Eileithyia Fuentabella P.O.V,
Hindi ko na pinatapos si Zachary sa pagsasalita dahil talagang late na ako. Sabihin na nating vice president nga ako pero Wala pa din akong ligtas pagdating sa parusa ng napakalupit naming president!
(>~<)
Habang tumatakbo hindi ko maiwasang mapaisip sa lahat ng nangyari kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala na si Zachary...
Ay hindi din normal na nilalang katulad ko.
At ang nakakagulat pa'y hindi rin tao yung Vlad na yun. Mataas ang posibilidad na may iba pang katulad nya o katulad namin dito sa school o kaya sa ibang lugar na malapit lang dito na maaring makaalam ng tunay na pagkatao ko at hindi talaga iyon maganda, delikado yun para sakin!
Nang gabing iyon hindi din ako pinatulog ng lahat ng pangyayari na nangyari sakin.
———
3days later,
Tatlong araw na simula ng mangyari iyon at simula nun ay hindi ko na masyadong pinapansin si Zachary hindi ko na din tinangkang hanapin si Vlad dahil alam kong hindi sila normal at delikado na ako sa kanila.
Ngunit may mga bagay na hindi madaling baguhin tulad ng sitting arrangement namin. Dahil dun ang awkward para sakin ang makatabi sya. alam nya na pala kung sino at kung ano ako simula palang.
Paano kung may balak pala sya?
paano kung isa pala syang kalaban?
Hindi ko yun basta basta malalaman kaya ang tanging magagawa ko lang ay iwasan sila. Madalas ko na lang itinutuon ang atensyon ko sa guro o kaya nama'y sa bintana para hindi gaanong mailang sa katabi ko.
pero sadyang pinaglalaruan ako ng tadhana dahil kami ang napiling maging magka-partner ng guro namin sa p.e.
"Okay, Fuentabella at Martinez dahil kayong dalawa lang ang nasa likuran ay kayo na lang ang magiging mag partner"
"Okay si-" - zachary
"No sir!" - Ako. Dahil sa agadang pagsasalita ko ay napatingin silang lahat sakin ng may pagtataka sa mukha nila.
"At bakit naman Fuentabella?" Sabi ni Sir
"Ah-eh-ano sir- he-he-he sabi ko nga po ayos lang eh!" Nauutal na sabi ko
Napansin ko namang parang nagpipigil ng tawa yung katabi ko na ikinainis ko naman. Sinamaan ko sya ng tingin ngunit mas natawa pa ata sya sa ginawa ko.
"Hindi ko alam kung sira ulo ka ba? O May topak ka talaga? Ay hinde.. baliw ka ba?!" Sabi ko pero tiningnan nya lang ako na parang walang nangyari at saka tumingin ulit kay sir ng walang ekspresyon ang mukha.
(°^°)
"Topaaak!" Sigaw ko sa kanya dahilan upang magtinginan ang buong klase sa akin habang bakas naman sa itsura ng katabi ko ang pagpipigil ng tawa
"Is there any problem Fuentabella?" Tanong ni sir
"No-nothing sir!" Sabi ko sabay tingin ulit ni sir sa blackboard
"So kinakausap mo na ko?" Nakangising sabi ni Zachary
"Pake ko!" Walang kahulugang sabi ko sabay tingin sa bintana at hindi hindi na uli sya pinansin.
Natapos ang discussions at uwian na namin ngayon. Nakalabas na lahat ng mga kaklase namin ng magdesisyon ako na lumabas sa classroom ngunit lingid sa kaalaman ko na nandoon pa sa loob si Zachary na akmang nagaabang sa may pintuan. Nagpasya akong hindi na lang sya pansinin at mag dere-deretso sa paglabas subalit bago pa ma'y naharangan nya na ang pintuan gamit ang katawan nya.
YOU ARE READING
Love Bind
FantasyIsa syang pure breed witch na nagngangalang Eileithyia. sa lahat ng hirap na naranasan nya noon naging malakas sya at s paglipas ng panahon mas naging matatag pa sya Ngunit sa lahat ng damdaming dala-dala nya simula pagkabata ay mahihirapan syang ma...