"Sa tingin mo, bakit ikaw ang inihaharap ko sa iabng mga babaeng may gusto sa akin? Dahil ikaw gusto kong iwasan ka, ikaw pa rin ang gusto ko."
Kung isang fairy tale para sa karamihan sa mga kababaihan sa Pilipinas na makadaupang-palad ang isang miyembro ng Stallion Island na katulad ni Jayson Alden Arcena, isa naman iyong bangungot para kay Imhan.
Maraming pagkakataon sa buhay niya ang nasisira dahil sa pakikialam nito at pagiging sipsip sa mga magulang niya. At ang nakakainis pa, isang ngiti lang ni Jayson sa kanya, parang Jell-O na sa lambot ang mga tuhod niya.
Hanggang dumating ang oras na kinailangan niya ang tulong ni Jayson. Isang kasunduaan ang kailangan niyang tuparin. And she knew that it could put her heart on the line....
BINABASA MO ANG
Stallion Island 2: Jayson Alden Arcena Completed
RomanceTwo childhood enemies. One romantic island. Sino ang unang mai-in love. Published under Precious Hearts Romances. First edition 2009