*two weeks later*
Maaga akong nagising at nakapasok kanina, ngayon ay lunch break na namin.
Napatingin ako sa buong paligid ng classroom at nakitang lahat sila kumakain ng may kasama at kausap, ang sarap lang nilang tingnan.. nakakainggit..
Ibinaling Ko na lang ang tingin ko sa bintana na nagpapakita ng mga makulimlim na ulap.
Nasabi ko na sa inyo na ang emosyon ng isang 'pure breed witch' ay konektado sa kalikasan o sa kalangitan ng mundo ng mga tao?
Ang mga bulaklak ay para sa kasiyahan agad na tutubo ang mga Bulaklak sa mga halaman kahit di pa panahon kapag sobrang saya ng isang pure breed witch, ang pag ulan ng may mainit pang araw ay para sa kalungkutan, ang sobrang pagsikat ng araw ay para sa pagkainis, ang kulog ay para sa takot, at ang kidlat naman ay para sa galit.
Ang pinaka mahalagang senyales ay ang pag ulan ng nyebe. Hindi na ito konektado sa emosyon namin, isinisimbolo nito ang 'kamatayan' ng isang tulad kong 'pure breed'.
Patuloy na uulan ng nyebe hanggang sa matapos ang huling isang oras ng isang 'pure breed' bago ito bawian ng buhay, hindi lang basta isang ordinaryong nyebe ang papatak mula sa kalangitan, ang nyebe na iyon ay may mabangong amoy ng isang puting lotus,
ang nyebe ay maari ding bumakasak sa lokasyon ng isang nilalang na mahal at importante sa puso ng isang 'pure breed' upang maipaalam na malapit na itong bawian ng buhay o makapagpaalam dito ang isang 'pure breed' bago ito tuluyang mawala kahit na nasaan man iyon naroroon.
At kung sakali man na dumating na ako sa mga huling oras ko, alam ko nang sa lugar lang kung nasaan ako mababawian ng buhay papatak ang mga nyebe dahil una sa lahat mag isa lang naman ako sa buhay at wala namang iba pang nilalang na malapit sakin.
Napatigil ako sa pagmumunimuni ko ng bigla akong kausapin ng bwisit kong katabi.
"Baka matunaw yung bintana, Sige ka!"
Sinamaan ko lang sya ng tingin sabay irap. Nagsisimula nanaman ang kumag na to! Nag mo-moment ako dito tapos biglang sisingit sa eksena!
Nakikita ko sya sa periphiral vision ko na nag peace sign sa akin habang nakangiti.
"Alam mo pag ikaw sinapak ko wag kang aaray!"
"Sige, Ouch na lang!"
Literal akong napanganga sa pagka pilosopo nya. Huuuuu!! Kalama lang Eileithyia.. kalama..
"Ang lalim kasi ng iniisip mo eh! Siguro ako yan? Ayiee crush mo ko no?" Sabi nya sabay taas baba ng kilay.
Napalakas ang pagkakasabi nya nun dahilan para marinig ng buong klase.
"Amin amin din kasi!" Sabi nya pa ulit!
Napatingin naman ako sa kanila at gaya ng inaasahan ko karamihan ng mga babae ay sinamaan ako ng tingin.
Napansin nya rin ito at bumulong sa'akin "ayt! Sorry! Hehe"
"Bwisit ka talagaaaa!!" Bulong ko pabalik. Grabe balak nya ba talaga akong ipahamak?! Dahil sa kagwa*ehemehem*puhan nya obvious na, na maraming mga babae ang naaakit sa kanya kaya hindi na ako magtataka kung bakit ang dami nilang tumitig kanina ng masama sakin!
Muli akong tumingin sa kanya, iba nanaman ang ekspresyon ng mukha nya pwede rin sabihing wala nanaman syang ekspresyong ipinapakita sa mukha nya, napaka moody ng lalaing toh! Minsan seryoso madalas may saltik. Bipolar talaga amp!
nakatingin sya bintana at pinagmamasdan ang kalangitan. Nakakatakot dahil bigla bigla na lang syang ngumiti na parang may ikot sa ulo
Ano bang problema ng lalaking toh? Teka!.. bakit ko ba sya iniisip?! Aish! Wala na akong pakeelam!
YOU ARE READING
Love Bind
FantasiIsa syang pure breed witch na nagngangalang Eileithyia. sa lahat ng hirap na naranasan nya noon naging malakas sya at s paglipas ng panahon mas naging matatag pa sya Ngunit sa lahat ng damdaming dala-dala nya simula pagkabata ay mahihirapan syang ma...