"Y-yes sir?"
"Ang aga aga ang daldal mo na agad!"
"S-sorry sir"
"Stand up! Answer the following on the board!"
"Y-yes sir!"
Agad naman akong naglakad papunta sa pisara, pero habang nag lalakad ako papunta sa unahan, may biglang sumulpot na kaklase ko akmang kukunin ang pambura nya sa sahig.
Sa sobrang kaba ko ay napaka bilis kong maglakad at dahil dun hindi ko na napigilan ang mga paa ko sa paglalakad at ang resulta...
'Bllooggg!!!'
Bumangga ako sa kanya dahilan ng pagkatalisod ko sa katawan nya at kung minamalas ka nga naman, ulo ko ang unang hinalikan ng sahig namin!
"Oh my god!! S-sorry Elilethyia! Di ko sinsadya!!" Sabi nung babaeng nakabangga ko.
"Oh my gosh!"
"Ohhhh sakit nun!"
"Pfff hahaha"
React ng iba kong mga kaklase dahilan ng pagtingin ng masama ni sir sakanila
"Ms. Fuentabella! Ayos ka lang ba?!" Tanong ni sir ng medyo pasigaw dahil na rin siguro sa gulat.
"O-opo.. sir" mahinang sabi ko sa kanya?
"Talaga? Hindi ba't ulo ang unang tumama sayo?!" Tanong nya ulit.
Oo nga pala...
Dahil sa circle hindi ako nasaktan at sino ba namang hindi magugulat at magaalala kung sila ang makasaksi ng ganon? pwera na lang siguro sa mga hangal kong mga kaklase.
(←_→)
Ang ulo ang unang tumama sa sahig pero okay lang ang pakiramdam?! sigurado akong hindi sila maniniwala kung sasabihing kong okay lang talaga ako.
"M-medyo nahilo lang po s-sir, pero okay lang ako" medyo ngumiti ako.
"Nahihilo ka?! Sige go dumeretso ka na sa clinic at magpahinga, bukas ka na lang bumawi sa subject ko!"
"Hindi na po sir! Ayos lang naman po ako" pagdadahilan ko. Eh yun naman kasi talaga ang totoo eh!
"It's an order! Go! At ikaw!" Turo nya sa babaeng nakatalisod sakin.
"Sumama ka sa kanya, tutal ikaw naman ang may kasalanan!" sabi nya pa
"H-hindi na po sir! Aksedente naman po ang nangyari hindi nya kasalan, kaya ko na po mag isang pumunta" pag protesta ko
Please please.. kagatin mo na sir!
Payagan nyo na kong magisa please!"Are you sure?"
"Yes sir"
"Okay, go!"
Agad naman akong lumabas sa classroom para pumunta sa clinic kahit na wala naman talagang masakit sakin.
Nasa hallway na ako ngayon papalapit sa mga classroom. Ang ilan doon ay hindi ginagamit at sa hallway na ito dalawang classroom lang ang may mga estudyante at ang dalawang room nilang iyon ay nasa dulo pa.
Habang naglalakad ako nakaramdam ako ng presensya sa may likuran pero pagtingin ko ay wala namang tao, kaya nagpatuloy ako sa paglalakad.
Ng maaninag ko na ang dulo ng hallway.. agad na nagbukas ang isang pintuan sa may gilid ko at mula sa madilim na silid na iyon ay may mga kamay na humatak sakin sa loob.
YOU ARE READING
Love Bind
FantasíaIsa syang pure breed witch na nagngangalang Eileithyia. sa lahat ng hirap na naranasan nya noon naging malakas sya at s paglipas ng panahon mas naging matatag pa sya Ngunit sa lahat ng damdaming dala-dala nya simula pagkabata ay mahihirapan syang ma...