Chapter fourteen- wizard meets the cat

5 2 0
                                    


"Eileithyia" tawag nya sa'kin.

Noong mga oras na iyon halos ramdam na ramdam ko na ang hininga nya sa mukha ko at kasalukuyang parin na nakapikit ang mga mata ko habang hawak pa din nya ang mukha ko. Naramdaman kong hinagod nya ang kaliwang pisnge ko gamit ang kanyang hinlalaki dahilan upang mapamulat ako muli at masilayan ang mga mukha nyang kanina pa nakangiti.

"May dumi ka sa mukha. Saan ka ba galing?"

"Ha? E-e  A-ano k-kasi" bahagya syang napatawa ng marinig nyang nauutal ako.

"Oh, ba't parang nawalan ka na ng boses?" Nagtanong pa talaga sya, eh sya naman ang may kasalanan kung bakit nag kakanda-utal utal ako ako ngayon!

"Ikaw kasi eh!" Sigaw ko habang bahagyang hinampas ang mga balikat nya. Feeling ko ako pa yung nasaktan dun eh. Tss.. tumawa pa! Gawin ko syang siopao eh!

"Hoy! Eileityia gising ka pa ba?" May boses na tumawag ng pangalan ko mula sa pintuan at sinundan pa yun ng malalakas na katok.

"S-salamat nga pala" kitang kita sa mukha ng kaharap ko na natutuwa sya sa reaksyong nakuha nya sa'kin. Isa pa 'tong may saltik eh!

Takte! Pwede naman kasing sabihin nya nalang diba? Ba't kailangan pa nyang lumapit ng ganon kalapit? Feeling ko tuloy kasing Pula na ng kamatis ang mukha ko!

"Hoy Eileityia! Sisipain ko tong pinto!" Sigaw nung tumatawag sa'kin sa pintuan. Isa pa 'tong siomai na 'to! Gawin ko kaya syang palaka?!

Tinungo ko ang pintuan at bigla itong binuksan. Nakita ko naman si Zachary na naka posisyon na para sipain ang pintuan, bahagya pa itong nagulat ng bigala ko itong binuksan kanina. Sisipain nga nya yung pinto! Saltik talaga.

"Ano bang kailangan mo?!" Tanong ko. Naka pajama na pala sya ngayon. Ang cut- biro lang yun!

"Narinig kong nagsalita ka kanina. May kasama ka ba dyan?" Tanong nya.

"Guni guni mo Lang iyon. Alam mo mabuti p-"

"Teka ba't namumula ka? Wag mong sabihing kinikilig ka nanaman sa'kin?" He said while grinning. Eto nanaman kami sa mahangin nyang personality. Bipolar talaga.

"Hoy! Kapal mo. Never akong kikiligin sayo noh!" Depensa ko.

"Hindi daw pero namumula sya." Asar talaga!

"Hindi nga!"

"Eh, sinong kausap mo kanina?"

"Wala"

"Sinungaling!" Napakamot nalang ako sa bunbunan ko sa inis, kung umaga ngayon marahil natunaw na ang mga tao sa sobrang init. Nag e-enjoy naman 'tong wizard na 'to.

Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. "Okay. Si Baobao ang kausap ko kanina. Alam mo na. Okay na? Matulog ka na nga!" Naniwala naman sya dahil totoo naman na si Baobao ang kausap ko kanina

"Tabi Tayo matulog!" Nakangitng sabi nya with matching taas baba pa ng kilay. Dun ko lang din napansin na may dala syang isang unan. Seryoso ba sya?!

Napayukom na lang ang mga kamao ko sa inis. Konti na lang masasapak ko na 'tong wizard na to!

"Hindi ka aalis? Ah ganun. Baobao talunan mo nga si Zachary!" Tawag ko kay Baobao-or should I say si Black na ngayon ay anyong pusa na ulit.

"Okay okay. Aalis na ako!" Sabi nya habang nakataas ang dalawang kamay na tila ba nasuko sa mga pulis. Takot din pala eh!

Akamang isasara ko na ang pinto at paalis na din so Zachary ng biglang may malakas na tunog ang umalingawngaw na pumigil sa'kin at Kay Zachary.

*Grrrrrrrrr~~*

Love BindWhere stories live. Discover now