Chapter eight- unfolding truth

12 1 0
                                    

Eileithyia Fuentabella P.O.V,

Isang lingo na ang lumipas simula ng pangyayaring iyon, Masasabi kong bumalik na ulit sa ayos ang buhay ko pero hindi na ito yung dating normal dahil may nakakaalam na kung sino at ano ba talaga ako, at dun ako sobrang nag aalala

Simula nun hindi ko na ulit sya nakita at naging mas maingat pa ako sa paligid ko dahil alam kong kahit hindi ko sya nakikita, alam kong pwede syang magmasid lang habang tahimik na pinag pla-planuhan ang susunod nyang mga hakbang

katatapos lang ng lesson namin kay sir ng biglang may announcement na hindi daw makakapagturo ang susunod na teacher

'yes!!'

'woohoo!!'

'yun oh'

sigaw ng mga kaklase ko, pero wala naman akong pakealam.

(-_-)

nabaling naman ang tingin ko kay Zachary at nakitang nakaidlip sya habang nakasaksak sa tenga nya ang mga earphones nya, at sa di malang dahilan napatitig naman ako.

'may mahaba at makakapal na pilik mata, matangos na ilong at mapuputlang mga labi'

Oo na! Oo na!! in short 'GWAPO' kahit labag sa loob ko aaminin ko ng 'GWAPO' sya, pero sa putla ng mga labi nya aakalain mong ginawa nyang lipstick yung concealer stick! kaya, babawiin ko na ulit yung sinabi ko kanina!

gumalaw galaw sya kaya naman na alarma ako at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana, saktong pagtingin ko ay bumalik nanaman sa alaala ko yung mga pangyayari sa may hallway

'Hindi ko talaga inakalang...makamukang makamuka kayo..'

'Kung ikaw nga talaga sya, ibig sabihin, muli syang nabuhay sa kasalukuyan ngayon'

'Sabihin mo, hindi ka din tao hindi ba?'

mula nung isang lingo lubos kong pinagisipan lahat ng sinabi nya 'kesyo daw hindi ako tao' , 'kesyo daw kamukha ko si ano', 'kesyo daw nabuhay ulit ako at sya lang daw ang dapat mamahalin ko ngayong panahong ito'

at isa lang ang naging konklusyon ko yun ay ang,

.

.

isa syang baliw!

.

Maaring tsamba lang yung sinabi nyang hindi ako tao, pero yung huling tatlo? HAHAHAHA sira ulo!

"Tama! Sira ulo sya, yun na lang pqniwalaan mo Eileithyia! Dahil yun naman talaga!" Pagkumbinsi ko sa sarili ko habang tulala sa bintana.

Nang medyo mahimasmasan ay tumingin ulit ako sa gawi ni Zachary at lubos kong ikinagulat ng makitang gising na pala sya at nakatingin ito ngayon sa mga mata ko ng Walang ka emo-emosyon sa mukha, kaya naman kinabahan agad ako at halos lumabas na Yung puso ko kaka 'tug! 'Tug! 'Tug! 'Tug!' ng ibuka nya ang mga bibig nyang nginudngod yata sa harina sa putla at akmang magsasalita

"N-nagugutom ako"

Kulang balang may pumasok na sound effects ng mga kuliglig sa tagal ng pahkakatinginan namin.

yun lang ang sasabihin nya! Akala ko kung ano na! Kumalas sya ng tingin sa'kin sabay tayo at labas ng classroom.

At ako?

Love BindWhere stories live. Discover now