Zachary Martinez P.O.V,
Nasa room kami ngayon at May nagbalita na wala daw yung susunod na teacher namin kaya naman tumungo lang ako at ipinikit ang mata ko.
Maya maya'y iminulat ko ulit ang mga mata ko at nakitang nakatingin nanaman si Eileityia sa bintana at lutang ang isipan, isang Linggo na syang ganyan.
Pero wala akong pakialam! Paki ko ba!
Aiisshh!!
Tsk Nakakainis! Alam kong May kinalaman yung putlaing lalaki na yun! Alam kong hindi sya tao at kung paano pa lang nya titigan si Eileityia alam ko ng May kakaiba!
Isa akong Class B+ Wizard at sapat na iyon para sabihing malakas ako! At ang kumilala kung isang tao o hindi ang nasa harap ko ay isa lamang sa kakayahan ko.
Ang malamang hindi tao ang katabi ko ngayon ay madaling bagay lamang sakin, sa unang magtapat pa lamang ang mga mata namin alam ko na na katulad ko din sya, pero mas minabuti kong hindi ipaalam sa kanya dahil wala din naman syang alam kung sino at kung ano ba talaga ako.
Habang nakatingin sa likod nya ay May mga bagay akong naalala na matagal ko na dapat na kinalimutan.
*Flashback*
Alam kong konektado ang emosyon nya sa kalangitan kaya sa simpleng pagpatak pa lang ng mga ulan sa kalagitnaan ng araw, alam ko ng May kakaiba na sa kanya tulad ng kanina, kumulog ng napakalakas dahil nagulat o kaya nama'y natakot sya.
Nakakainis lang kapag nagyayari yun, at hindi ko maintindihan kung bakit ako naiinis.
"U-umalis ka na, h-hindi ko din alam kung anong nangyayari sakin. Dito na lang muna ako" sabi nya habang nakayuko at patuloy sa pag-iyak
"Hindi pwede, Ano bang nangyayari Sayo? Ano bang masakit sayo?" Hinawakan ko sya pero binawi nya ang sarili nya sa pagkakahawak ko
Tss! Sya na nga inaalalayan eh!
"Ano ba?! Hindi mo ba alam yung 'dito na lang muna ako? Umalis ka na!" Sigaw nya sakin
"Sabing hindi pwede! Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka umaalis!" Sigaw ko pabalik
Maging ako ay nagulat sa mga sinabi ko.
*End of flashback*
Arrggghhhh!! Bakit ko ba sinabi Yun?! Nakakahiya amp!!
Mula sa pagkakatitig nya sa bintana ay lumingon sya patagilid dahilan upang magtama ang mga mata namin, nakatitig lang kami sa isa't isa ng mga oras na iyon at bakas ang pagkagulat sa mukha nya.
Sa mga sandaling oras na iyon nakita ko nanaman kung gaano nakakaakit ang mga mata nya kapag tinitingna-Ano?! Hindi! Hindi! HAHAHA joke lang yun! HAHAHA ano bang nangyayari sa akin?
Kailangan kong makaisip ng paraan para hindi awkward
"N-nagugutom ako" yun lang ang sinabi ko at tsaka ako nagmadaling lumabas sa classroom
Dama ko hanggang ngayon ang init ng mukha ko, grabe! Baka gutom lang to? O-Oo! Tama gutom lang to! Kakain na lang ako!
Dumeretso na ako sa hagdan papunta sa baba dahil nandoon ang canteen, habang bumababa sa hagdan ay May nakasalubong akong lalaki.
YOU ARE READING
Love Bind
FantasíaIsa syang pure breed witch na nagngangalang Eileithyia. sa lahat ng hirap na naranasan nya noon naging malakas sya at s paglipas ng panahon mas naging matatag pa sya Ngunit sa lahat ng damdaming dala-dala nya simula pagkabata ay mahihirapan syang ma...