chapter four - awkward noodles

19 2 0
                                    

Nasa office kami ngayon ng principal at kasalukuyang ikunekwento ni 'Mrs sungit ang nga pangyayari

Parang may kakaiba na akin ng mga oras na yun, parang sumasama ang pakiramdam ko ngunit isinantabi ko lamang yun

Pagtapos ng halos isang oras at tatlongpung minuto ay pinalabas na kami hawak ang 7 detention slip

Pitong araw kada uwian kaming ma de-detention, buti na lang at detention lang ang binigay samin at hindi kami suspended sa klase, kaya nga lang...

"Grabe, Ang sama naman nya! Bakit papatayuin nya lang tayo buong klase nya?!" Mukmok ni Zhacary. Yun dapat ang sasabihin ko. Trip nya bang basahin ang utak ko?

"Kung hindi lang sana kita ginising. grabe, Payapa pa sana buhay ko! Bakit naman kasi napag tripan mong matulog  sa kalagitnaan ng klase?"

"Hindi kaya ako tulog!" Pagtanggi nya.

"Hindi daw tulog! Kaya naman pala ilang papel na ang sinayang ko hindi ka pa din nagigising!" Depensa ko.

"Hindi nga ko tulog. Gusto ko lang makita kung anong sunod mong gagawin, di ko naman alam na..gagapangin mo pala ako, grabe ka." A sudden smirk form in his lips.

At sadyang lumaki ang mga mata ko sa mga narinig ko. Sya 'gagapangin' ko? Hindi ba pwedeng pumunta lang ako sa upuan nya ng gumagapang?!

"Aba't! Hoy! Ang kapal mo naman! Ayusin mo nga yung pananalita mo! Gumapang lang ako papunta sa upuan mo noh!"

"Kaya nga! Ginapang mo'ko!" Sabi nya sabay ngiti ng nakaka-asar

Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante sa hall yung iba nag bubulungan pa.

"Ahh! Mali po, Mali po ang iniisip nyo! Di ko po sya ginapang! Hindi po talaga maniwala kayo!" Sigaw ko sa mga estudyante na pinagbubulungan ako.

"Ganun pa din naman yun kahit ibahin mo pa at ipaliwanag sa kanila, gumapang ka pa din! Ginapang mo'ko!" He said before releasing a loud burst of laughter.

"Ikaw, Bwisit ka talagaa!!!" Sigaw ko sabay bato sakanya ng baon kong tinapay pero nakailag agad sya. Dahilan upang Ang kawawang tinapay ko ay malaglag sa semento.

"Argh! Hindi, tinapay ko!" Sigaw ko habang buhatbuhat ang tila ba isang bangkay na lang na tinapay na ibinaon ko talaga  para makain ito bilang meryenda.

"Ops! Wala akong kasalanan wag mo'ko tingnan ng ganyan!"

"Wala na kong tinapay!" Akmang dadamputin ko pa sana ng biglag may kumirot namparte sa may dibdib ko dahilan upang mapaluhod ako sa lupa

Sobrang sakit nun halos mapaluhod ako at hindi ko maintindihan Ang dahilan at kung bakit tumutulo ang mga luha ko, para bang sabay sabay na lang lumabas lahat ng emosyon ko sa isang iglap dahilan upang umulan sa kalagitnaan ng masiglang araw

"Hey, ayos ka lang ba? Anong masakit Sayo?" Akma nya akong aalalayang tumayo pero Hindi ko sya hinayaan

Tumingin ako sa kanya pilit na tinatakpan ang mga luha ko sa pamamagitan ng ulan. Habang tumatagal mas Lalo itong naninikit at mas lalo lang akong napaiyak sa kirot na dulot nito, dahil dito mas lumakas pa ang ulan.

Dahil ba pinigilan ko yung emosyon ko kanina? O ito yung mga emosyon ko sa nakaraan?

*Flash back*

Namatay si lola pero ni isang patak ng luha ay di ko ipinakita..

Hanggang sa huling burol at sa paghahatid ko sa huling himlayan nya..hindi ako umiyak.

Nangako ako..nangako ako na hindi iiyak at magpapakatatag kapag nawala sya..

"Apo ko, wag kang iiyak, wag kang malulungkot kapag mag isa ka na lang, tandaan mo may isang nilalang na nakatakdang makasama ka at mahalin ka hanggang sa huling hininga nito."

Love BindWhere stories live. Discover now