***
Nag liwanag ang aking mga paningin at sa di kalayuan, nasilayan ko ang isang lalaki.
Nakatalikod ito sa'akin at nakaharap sa mga pananim na rosas.
'Sino ba sya?
Maya maya untiunting gumagalaw ang katawan nito na tila ba'y humaharap sa'akin at akmang ibibigay ang mga hawak nitong rosas ng biglang..
*kriingg!!*
"Ahhhhh!!" Napa-balikwas ako sa aking higaan dahil sa pagtunog ng alarm clock ko.
Panaginip lang pala..
4:00 palang ng umaga at madilim pa ang kalangitan ng maghanda ako para sa isang ritwal na kung saan nililikha ang protection spell.
Lumabas ako ng bahay at agad na nadama ang simoy ng malamig na hangin sa loob ng gubat na nilikha lamang ng nasira kong lola.
Kinuha ko ang mga asin at gumuhit ng hindi nakasarang bilog, pumasok ako at lumuhod sa gitna at sa pamamagitan ng natitirang asin ay isinara ko ito upang maging isang close circle
Sa pamamagitan nito mapipigilan ng isang witch ang pagpasok ng mga unwanted guest para sirain ang ritwal, maproprotektahan din ng close circle ang isang witch na nagsasagawa ng ritwal.
Kinuha ko na ang meridaux ko at dahan dahang itinutok sa madilim na kalangitan at nag concentrate.
Ang wand ng isang witch ay binibigyan ng panggalan upang malaman nito kung sino ang kanyang may ari at hindi mapunta sa ibang kamay ng basta basta. meridaux ang pangalan ng sa akin.
Pumikit ako at dahan dahang dinama ang init na dumadaloy mula sa aking meridaux na nakatutuok pa din sa kalangitan.
Ang init na kanina'y nadadama lang ng mga kamay ko ay agad na dumaloy pati sa kasuluksulukan ng aking katawan.
Nagsimula na ang ritwal..
Muli akong dumilat at nakitang nagliliwanag na ang aking meridaux, dahan dahan ay ibinaba ko ang mga braso ko at tumayo, itinutok ko sa ibaba ng circle ang meridaux ko at agad itong nagliwanag.
"From the earth above, i command thee stength and power through out the day! And no harm shall i felt!"
Mula sa lupa itinaas ko naman ang aking meridaux papunta sa kalangitan
"From the sky above, i command thee peace and calmness Through out the day! No negativity shall i met!"
Ibinaba ko na ang meridaux ko at kinuha ang isang maliit na punyal
" from the earth below, from the sky above, i command thee protection! A circle that shall protect me! From negativity, harmness and unwanted element! So mote it be!"
Dahan dahan kong binuksan ang punyal at ipinadaloy ito sa aking palad mayamaya'y unti unting umagos ang aking mga dugo at pumatak sa lupa, agad na nagliwanag ang circle na tinatapakan ko at kasabay ng pagsikat ng araw ay sumabog sa ere ang circle at tuluyan ng nagliwanag ang buong katawan ko.
Pagtapos ng ilang minuto ay agad naman nang nawala ang liwanag ngunit ang ibang pakiramdam na dulot nito ay nandito pa.
ang protection circle ang una kong natutunan. Ito rin ang pinakamadali sa lahat ng ritwal at gingawa ito para maprotektahan ang isang witch laban sa kahit anong kalaban, ngunit may limitasyon din ang circle na ito. Tumatagal lang ito kung hindi gagamit ng kahit anong spell ang isang witch hanggang matapos ang araw.
YOU ARE READING
Love Bind
FantasyIsa syang pure breed witch na nagngangalang Eileithyia. sa lahat ng hirap na naranasan nya noon naging malakas sya at s paglipas ng panahon mas naging matatag pa sya Ngunit sa lahat ng damdaming dala-dala nya simula pagkabata ay mahihirapan syang ma...