Eileithya Fuentabella's POV,
Iminulat ko ang mga mata ko mula sa mahimbing kong pagkakatulog.
Umaga na pala
Agad akong tumayo mula sa pagkakahiga ko sa kama ko at tumuloy sa banyo para maghilamos, paglabas ko nakita ko si BaoBao na anyong pusa na at natutulog pa din sa kanyang higaan napangiti na lang ako at naglakad sa may sala katapat ng kwarto kung nasaan si Zachary.
Umupo ako sa silya at binuksan ang aking laptop at nagbasa muna ng mystery unveil sa isang paborito kong page ilang minuto pa ang lumipas at napagdesisyonan ko ng tingnan si Zachary
"Kamusta na kaya yung topakin na yun?"
Dahan dahan akong naglakad patungo sa pintuan at marahan itong binuksan upang di sya magising ngunit laking gulat ko ng madatnang wala na sya roon. Nilibot ko ang buong bahay pero kahit saan ay di ko makita ni anino nya.
Imposibleng makalabas sya dito dahil hindi naman nagbubukas ang portal ng basta basta kaya sigurado akong nandito pa din sya sa mundong ginagalawan ko ngayon.
Lumabas ako ng bahay at inikot ang gubat makikit pa din ang bilog na buwan sa mga oras na ito kahit na nagliliwanag na.
Sa tagal kong nakatira dito kabisadong kabisado ko na ang gubat na ito ngunit hindi ko pa din sya nahanap. Dahil natataranta na ang buong sistema ko sinubukan ko itong pakalmahin, umupo ako sa tabi ng ilog kung saan may mga naninirahang ibat-ibang uri ng mga isda.
Kailangan ko na syang mahanap, Hindi ganun kabilis umepekto ang healing spell lalo na sa isang wizard na tulad nya. Kailangan itong ulitin para mas matanggal ang mahika sa sistema nya pag hindi ko Ito inulit sa loob ng ilang oras ngayon baka may mangyaring masama sa kanya.
Tiningnan ko ang wristwatch ko 30 minutes na lang!
Tumayo ako sa malaki at mataas na bato sa tabi ng ilog, mula sa pagsilip ko sa taas nakita ko ang repleksyon ko sa ilog animoy kumikinang na diamante mula sa repleksyon ng araw sa kalangitan. Napa buntong hininga ako dahil sa pag a-alala
Nasaan ba sya? Dapat pala humingi ako ng tulong kay BaoBao..
Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukang makiramdam sa kalikasan para sana tulungan ako pero maging ang kalikasan ay ayaw akong tulungan may iba itong pinakikinggan.
Sinubukan ko naman ang navigation spell para hanapin sya pero may pumipigil sa mahika ko! Sinubukan ko ang iba pang spell pero di din tumalab and it just wasted another 5 minutes! Bakit di gumagana? Sya ba ang pumipigil sa mahika ko? Ayaw nya bang magpahanap? Pero bakit?
Maya maya pa'y may mga ibon na dumapo malapit sakin may dala itong papel kaya naman nagtaka ako. Tiningnan ko ang papel at laking gulat ko ng may mensahe Ito na para sakin
Do you know how to play detective?
Try focusing on the key or on your own board maybe,
Put it in your lap, hold it in your top8 24 5 16 3 22 19 9 12 3 5
Find me Ely
- Zack V
Ano toh? Isang code? Wala akong panahong makipaglaro sa kanya!
Bumalik ako sa bahay para humingi ng tulong kay BaoBao nilibot namin ang buong bahay sa paghahanap pero wala pa ding nangyari muli akong tumingin sa relo ko 15 mins left nauubusan na ako ng oras! Tiningnan ko muli ang papel.
YOU ARE READING
Love Bind
FantasyIsa syang pure breed witch na nagngangalang Eileithyia. sa lahat ng hirap na naranasan nya noon naging malakas sya at s paglipas ng panahon mas naging matatag pa sya Ngunit sa lahat ng damdaming dala-dala nya simula pagkabata ay mahihirapan syang ma...