed fox (gumiho), earth dwarfs, maging ang mga class A witches ay dito nakatira!
Mahigpit na ipinagbabawal ang tao dito kaya naman mga Class A Witches lang ang nakakapasok at nakakalabas.
At noong panahong iyon ang kaharian ng 'Ethereal' hindi lang ang ethereal kung di ang buong 'aurora' ay pinamumunuan ng emperador na si emperor Zen at ng kanyang asawa na si Lady Emerald.
Mapayapang namuhay ang buong 'Aurora' sa mga panahong pinamumunuan ni emperor Zen ang 'Aurora', ngunit isa itong malaking kahibangan para sa pangatlong kaharian.
Ang kahariang 'Malums', ito ang pinaka maitim na kaharian, lahat ng nilalang dito ay gumagamit ng maitim na mahika, ang kahariang ito ay puno ng rebelde.
YOU ARE READING
Love Bind
FantasiIsa syang pure breed witch na nagngangalang Eileithyia. sa lahat ng hirap na naranasan nya noon naging malakas sya at s paglipas ng panahon mas naging matatag pa sya Ngunit sa lahat ng damdaming dala-dala nya simula pagkabata ay mahihirapan syang ma...