Halos hindi ako nakatulog kagabi. Siguro namamahay ako. Isa pa sumakit talaga yung ulo ko dun sa dalawa kagabi eh!
Kasalukuyan akong nasa classroom at nakatulala sa may bintana. Kanina pa ako lutang halos di ko na nga napakinggan yung ibang teachers eh.
Samantala napansin kong pumasok na yung P.E. teacher namin na may hawak na mga test papers.
"Good Afternoon class. Gusto Kong sabihin sa inyo na magkakaroon kayo ng mini quiz ngayon para sa monthly test bukas." Sabi ni Sir. Nanglumo naman ang karamihan sa'min.
"Bukod pa doon, sa Friday na gaganapin ang school festivals at hawak ko na ang listahan ng Four Runners natin" bigla naman silang nabuhayan ulit.
"Okay. Sugapa, Harold with the time of 2mins and 29 seconds" Napa "yes!" Naman si Harold nang tawagin ang pangalan nya.
"Estoban, Ryan with the time of 2mins and 05 seconds" ganun din ang reaction ni Ryan.
"Fuentabella, Eileithyia with the time of 1min and 11 seconds" pasok din pala si Eileithyia- Teka ako Yun ah?!
"Teka Sir! Bakit po ako nakasali eh diba po mas nauna si Zachary sa'kin?" Sabi ko habang nakatayo.
"By timing kasi ang pinagbasehan. Kaya nga trial. Naintindihan mo na ba miss Fuentabella?"
"Y-yes sir" nanlumo ako imbis na magalak.
"By the way Eileithyia, you're improving at running. Good job!" Sabi pa ni Sir.
Sa totoo lang ayoko talaga ang pagtakbo, Wala lang akong choice nung trial. Taon taon kasi dati ako ang pinaka huli sa listahan ng klase na ito pagdating sa trial.
Ngayon wala nanaman akong choice kundi ang tumakbo. Jusmee~
"And lastly the most fastest runner of our class, Martinez, Zachary with the time of 1minute and 09 seconds. Good job Martinez!" Sabi ni Sir sakanya. Tagtiliian naman ang mga babae sa classroom namin. Maliban sa'kin.
And lawak naman ng ngiti ni Zachary. Actually he's not smiling- he's smirking - at me.
"Rinig mo yun? Fastest daw" bulong pa nito sa'kin. Inirapan ko lang sya, as if naman may pake ako.
Pinamigay na ni Sir yung mga test papers at sinagutan nanamin Yun. Hindi naman ito ganun kahirap kaya maaga akong natapos at nakalabas ng room. 3:15 p.m. palang at 4:00 p.m. ang namin kaya napag desisyonan ko na matulog sa may library tahimik kasi ako dun.
Pag mulat ng mga mata ko nasa isang pamilyar na lugar ako. Eto nanaman yung panaginip ko dati..
Nakatayo na yung lalaking itinulak ko at bigla akong niyakap ng sobrang higpit. Halos hindi ako nakahinga sa higpit nun.
"Ano bang meron sya na wala ako?" Tanong nito sa'kin. Kung pagbabasehan ang boses nya malalaman mong umiiyak na Ito.
Ilang sandali pa bago ko sya itulak ng marahan dahilan upang marahan din syang kumalas ng pagkakayakap sa'kin. Nagulat ako ng bigla akong nagsalita gating hindi ko naman inuutusan ang aking katawan na gawin iyon.
"Naging mabuti at matapat Kang kaibigan sa'kin at lubos kong ipinag-papasalamat iyon...ngunit-"
"Ngunit ano? Mas Mahal mo sya sa'kin tama?" Hindi ko alam kung sinong tinutukotly namin. Hindi ko din alam kung bakit parang May sariling buhay ang bibig ko at kung paano ko naiintindihan ang ekspesyon ng mukha nya gating hindi ko Ito naa-aninag.
YOU ARE READING
Love Bind
FantasyIsa syang pure breed witch na nagngangalang Eileithyia. sa lahat ng hirap na naranasan nya noon naging malakas sya at s paglipas ng panahon mas naging matatag pa sya Ngunit sa lahat ng damdaming dala-dala nya simula pagkabata ay mahihirapan syang ma...